- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Aralin 6 Lagom - Pagbasa at Pagsulat ng Iba't ibang disiplina
Course: BSEd Filipino
58 Documents
Students shared 58 documents in this course
University: Cebu Roosevelt Memorial College
Was this document helpful?
Lagom
- pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda
- mahalagang natutukoy ang pinakadiwa ng teksto
- malinaw at hindi paulit-ulit
Ex. Abstrak, Sintesis, Bionote
Kahalagahan sa Pagpapayaman ng Kakayahan sa Paglalagom
1. Natututuhan ang pagtitimbangtimbang ng mga kaisipang nakapalob sa binabasa.
2. Natututunang masuri ang nilalaman ng tekstong nabasa.
3. Nahuhubog ang kakayahan ng magaaral na humabi ng pangungusap at talata.
4. Nakatutulong sa pagpapayaman ng bokabularyo.
Abstrak
- isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis, siyentipikong papel, teknikal na papel, lektyur, at mga report.
- pinakahuling ginagawa ngunit pinakaunang binabasa ng propesor
- Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng isang akda.
- baga,a't maikli, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating
akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at
konklusyon
- makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page
- naiiba sa kongklusyon sapagkat naglalaman ito ng pinakabuod ng bawat bahagi ng
sulatin o ulat
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
1. Lahat ng mahahalagang kaisipan ay makikita sa bahaging ito.
2. Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table.
3. Gumamit ng simple, malinaw at direktang pangungusap.
4. Maging obhektibo.
5. Gawin lamang na komprehensibo.