Skip to document

Aralin 5 Pamagat - Pagbasa at Pagsulat ng Iba't ibang disiplina

Pagbasa at Pagsulat ng Iba't ibang disiplina
Course

BSEd Filipino

58 Documents
Students shared 58 documents in this course
Academic year: 2021/2022
Uploaded by:
0followers
4Uploads
5upvotes

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Pagpili ng Paksa at Paggawa ng Epektibong Pamagat sa Pananaliksik

Ang pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon ng ating gagawing pananaliksik. Ang paksa ay ang pangunahing ediya sa gagawing pag-aaral. Sa pipiliing paksa iikot ang nilalaman ng ating pamanahong papel/term paper/research, at ito ang magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay nating datos. Mahalagang pag-planuhan nating mabuti ang paksang nais nating pag-aralan o saliksikin. Sa pagpili ng paksa mahalaga ding makapagbigay tayo ng ating gagawing pamagat kung saan dito na papasok ang mga saklaw at limitasyon ng ating gagawing pag-aaral. Sa pagpili ng paksa may mga dapat isaalang-alang upang maisakatupatan ng maayos ang gagawing pananaliksik at ito ay mababasa natin sa baba:

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa

  1. Kasapatan ng datos – Kinakaialangang may sapat na impromasyon na tungkol sa napili mong paksa. Kapag kakaunti ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa, maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-aaral.

  2. Limitasyon ng pag-aaral – Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung hanggang kailan lamang pweding gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya nangangailan ngahabang panahon para maisakatuparan.

  3. Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang pinansyal. May mga paksang masyadong magastos at mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaring hindi mo matapos ang iyong pananaliksik sapagkat ang pinili mong paksa ay masyadong malaki ang mailalabas na pera.

  4. Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa halip dapat ito ay makakatulong din sa iba pang mananaliksik at ibang tao.

  5. Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay gagawin mo para makuha ito. Sa pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong paksa ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at matatapos mo ng komportable ang iyong pag-aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa.

Mga Hanguan ng Paksa

Narito ang ilan na pwede mong pagkunan:

  1. Sarili – Maari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating saliri. Maaring ang maging paksa natin ay batay mismo sa ating karanasan, nabasa, napakinggan at maging sa ating mga kaalaman na natutunan. Halimbawa, ikaw ay isa sa kabataang lulong sa computer games, maari mo itong gawing paksa sa iyong pananaliksik para mas maalaman pa ang iyong kondisyon o magkaroon pa ng impromasyon ukol sa paksang ito.

  2. Dyaryo at Magazine – Sa dyaryo at magazine, makikita at mababasa natin ang mga napapanahong isyu sa loob at labas ng bansa na pwede nating pagbatayan sa pipiliin nating paksa.

  3. Radyo at TV – Katulad sa dyaryo at magazine, natatampok din sa mga programa ng telebisyon at radyo ang mga napapanahong isyu sa ating lipunan. Dito, maari din tayong makakuha ng mga ediya na pwede nating gawing paksa sa gagawing pananaliksik tulad ng mga impormasyon sa isport, edukasyon at maging sa mga balita. Halimbawa ng isyung napapanahon na napapanood natin sa T at napapakinggan natin sa radyo ay tungkol DROGA, DENGVAXIA, POLITIKA at TRAIN Law.

  4. Mga Awtoridad, Guro at Kaibigan – Sa pagtatanong sa kanila, maari tayong magkaroon at makabuo ng ediya batay sa mga impormasyong ibibigay nila patungkol sa gagawin nating pananaliksik.

  5. Internet – Dahil sa lumalago nating teknolohiya, mas mabilis na ang ating pangangalap ng impormasyon. Sa pamamagitan ng pag browse sa internet, makakakalap tayo ng mga ediya na pwede nating gawing paksa. Maari tayong makakuha ng paksa sa mga social media websites tulad ng Facebook, sa pagse-search sa Search Engines tulad ng Google, at sa mga online web articles na ating nababasa.

  6. Aklatan – Pwede din tayong humango ng ating paksa mula sa Aklatan. Magandang kumuha ng paksa sa aklatan kung ang nais nating maging pangunahing ediya ay may kaugnayan sa Edukasyon at Akademya.

Paglilimita ng paksa

Nakapili ka na ba ng paksa? Kung oo, lilimitahan naman natin ito para hindi maging masyadong malawak ang ating pag-aaralan.

Paano nga ba natin lilimitahan ang ating paksa at paano tayo makakagawa ng epektibong pamagat sa ating pananaliksik? Sa paglilimita ng paksa, maari na tayong magkaroon ng tiyak na Pamagat kung saan dito lamang iikot sa pamagat na ito ang ating gagawing pananaliksik. Narito ang ating pwedeng pagbatayan sa pag lilimita ng ating paksa:

Halimbawang Paksa: Droga -> Epekto ng Droga

Paglilimita ng Panahon – sa paglilimita ng panahon, pipili tayo ng taon kung hanggang saan lamang ang sakop ng ating pag-aaralan.  Kasarian – Lalaki o Babae ang target na respondente ng iyong gagawing pag-aaral.

Nalimitang Paksa: Epekto ng droga sa kalalakihang nagamit nito.

Edad – Edad ng mga gagawan mo ng pag-aaral

Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga kabataang may edad na 15-.

Uri o Anyo

Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa kalusugan

Lugar – Saan isasagawa ang pananaliksik

Was this document helpful?

Aralin 5 Pamagat - Pagbasa at Pagsulat ng Iba't ibang disiplina

Course: BSEd Filipino

58 Documents
Students shared 58 documents in this course
Was this document helpful?
Pagpili ng Paksa at Paggawa ng Epektibong Pamagat sa Pananaliksik
Ang pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon ng ating gagawing pananaliksik. Ang paksa ay
ang pangunahing ediya sa gagawing pag-aaral. Sa pipiliing paksa iikot ang nilalaman ng ating
pamanahong papel/term paper/research, at ito ang magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay
nating datos. Mahalagang pag-planuhan nating mabuti ang paksang nais nating pag-aralan o
saliksikin. Sa pagpili ng paksa mahalaga ding makapagbigay tayo ng ating gagawing pamagat
kung saan dito na papasok ang mga saklaw at limitasyon ng ating gagawing pag-aaral. Sa pagpili
ng paksa may mga dapat isaalang-alang upang maisakatupatan ng maayos ang gagawing
pananaliksik at ito ay mababasa natin sa baba:
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa
1. Kasapatan ng datos – Kinakaialangang may sapat na impromasyon na tungkol sa napili
mong paksa. Kapag kakaunti ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa,
maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-aaral.
2. Limitasyon ng pag-aaralAng limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung
hanggang kailan lamang pweding gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na
hindi kayang gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya nangangailan ngahabang
panahon para maisakatuparan.
3. Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong
kakayahang pinansyal. May mga paksang masyadong magastos at mabigat sa bulsa.
Bilang isang mag-aaral, maaring hindi mo matapos ang iyong pananaliksik sapagkat ang
pinili mong paksa ay masyadong malaki ang mailalabas na pera.
4. Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang,
sa halip dapat ito ay makakatulong din sa iba pang mananaliksik at ibang tao.
5. Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay
lahat ay gagawin mo para makuha ito. Sa pananaliksik, mas mapapadali ang iyong
gawain kung ang iyong paksa ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at matatapos mo
ng komportable ang iyong pag-aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa.
Mga Hanguan ng Paksa
Narito ang ilan na pwede mong pagkunan:
1. Sarili – Maari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating saliri. Maaring ang
maging paksa natin ay batay mismo sa ating karanasan, nabasa, napakinggan at maging
sa ating mga kaalaman na natutunan. Halimbawa, ikaw ay isa sa kabataang lulong sa
computer games, maari mo itong gawing paksa sa iyong pananaliksik para mas
maalaman pa ang iyong kondisyon o magkaroon pa ng impromasyon ukol sa paksang ito.
2. Dyaryo at Magazine – Sa dyaryo at magazine, makikita at mababasa natin ang mga
napapanahong isyu sa loob at labas ng bansa na pwede nating pagbatayan sa pipiliin
nating paksa.