- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
APAT NA Komponent O Sangkap NG Kasanayang Komunikatibo
Course: Education
999+ Documents
Students shared 9665 documents in this course
University: Bohol Island State University
Was this document helpful?
APAT NA KOMPONENT O SANGKAP NG KASANAYANG
KOMUNIKATIBO
Nakatutulong sa ating lahat ang pagiging isang mahusay tagapagsalita
dahil ito ang isa sa pinakamahalagang kasanayan na pwede mong
matutunan dahil magagamit mo ito kahit saan at kahit kailan. Upang maging
isang masanay na komunikatibo, may apat na komponent o sangkap na
kailangan mong matutunan ayon kina Michael Canale at Merril Swain.
1. Gramatikal – ito ang sangkap kung saan nagbibigay-kakayanan sa
nagsasalita kung paano bigkasin sa wastong kaayusan ang mga
salita/pangungusap na kanyang ginagamit at kung angkop ng kanyang
ginagamit na mga salita. Mahalaga ang komponent na ito upang magka-
intindihan kayo ng kausap mo dahil maaring maging sanhi nang hindi
pagkakaunawaan kapag hindi wasto ang paggamit ng baralila at epektibo ito
sa pagbuo ng salita, tamang pagbigkas, pagbabaybay at maging sa
pagbibigay kahulugan ng salita. Ang mga tanong na sinasagot ng gramatikal
na komponent ay:
· Anong salita ang angkop gamitin?
· Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at
pangungusap?
2. Sosyo-lingguwistik – ito ang sangkap na magagamit nang nagsasalita
ang kalawakan ng kanyang vocabularyo at ang pagpili ng salitang naangkop
sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang
wika. Dapat alam ng nagsasalita ang paggamit ng angkop anumang
pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang
magsalita kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Ang mga
tanong na sinasagot ng sosyo-lingguwistik komponent ay:
·Anong salita o parirala ang angkop sa partikular na lugar at sitwasyon.
·Paano maipahahayag nang maayos at hindi mabibigyan ng iba o maling
interpretasyon ang inilalahad na paggalang, pakikipagkaibigan,
paninindigan, at iba pa?
3. Diskorsal – ito ang sangkap na nagbibigay kakayahang ng nagsasalita na
ipalawak ang mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang
salita upang mas maunawaan ang salita at mapahayag ang mas malalim na
kahulugan nito. Ang tanong na nasasagot sa komponent na ito ay: