- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Magandang araw sa ating guro maam gloria at sa aking mga kamag aral (Auto Recovered)
Course: Civil Engineering (BSCE 01)
136 Documents
Students shared 136 documents in this course
University: Ateneo de Davao University
Was this document helpful?
Pangalan: Joshua C. Sayon III
TALUMPATI
Magandang araw po ako po si Joshua Sayon III at sa ating guro ma’am
Glory Comiso at sa aking mga kamag aral. Narito ako para mag bigay ng
isang talumpati para sa ating mga grade 11 na bagong pasok sa senior high
school.
Ang edukasyon ay katumbas ng isang imbisibol na susi, tulay, hagdan,
at sandatang panghabambuhay na bitbit ng bawat isang tao na magagamit
nila sa kani-kanilang paglalakbay at mga hakbang na dadaanan sa buhay.
Kung wala ito, mahihirapan ang tao na abutin ang kanilang mga pangarap at
mithiin sa mundong ito. Ayon kay Enriquez (2012), ang edukasyon ay hindi
lamang susi sa tagumpay kundi sa marami pang bagay. Ang kaalamang
natututunan natin sa paaralan ang nagbubukas at nagmumulat sa ating
kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at
nagbibigay sa atin ng pagkatuto.
Malaking kasiyahan para sa ating mga magulang ang makapagtapos.
Kayamanan ito para sa kanila dahil ito lang ang maipamamana nila sa atin.
Ito ay mahalaga dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at para
magkaroon ng magandang hinaharap. Hindi hadlang ang kahirapan para sa
pagtatagumpay. Kung mahirap ka man, maraming paraan para makamit mo
ang iyong tagumpay. Kailangan mo lang ipakita ang iyong katatagan,
pagiging maabilidad at pagkakaroon ng lakas ng loob upang makaisip ng
paraan upang ikaw ay makapagtapos ng pagaaral. Mag pasalamat tayo kasi
naka pag aral pa tayo sa senior high school. At isang karangalan ang maging
isang senior high na studyante kasi maka tulong ito sa para ma ugnay ang
cursong kunin pag dating sa kolehiyo.
Maraming nagsasabing ang hirap maging isang STEM student lalo na
sa sitwasyon natin ngayon na delikado ang ating kalusugan dahil sa
pandemya na lumalaganap sa mundo .Sa pamalahaan ipinatupad itong
programa para tulungan ang mga kabataan. Sa buong mundo ang pilipinas
na lang ang sampung taon na may basic na edukasyon. Kaya’t ang pilipinas