Skip to document

AP9 Q3 M3 - n/a

n/a
Course

Accounting (Acc103)

462 Documents
Students shared 462 documents in this course
Academic year: 2021/2022
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Araullo University

Comments

Please sign in or register to post comments.

Related Studylists

AP Q3Lesson Plan Materials

Preview text

Araling

AIRs - LM

9

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan - Modyul 3:

Konsepto, Dahilan, Epekto at Pagtugon

Implasyon

####### Araling Panlipunan 9

####### Ikatlong Markahan - Modyul 3: Konsepto, Dahilan, Epekto at Pagtugon sa

####### Implasyon

####### Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021

####### La Union Schools Division

####### Region I

####### Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o

####### pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

####### Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

####### Manunulat: Marcelo F. Dela Cruz

####### Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

####### Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

####### Tagapamahala:

####### ATTY. Donato D. Balderas, Jr.

####### Schools Division Superintendent

####### Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph

####### Assistant Schools Division Superintendent

####### German E. Flora, Ph, CID Chief

####### Virgilio C. Boado, Ph, EPS in Charge of LRMS

####### Mario B. Paneda, Ed, EPS in Charge of Araling Panlipunan

####### Michael Jason D. Morales, PDO II

####### Claire P. Toluyen, Librarian II

####### Paunang Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at ilagay ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero.

_____1. Ano ang tumutukoy sa pataas na paggalaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo na kinokonsumo ng mga konsyumer? A. Implasyon B. Hyperinflation C. Deplasyon D. Resesyon

_____2. Sa Austria noong 1914 hanggang 1923 ay naganap ang labis at hindi mapigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Anong konsepto ang tawag sa pangyayaring ito? A. Deplasyon B C D inflation

_____3. Kung si Marcelo ay umutang kay Monalyn ng Php 100 na ipinambili niya ng kalahating kilo ng isda sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyonsa susunod na buwan, ano ang halaga ng kalahating kilo ng manok? A.Php95 B.Php100 C.Php105 D.

_____4. Alin sa sumusunod ang tamang mathematical statement patungkol sa demand pull Inflation? A. Aggregate Demand > Aggregate Supply = Demand Pull Inflation B. Aggregate Demand< Aggregate Supply = Demand Pull Inflation C. Aggregate Demand = Aggregate Supply = Demand Pull Inflation D. Aggregate Demand ≥ Aggregate Supply = Demand Pull Inflation

_____5. Aling panukat ang ginagamit upang makuha ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyong ginagamit ng mga konsyumer? A. Inflation Rate Index B Price Index C. Consumer Price Index D. GNP Implicit Price Index

_____6. Alin sa sumusunod ang HINDI dahilan ng cost-push inflation? A. Palitan ng piso sa dolyar B. Pagtaas ng supply ng salapi C. Pagtaas ng halaga ng mga salik sa produksyon D. Pagdepende sa importasyon para sa hilaw na sangkap

_____7. Sino sa sumusunod ang nakikinabang kapag may implasyon? A. Mga taong nag-iimpok B taong tiyak ang kita

Simulan

C. Mga taong nagpapautang D. Mga speculator at negosyante

_____8. Sino sa sumusunod ang nalulugi kapag may implasyon? A. Mga speculator B. Mga umuutang C. Mga taong tiyak ang kita D. Mga negosyante

_____9. Alin sa mga sumusunod ang MALING pahayag hinggil sa demand- pull inflation? A. Ang labis na demand ay sanhi ng inflation B. Ang labis na pera sa sirkulasyon ay sanhi ng implasyon C. Nagaganap ang implasyon kapag ang produksyon ay hindi nakasabay sa demand D. Ang demand-pull inflation ay nagaganap kapag ang wala na sa kontrol ang pagtaas ng mga bilihin.

_____10. Ano ang tawag sa grupo ng mga produkto na madalas at karaniwang ginagamit ng mga konsyumer na ginagawang batayan upang makompyut ang Consumer Price Index? A. Table of Goods C. Plastic of Goods B. Basket of Goods D. Basic Necessities

####### Gawain 1. PicText Play

Panuto: Hulaan ang konseptong ipinahihiwatig ng kombinasyon ng mga larawan at salita sa ibaba.

A.


Pinagkunan:google/search?q=pagtaas+ng+bilihin+cartooning&tbm=isch&hl=en&chips=q:pagtaa s+ng+bilihin+cartooning,online_chips:editorial&sa=X&ved=2ahUKEwir- 5DuAhVqE6YKHalmDaIQ4lYoBHoECAEQHg&biw=1349&bih=695#imgrc=R-4J5eFzaA7GdM

B.


Pinagkunan:google/search?q=pagtaas+ng+bilihin+cartooning&tbm=isch&hl=en&chips=q:pagtaa s+ng+bilihin+cartooning,online_chips:editorial&sa=X&ved=2ahUKEwir- 5DuAhVqE6YKHalmDaIQ4lYoBHoECAEQHg&biw=1349&bih=695#imgrc=R-4J5eFzaA7GdM

4 ng price control sa lahat ng mga bilihin

####### 5 ng maraming produkto sa basket of

####### goods.

####### 6 ng mga mangagawa sa trabaho.

####### 7 ng money supply sa ekonomiya

####### 8 ng produkto sa mababang halaga.

9 sa mga price manipulator.

10 ng mga polisiya para mapababa ang presyo ng mga bilihin.

####### Gawain 3. Anong Pamagat Mo?

Maswerte ang Pasko ng 2020 para kay Daisy. Hindi niya aakalaing makikita niya ang matagal nang nagtatagong ninong. ‘Huli Ka Ninong”, ang bati niya. Nanlumo ang ninong ni Daisy na animo’y nakasumpong ng isang mabangis na holdaper sa kalye. “Suko na ako, ang sabi niya. Magkano na ba ang utang ko sa iyo?” Nagkuwenta si Daisy. “Isang taon ako ng simula kayong magtago ninong. Labing anim na ako ngayon. Samakatuwid, kung bibigyan nyo ako ng P 100 kada pasko, eh di P 1600 ang utang ninyo sa akin,” ang sagot niya. Bumuntung-hininga na halos malagutan ng ugat sa leeg ang ninong ni Daisy saka iniabot ang P 1600 na tila mawawalan na ng ulirat. Siya naman ay ngiting aso sa pag-abot nito. “Sa wakas mabibili ko na rin ang pinapangarap kong cellphone, ang Nokia 3210 na nagkakahalaga ng P 1600,” ang sabi niya sa sarili niya. Sabik na sabik siyang nagtungo sa cellphone shop ngunit laking panlulumo niya dahil hindi pa rin pala mabibili ang pangarap na cellphone.

Mga Pamprosesong tanong:

  1. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit hindi pa rin mabibili ni Daisy ang pangarap niyang cellphone batay sa kwento sa itaas? A na ang cellphone. B ng presyo ng cellphone C na ang shop D-utang si Cecille sa shop

  2. Anong konsepto sa Ekonomiks na may kinalaman sa presyo ang maiuugnay sa kuwento?

  3. Anong akmang pamagat ang maipapanukala mo para sa kuwento?

####### IMPLASYON

Parang wala ng halaga ang pera. Dumadaan lang sa kamay.” Ilan lamang ang mga ito sa madalas nating marinig na hinahing ng ating mga kababayan lalo na ngayong panahon ng pandemya. Hindi maitatangging isa sa mga negatibong epekto ng pandemya ay ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo. Ngunit bago pa man ang pandemya ang pagbabago sa presyo ay nagaganap na sa ibat-ibang bahagi ng panahon. Subalit kung ang pagbabago ay dulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba ng halaga ng salapi at may negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay dulot ng implasyon. Ano ba implasyon? Ayon sa Wikipedia, ito ay ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal(goods) at mga serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng periodo ng panahon. Ipinaliwanag naman nina Parkin at Blade(2010) sa kanilang aklat na Economics na ang implasyon ay ang pataas na paggalaw ng presyo. Kanila ring binanggit na ang paggalaw ng presyo ay maaari ring pababa na tinatawag namang deplasyon. Ang pagtaas ng presyo ay sinasabing kaakibat na ng ating buhay. Marahil naaalala mo pa sa lolo o lola mo ang mga kwentong “noong panahon ng amimg kabataan kapag may piso ka, makakainom ka ng softdrinks at kung may limang piso ka makabibili ka na ng isang kilo ng bigas. Nakaka- sana all, di ba? Ngunit may mga panahon sa kasaysayan na ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay pabulusok na tumataas. Nagaganap ito bawat oras, araw at linggo katulad ng naganap sa bansang Austria mula taong 1914 hanggang 1923 na umakyat sa 1,426 % ang kanilang inflation rate. Naranasan ng Pilipinas ang ganitong sitwasyon sa panahon ng pananakop ng mga Hapon. Tinawag na mickey mouse money ang pera sa mga panahon iyon dahil halos mawalan na ito ng halaga kaya parang laruan na lamang. May mga kwento pa nga na upang makabili ng isang kilo ng bigas, kailangan mong magdala ng isang bayong ng pera. Ang tawag sa kondisyon na ito na kung saan labis-labis, patuloy at mabilis ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay hyperinflation.

####### Sa kasalukuyan, bagaman at nakasadlak tayo sa pandemya, mapalad parin

tayo dahil hindi umabot sa puntong naranasan natin ang hyperinflation dahil

####### kung sakali baka mapabigkas tayo ng OMG.

Ayon sa The Economics Glossary, ang mga piling produkto na nakapaloob sa Basket of Goods ang ginagamit na batayan upang sukatin ang pangkalahatang

Lakbayin

o base year. Sa ating talaan, ginamit natin ang 2001 bilang batayang taon o base year. Gamit ang TWP ng taong 2002 at TWP ng batayang taong 2001 ay maaari na nating makompyut ang CPI ng taong 2002sa pamamagitan ng pormula sa ibaba:

Ang CPI sa taong 2002 ay 116.

####### ANTAS NG IMPLASYON

Upang magkaroon ng kabuluhan ang pagkaunawa sa konsepto ng implasyon, mahalaga rin na makuha ang porsyento ng pagtaas ng presyo. Ang porysento o numero na nakuha mula sa ginawang kompyutasyon ang magbibigay linaw kung gaano kalaki ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sa pagkompyut ng antas ng implasyon ay gagamitin natin ang pormulang:

Ang antas ng implasyon sa taong 2002 ay 16 %.

Ano ang ibig sabihin ng numerong ito? Ito ay nagpapahiwatig na may naganap na pangkalahatang pagtaas ng presyo na 16 %. Bigyan natin ng aplikasyon ang nasabing numero at gamitin ang produktong gasolina bilang halimbawa. Kung ang presyo ng gasolina noong 2002 ay P 40, ibig sabihin ang dating presyo nito ay P 33. Ang P 6 na pagkakaiba sa presyo ay ang antas ng implasyon na 16 %. Saan naman natin nakuha ang CPI ng nagdaang taon? Pansinin natin na ang nagdaang taon ay 2001 na ito rin ang ginamit natin bilang batayang taon. Ang CPI ng batayang taon ay palaging nasa 100.

CPI = TWP Kasalukuyang Taon TWP Basehang Taon

CPI = 3775 3349

x 100

CPI = 116.

CPI = TWP ng 2002 TWP ng 2001

x 100

x 100

Antas ng Implasyon = CPI ng Kasalukuyang Taon – CPI ng Nagdaang Taon CPI ng Nagdaang Taon x 100 Antas ng Implasyon = 116 – 100 100

x 100 Antas ng Implasyon = 16. 100

x 100

Antas ng Implasyon = 16 %

####### PURCHASING POWER OF PESO

Kaakibat ng implasyon ay ang pagbaba ng kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili o ang purchasing power nito. Muli ay gagamitin natin ang nakompuyut nating CPI upang malaman ang pagbabago sa Purchasing Power of Peso. Tunghayan ang pormula sa ibaba:

Ang piso sa taong 2001 ay may katumbas na lamang na .8607 sentimo sa taong 2002. Pansinin na bumaba ng .1393 ang kakayahang makabili ng piso sa taong 2002 kumpara sa taong 2001. Ibig sabihin, ang dating mabibili mo ng piso sa taong 2001 ay hindi mo na mabibili dahil mas mababa na ang kakayahan nito sa taong 2002. Ito ay nagaganap dahil sa epekto ng implasyon. Mahalagang malaman na habang tumataas ang CPI ay bumababa naman ang PPP o ang kakayahang makabili ng piso.

####### KLASIPIKASYON NG IMPLASYON

  • Demand-pull. Nagaganap ang Demand-pull Inflation kapag nagkakaroon ng paglaki sa paggasta ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor ngunit ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi katumbas ng paglaki ng produksyon. Dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya ang presyo ng mga bilihin ay tumataas. Aggregate Demand > Aggregate Supply = Demand Pull Inflation

  • Cost-push. Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung ang isang salik sa produksyon , halimbawa, ay lakas paggawa, ay magkakaroon ng pagtaas ng sahod, maaari itong makaapekto sa kabuuang presyo ng mga produktong ginagawa.

  • Structural. Kung ang sanhi ng implasyon ay ang mga patakaran sa pananalapi na ipinaiiral ng pamahalaan.

PPP =

1 CPI x 100

PPP = 116 1 x 100

PPP =.

####### MGA NAKIKINABANG SA IMPLASYON

1. Mga Mangungutang

####### Ang mga taong nangungutang ay nakikinabang sa implasyon

####### lalo na kapag ang interes ng inutang ay mas mababa keysa sa antas

####### ng implasyon. Nagamit nila ang perang inutang nila na pambili ng

####### produkto o serbisyo sa panahon na ang halaga ng mga ito ay hindi pa

####### naaapektuhan ng implasyon.

####### Hal. Si Ionnie ay nakabili ng sapatos mula sa kaniyang inutang

####### na halagang P 500. Nangako siya na babayaran niya ito kasama

####### ang 2 % interest sa loob ng isang taon. Sa sumunod na taon, dahil sa 5

####### % inflation rate, ang halaga ng sapatos ay naging P 525.

####### Samakatuwid, nakatipid pa si Ionnie ng P 15 dahil ang kabuuang

####### halaga ng kaniyang binayaran sa kaniyang inutang kasama ang

####### interes ay P 510 lamang.

2. Mga Speculators

####### Ito ay ang mga taong ginagawang negosyo ang pagbili ng mga

####### produkto na mabilis at madaling tumaas ang presyo tulad ng lupa,

####### alahas, ginto at iba pa. Nakikinabang sila dahil naipagbibili nila ang

####### mga produkto sa mas mataas na halaga kapag may nagaganap na

####### implasyon.

3. Mga Taong Hindi Tiyak ang Kita

####### Ang mga taong ang kinikita ay may kakayahang umagapay sa

####### pagtaas ng presyo ng produkto o serbisyo sa dahilang maaari nilang

####### itaas ang halaga ng kanilang mga sariling produkto o serbisyo batay

####### sa antas ng implasyon. Ang halimbawa ng mga taong ito ay ang mga

####### negosyante.

####### HINDI MABUTING EPEKTO NG IMPLASYON

####### Sa pangkalahatan, ang mga mamamayan na walang kakayahang

####### umagapay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang pinaka-naaapektuhan

####### ng implasyon. Dahil sa kanilang kawalan ng kakayang makabili ng mga

####### produkto at serbisyo ay bababa ang demand na magiging dahilan naman

####### upang ang mga prodyuser ay magbawas kanilang produksyon na maaaring

####### magresulta sa pagtatanggal nila ng kanilang mga empleyado na

####### makadaragdag sa antas ng kawalan ng trabaho sa bansa.

####### MGA NAAAPEKTUHAN NG IMPLASYON

1. Mga Taong Tiyak ang Kita

####### Ang mga empleyado mula sa pribado at pampublikong

####### tanggapan ang tinutukoy rito. Dahil ang kanilang kinikita ay

####### nakatakda na o fixed ay makakaapekto sa kanilang antas ng

####### pamumuhay ang anumang implasyon na magaganap.

####### 2. Nagpapautang

####### Ang mga taong nagpapautang ay maaaring malugi kung ang

####### antas ng implasyon ay mas mataas kaysa sa interes ng kanilang

####### ipinapautang. Hal. Ipinagpaliban ni Janaree ang pagbili paborito

####### niyang cellphone case dahil nagpautang siya ng halagang P 100.

####### kay Nickember sa interes na 5 % sa loob ng isang buwan. Nabayaran

####### siya pagkalipas ng isang buwan ng halagang P 105 kasama na ang

####### 5 % interes. Nang bibilhin na niya ang cellphone case, nagulat siya

####### dahil ito ay nagkakahalaga na ng P 110 dahil sa 10 % inflation

####### rate. Samakatuwid, kailangan pa niyang magdagdag ng P 5 upang

####### mabili lamang ito.

3. Nag-iimpok

####### Ang pag-iimpok ay kapaki-pakinabang na Gawain. Subalit sa

####### tuwing may nagaganap na implasyon, ang mga taong nag-iimpok ay

####### naapektuhan kapag mas mataas ang inflation rate kaysa sa interes ng

####### kanilang inimpok na pera. Ang paliwanag rito ay katulad lamang sa

####### mga taong nagpapautang. Pinakamasamang mangyari sa nag-iimpok

####### ay kapag hindi nila inilagak ang kanilang mga pera sa institusyong

####### pinansyal na nag-aalok ng interes. Ibig sabihin, bababa ang halaga ng

####### kanilang pera dahil sa implasyon ngunit wala naman silang

####### makukuhang interes.

####### PAGTUGON SA IMPLASYON

####### Ang Pamahalaan ang may pangunahing tungkulin upang matugunan

####### ang mataas na antas ng implasyon. Sa pamamagitan ng ibat-ibang ahensya

####### nito katulad ng Bangko Sentral, Department of Finance at National

####### Econcomic Development Authority ay pinagpaplanohan ang mga estratehiya

####### at polisiyang aangkop sa kalagayan ng implasyon sa bansa.

####### Halimbawa ang labis na suplay ng salapi sa pamilihan ay

####### nakakapagpataas ng antas ng implasyon. Nangangahulugan kasi ito na

####### hindi normal ang pagtaas ng demad dahil hindi nasasabayan ng pagtaas ng

####### produksyon.

####### Upang tugunan ito, ang pamahalaan ay magpapatupad ng tight money

####### policy na ibig sabihin ay isasaayos ang supply ng salapi sa pamilihan. Ilan

####### Gawain 1: Sanhi o Bunga?

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung bunga o sanhi ng implasyon. Isulat ang titik B para sa bunga at S para sa sanhi sa patlang bago ang bilang.

_____1. Pagkakaroon ng hidwaan ng mga bansang nagluluwas ng langis

_____2. Paghingi ng dagdag na sahod ng mga mangagawa.

_____3. Kawalan ng kakayahan ng mamamayan na makabili ng pangunahing pangangailangan.

_____4. Karamihan ng mga tao ay nawawalan ng interes na mag-impok sa bangko

_____5. Kawalan ng katatagan sa pulitika ng bansa.

_____6. Pagtaas ng buwis na sinisingil sa mga negosyante at prodyuser.

_____7. Pabago-bagong patakarang pangekonomiya ng bansa.

_____8. Pagsasara ng maraming pagawaan

_____9. Pagtaas ng gastusin sa produksyon.

_____10. Pagtaas ng halaga ng dolyar.

Galugarin

####### Gawain 2. Work From Home!

Si Ashley Joyce ay isang empleyada sa Philippine Statistic Authority.

Kailangan niyang tapusin ang talaan na nasa ibaba kahit siya ay naka- work from home. Tulungan natin si Ashley Joyce sa pamamagitan ng pagkompyut sa antas ng implasyon at Peso Purchasing Power.

Taon CPI Inflation Rate PPP

1998 162.

1999 163.

2000 163.

2001 163.

####### Gawain 3. Usapang Pandemik

Ang pandemik ang itinuturong salarin sa mataas ng antas implasyon na ating nararanasan sa kasalukuyan. Gamitin ang mga letra ng salitang PANDEMIK bilang klu upang matukoy ang mga konseptong may kaugnayan sa implasyon.

  1. Ang kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili ng mga produkto o serbisyo.

  2. Sa bansang ito naitala ang 1426 % inflation rate.

  3. Apektado sila dahil mas mataas ang implasyon kaysa interes ng kanilang pera.

  4. Ang pababang paggalaw ng presyo ng mga bilihin.

  5. Ayon sa aklat na ito, tumutukoy ang implasyon sa pagtaas ng presyo ng mga produkto na kabilang sa basket of goods.

  6. Tawag sa pera ng Pilipinas noong panahon ng Hapon dahil walang halaga.

  7. Ito ay nagdudulot ng mataas na halaga ng produksyon na sanhi ng implasyon.

  8. Ang tawag sa grupo ng mga negosyate na may kakayahang kontrolin ang presyo ng mga bilihin na nagreresulta sa implasyon.

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan ng Pagsasanay Nilalaman (Malinaw na nailahad ang punto na nais iparating sa editorial)

4 3 2 1

Gramatika( Nagamit ng wasto at epektibo ang wikang Filipino)

3 2 1.

Organisasyon (Maayos ang pagkakalahad ng mga ideya na nakapaloob sa editorial)

3 2 1.

####### Gawain 1 : Ekonomistang Makata

Gawing mas kapa-panabik ang pag-aaral ng Ekonomiks sa pamamagitan ng pagsulat ng tula para sa akronim na implasyon.

I -

M –

P –

L –

A –

S -

Y –

O –

N-

Rubriks ng Pagmamarka

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan ng Pagsasanay Nilalaman (Malinaw na naipakita ang konseptong nais iparating sa tula

4 3 2 1

Gramatika( Nagamit ng wasto at epektibo ang wikang Filipino)

3 2 1 .

Pagkamasining 3 2 1.

####### Panuto : Basahing mabuti ang bawat tanong at ilagay ang titik ng tamang sagot

####### sa patlang bago ang numero.

_____1. Aling bansa sa Europa ang nakaranas ng hyperinflation? A. Austria B. Finland C. Norway D. Russia

_____2. Ano ang tawag sa salapi na ginamit sa panahon ng mga Hapon dito sa Pilipinas? A. Fiat Money B. Mickey Mouse C. Play Money D. Token

_____3. Ano ang tawag sa mga piling produkto na kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan? A Necessities B of Goods C of Goods D Commodities

_____4. Ano ang CPI ng batayang taon? A. O B. 1 C. 10 D. 100

_____ 5. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa konsepto ng implasyon? A. Paggalaw na pataas ng presyo ng mga bilihin B. Labis at sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin C. Pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo D. Pagtaas ng presyo ng mga produktong kabilang sa Basket of Goods

Sukatin

Was this document helpful?

AP9 Q3 M3 - n/a

Course: Accounting (Acc103)

462 Documents
Students shared 462 documents in this course

University: Araullo University

Was this document helpful?
Araling
AIRs - LM
9
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 3:
Konsepto, Dahilan, Epekto at Pagtugon
Implasyon