Skip to document

Short Summary Example

An example of short summary of a story.
Course

Civil Engineering (BSCE 01)

136 Documents
Students shared 136 documents in this course
Academic year: 2023/2024
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Ateneo de Davao University

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Habang naghihintay si Ivel para kay Carson narinig niya ang tungkol sa nalalapit na Olymphosos Tournament. Sa narinig niyang iyon, naalala niya ang tungkol sa kaniyang nakaraan kasama si Lillia Leonard. Ang kaniyang babaeng bestfriend at first love. Habang umaalala siya biglang dumating si Jeremy Carter na isang membro ng Oragon. Dahil sa kaniya, nahinto si Ivel sa pag-alala sa kaniyang nakaraan. Sinabi ni Jeremy na hindi makakarating si Carson. Nasabi niya rin ang napatay sa United Academy na sila ang sinisisi. Mas nagulantang siya ng malaman niya na si Lillia Leonard ang namatay. Kinakailangan niyang patayin si Douglas matapos yun iniwan na siya ni Jeremy. Maya't maya biglang dumating si Douglas. Kaso sa pagdating ni Douglas, kaakibat nito ay gulo. Nagkaroon ng away sa pagitan ni Ivel at sa mga kasamahan ni Douglas. Napigilan lang ito ni Eliza. Matapos ang insidenteng yun, umalis siya at nabunggo si Alexia. Matapos yun nagdesisyon si Ivel na sasali sa Olymphosos Tournament. Nagpalista siya at nagulantang mga naroon dahil may isang summoner pa ang nabuhay. Habang naroon si Ivel, nakita niyang may mga sundalo. Nalaman niyang namatay si Douglas at ang may pakana nito ay isa sa 12 Monaster. Oras ng Olymphosos Tournament nakita niya ang grupo ng nilalang. Namukhaan niya ang dalawa. Ito ay yung pumigil sa kaniya at yung nabangga niya. Nanalo si Ivel sa patimpalak. Ginamit niya ang pagiging summoner niya. Matapos yun inalok siya ng grupong tinitingnan niya na sumama sa kanila kaso tinanggihan niya lang ito. Habang naglalakad, nakasalubong ni Ivel si Elark. Si Elark ay isang grupo ng Oragon. Pupunta si Elark sa bahay ni Ivel kaso nakasalubong niya ito. Sinabi ni Elark kay Ivel na may traydor sa kanilang grupo. Hindi sinabi ni Elark kung sino. Nang makarating si Ivel sa tagpuan, nakita ni Ivel si Eliza. Siya ang babaeng maghahatid kay Ivel sa United Academy. Dumating sila sa United Academy pero bago yun may nangyaring pag-uusap sa dalawa. Habang nasa daan papunta sa opisina ng Headmaster ng United Academy, nakita ni Ivel ang babaeng inaapi mula sa isang grupo. Dahil dito, tinulungan niya ito. Sa pakikialam niya, mapapahamak siya. Bago pa may mangyari na di kaaya-aya, dumating si Gorthin. Nang nasa opisina si Ivel ni Gorthin, ipinaliwanag nito ang tungkol sa United Academy. Doon naalala niya ang sinabi ni Jeremy sa kaniya noon na hindi pangkaraniwang paaralan ang United Academy dahil hinahayaan nila ang mga estudanyte na magbully.

Sa pananatili ni Ivel sa United Academy, maraming siyang nalaman sa paaralan. Hindi pa man siya nakakatagal ay unti-unti lumalabas ang tunay niyang pagkatao. Una ay pagiging summoner nito. Pangalawa naman ay nangyari noon sa mga kapwa nitong summoner. Inamin ni Ivel sa mga kaklase niya na siya ang pumatay sa kapwa nito. Siya ang pumatay sa magulang nito. Hindi pa roon natapos dahil nalaman ni Eliza ang isa pang sikreto ni Ivel. Ang pagiging membro nito ng Oragon ngunit hindi niya ito sinabi maliban kay Kayara. Ngunit isang pangyayari ang nagbago, naging dahilan ito para malaman ng lahat na membro siya ng Oragon. Umatake ang isa sa mga membro ng Shield na pumapanggap bilang Oragon. Dahil dito nagkaroon ng labanan kaso natalo si Ivel. Pagkagising ni Ivel, nag-usap pa sila ni Alexia bago dumating si Kayara. Pinaliwanag ni Kayara ang mga pahayag ng mga hari't reyna hanggang sa kumatok si Zandiah upang sabihin na kakausapin si Ivel. Nang makarating sa pagpupulong sina Kayara at Ivel, sinabi sa kaniya na kailangan niyang maging membro ng Oragon kung ayaw niyang makulong. Wala nagawa si Ivel dahil si Kayara na ang pumayag. Dahil pati si Kayara ay damay din. Naging membro si Ivel ng Heirossi. Hinanap nila ang Shield upang pigilan sila sa mga masasama nilang ginagawa katulad ng pagpapalaya sa mga preso. Isang araw, pinatay ni Gorthin si Kayara na siyang nakita naman ni Ivel. Dahil doon, kinulong siya. Ilang araw ang lumipas ay sumulpot ang kasama niya para umalis at siya naman pag-atake ng Shield. Dahil doon, napalaban si Ivel. Nalaman niya na hindi pala si Luis Lim ang pumatay kundi siya. Sumulpot ang 12 Monaster at sila ang tumapos. Umalis naman si Ivel.

Was this document helpful?

Short Summary Example

Course: Civil Engineering (BSCE 01)

136 Documents
Students shared 136 documents in this course
Was this document helpful?
Habang naghihintay si Ivel para kay Carson narinig niya ang tungkol sa nalalapit na Olymphosos
Tournament. Sa narinig niyang iyon, naalala niya ang tungkol sa kaniyang nakaraan kasama si Lillia
Leonard. Ang kaniyang babaeng bestfriend at first love. Habang umaalala siya biglang dumating si
Jeremy Carter na isang membro ng Oragon. Dahil sa kaniya, nahinto si Ivel sa pag-alala sa kaniyang
nakaraan. Sinabi ni Jeremy na hindi makakarating si
Carson. Nasabi niya rin ang napatay sa United Academy na sila ang sinisisi. Mas nagulantang siya ng
malaman niya na si Lillia Leonard ang namatay.
Kinakailangan niyang patayin si Douglas matapos yun iniwan na siya ni Jeremy.
Maya't maya biglang dumating si Douglas. Kaso sa pagdating ni Douglas, kaakibat nito ay gulo.
Nagkaroon ng away sa pagitan ni Ivel at sa mga kasamahan ni Douglas. Napigilan lang ito ni Eliza.
Matapos ang insidenteng yun, umalis siya at nabunggo si Alexia.
Matapos yun nagdesisyon si Ivel na sasali sa Olymphosos Tournament. Nagpalista siya at nagulantang
mga naroon dahil may isang summoner pa ang nabuhay. Habang naroon si Ivel, nakita niyang may
mga sundalo. Nalaman niyang namatay si Douglas at ang may pakana nito ay isa sa 12 Monaster.
Oras ng Olymphosos Tournament nakita niya ang grupo ng nilalang. Namukhaan niya ang dalawa. Ito
ay yung pumigil sa kaniya at yung nabangga niya. Nanalo si Ivel sa patimpalak. Ginamit niya ang
pagiging summoner niya. Matapos yun inalok siya ng grupong tinitingnan niya na sumama sa kanila
kaso tinanggihan niya lang ito.
Habang naglalakad, nakasalubong ni Ivel si Elark. Si Elark ay isang grupo ng Oragon. Pupunta si Elark
sa bahay ni Ivel kaso nakasalubong niya ito. Sinabi ni Elark kay Ivel na may traydor sa kanilang grupo.
Hindi sinabi ni Elark kung sino. Nang makarating si Ivel sa tagpuan, nakita ni Ivel si Eliza. Siya ang
babaeng maghahatid kay Ivel sa United Academy.
Dumating sila sa United Academy pero bago yun may nangyaring pag-uusap sa dalawa. Habang nasa
daan papunta sa opisina ng Headmaster ng United Academy, nakita ni Ivel ang babaeng inaapi mula
sa isang grupo. Dahil dito, tinulungan niya ito. Sa pakikialam niya, mapapahamak siya. Bago pa may
mangyari na di kaaya-aya, dumating si Gorthin.
Nang nasa opisina si Ivel ni Gorthin, ipinaliwanag nito ang tungkol sa United Academy. Doon naalala
niya ang sinabi ni Jeremy sa kaniya noon na hindi pangkaraniwang paaralan ang United Academy
dahil hinahayaan nila ang mga estudanyte na magbully.