Skip to document

Akasya o Kalabasa - maikling kuwento

maikling kuwento
Course

BSEd Filipino

58 Documents
Students shared 58 documents in this course
Academic year: 2020/2021
Uploaded by:
0followers
13Uploads
2upvotes

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Akasya o Kalabasa

Consolation P. Conde

Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan.

Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at

pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa

paghahalaman.

Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila.

Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod...

Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng

kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang

anak na pag-aaralain sa Maynila.

Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama. Isang balitang paaralang sarili

ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang

nagsisipagprisinta.

Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng

Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako sa punung-guro.”

“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama.

“Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namang nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok

ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?”

“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”

“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro.

“Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang

Simon.

“Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?”

“Ngunit... ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol

sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po ba?”

“Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang

kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang

mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang

upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”

Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay

nagbulungan ang mag-ama.

At... umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa

sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging

mayabong ang kaniyang kinabukasan.”

- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970

Was this document helpful?

Akasya o Kalabasa - maikling kuwento

Course: BSEd Filipino

58 Documents
Students shared 58 documents in this course
Was this document helpful?
Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan.
Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at
pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa
paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila.
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng
kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang
anak na pag-aaralain sa Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama. Isang balitang paaralang sarili
ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang
nagsisipagprisinta.
Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng
Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako sa punung-guro.”
“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namang nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok
ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?”
“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro.
“Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang
Simon.
“Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?”
“Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol
sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po ba?”
“Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang
kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang
mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang
upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay
nagbulungan ang mag-ama.
At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa