- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
21st Century Lit-Q3-LAS
Course: Bachelor in Secondary Education (BSED 4101- S)
544 Documents
Students shared 544 documents in this course
University: Bestlink College of the Philippines
Was this document helpful?
Good morning everyone!
Welcome to our 21st Century Literature Class!
Alam ko marami kang tanong tulad ng, ano ba yung subject na ito? Para saan ba ito? Kailangan ba ito
sa strand namin? Pwede bang wala na lang nito? Tutula ba kami? O Magiging manunulat? Kung wattpad
stories na lang kasi ang binabasa namin mas masaya pa. Hay naku!
Lahat ng tanong mo ay sasagutin natin sa discussion na ito.
Ako nga pala si Angelle P. Bliss, pwede mo akong tawagin na mam Angel. Ako ang magiging teacher
mo sa subject na ito, sa gusto mo man o sa gustong gusto. (Pwede mo naman ako i-add sa facebook para
makita mo naman kung anong klaseng nilalang ang kausap mo ngayon.
Ang 21st Century Literature from the Philippines and the World ay isa sa mga CORE subjects mo sa
Senior High School. Pag sinabi nating core subject, ito yung mga subjects na makakatulong sa iyo upang
hubugin (ang lalim naman, kakalula) kung ano man ang magiging ikaw sa hinaharap. Kumbaga anuman ang
strand mo, saang propesyon o track ka after ng senior high school, ang mga subject na ito ay makakatulong o
makakaimpluwensya sa iyong pagdedesisyon, pananaw at pagtingin sa mundong iyong ginagalawan. Ikaw
man ay magiging doctor, accountant, welder, chef o anu pa man, ay maiiisip mo na ang iyong buhay ay parang
literature din o panitikan (grabe talaga pag tagalog ano?)
Oo tama ang narinig mo! Ang buhay mo ay kwento din. Pero kung anong klaseng istorya mayroon ito
ay ikaw ang makakapagsabi. Maaaring ito ay horror, comedy, drama, musical, action o halo-halo. (May
munggo, gulaman, beans, mais, leche flan at gatas. Waley, stop na, di na masaya.)
Ang mga kwentong ating pag-aaralan (kung mayroon man) sana ay makainspire, makarelate o
makatulong sa atin para mas maging better. (kasi sabi nya, you deserve someone better di ba?) Sana din lagi
natin maisip na yung kwento natin ay makapagpabago, makaengganyo ng ibang kwentong gusto na nila
tapusin. Huhu pero alam mo sa panahon ngayon, yan na yung isa sa pinakamabuting pwede natin gawin para
sa iba. Di kasi natin alam baka may mga secret na sumusubaybay sa buhay natin, at kung paano tayo magreact
sa mga bagay o pangyayari sa buhay natin ay nakakaapekto pala sa kanila. You can never tell may secret
admirer ka. Ayiiiiieeee
Ano-ano po ba gagawin natin sa subject na ito? Wala. Haha Usto mo yoooornnnn?? Syempre di pwede
yoooorrrnnn. Pero wag ka mag-alala, di naman magiging burden ng subject na ito masyado para sa iyo. Para
makapag-focus ka sa mga specialized subjects mo tulad ng Accounting, Calculus, at Chemistry. Oo naman
kaya makinig kang mabuti para sa mga requirements sa subject na ito.
Una, kailangan mo ng notebook. (Big Notebook sana. Kahit anong kulay BASTA may pangalan ha?
Totoktokan talaga kita kapag walang pangalan, kung wala kang big notebook, kahit anong notebook pwede
basta inuulit ko dapat may pangalan, -100 sa langit talaga kapag kinalimutan mo, dalawang beses ko na
binanggit) Yan lang ang requirement beh, ayos ba? (Mga beh kung kaya ng powers nyo baka pwede sana
iisang kulay lang per section, HUMSS (A, B and C) - Pink, PBM- Sky Blue, ICT/EPAS – Green, SMAW -
White. Kung wala ka talagang big notebook, kahit anong notebook na lang. At kung may available kang
notebook pero hindi akma ang kulay sa iyong strand ay pwede mo naman icover na lang ng colored paper.
Ano po isusulat namin sa big notebook? Magandang tanong yan. Hindi nyo po sasagutan ang mga
exercises sa modules. Ang kailangan nyo gawin ay mag-take ng notes. Ang notes po ninyo per week ay written
task.