- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
PAG Nagtanim NG Hangin
Course: Education
999+ Documents
Students shared 9665 documents in this course
University: Bohol Island State University
Was this document helpful?
"PAG NAGTANIM NG HANGIN, BAGYO ANG AANIHIN"
Ang naturang pahayag ay isang halimbawa ng salawikaing Pilipino, Ito ay nangangahulugan na kapag
tayo ay nagtanim nghindi maganda sa ating kapwa, ito ay babalik din sa atin. Ang konsepto ay nagmula
sa "Karma" ng mga Tsino. Ang hanginay isang paglalarawan sa hindi magandang pagtrato sa ating
kapwa. Sa Pilipinas, kapag may bagyo, madalas ito aynagdudulot ng pagkasira ng ari-arian o hindi
naman kaya ay pagkawala ng buhay ng tao. Ito ay nakakapanakit at satuwina'y ginagamit bilang
paglalarawan sa maaaring masamang mangyari. Sa kabilang banda, kapag tayo naman aynagtanim
ng mabuting binhi, tayo ay mag-aani ng mabuti mula sa ating kapwa.Ang ideya sa likod nito ay mula sa
isa pang salawikain na "Kapag may itinanim, mayroong aanihin" o "Kung ano angitinanim, ay siya ring
aanihin"
"Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga"
Ang "ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga" ay isang salawikain. Ang ibig sabihin ng salawikain na
ito ay ang pagiging magastos at sobra kung magwaldas ng pera ng mga tao sa panahong
nakatanggap sila ng pera, maliit man o malaki. Hindi nila iniisip ang magtipid para sa mga susunod
na araw na darating. Kaya naman pagdating ng araw na kailangan nila ng pera ay wala silang
mapagkukuhanan. Ito ang sinasabing nakatunganga nalang sila at kakamot nalang sa ulo. Isa itong
magandang paalala para matutong magtipid ang mga tao.
“Ang maglakad ng matulin, kung matinik ay malalim”
Ang taong laging nagmamadali sa lahat ng kanyang ginagawa o nag hahangad ng mas malaki para
malagpasan ang iba ay mas malaki pa ang mawawala sa kanya.
ANG LUMALAKAD NG MATULIN, KUNG MATINIK AY MALALIM.
-na ang ibig sabihin ay bwat desisyon sa ating buhay ay kailangan pag-isipan dahil kung agad-agad
magpapasya, baka mauwi sa disgrasya at pagsisihan sa huli ang nagawang pagmamadali.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan Di makararating sa paroroonan.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paroroonan kasaysayan. Ang
kahulugan ng Ang Hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paroroonan Isa itong
salawikaing Tagalog na naglalahad at humihikayat sa isang tao upang bigyan ng pagpapahalaga ang
muling pagtanaw sa kaniyang pinagmulan at pinag-ugatan. Anak na hindi paluhain Ina ang
patatangisin. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paroroonan
anong tanong.