- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Aralin 8 Wastong pagpili ng mga salita
Course: BSEd Filipino
58 Documents
Students shared 58 documents in this course
University: Cebu Roosevelt Memorial College
Was this document helpful?
WASTONG PAGPILI NG MGA SALITA
BAKIT MAHALAGA ANG PAG PILI NG SALITA?
Ito’y nagpapakita ng paggalang sa mensaheng iyong ipinapahayag at nagsisiwalat nang
malaki hinggil sa iyong saloobin sa mga tao na iyong kinakausap. Ito’y nakaiimpluwensiya sa
reaksiyon ng iba sa iyong sinasabi.
Mga dapat pagtuonan sa pagpili ng salita:
1. Salitang Madaling Maunawaan.
- Isang pangunahing kahilingan sa mabuting pagsasalita ang pagiging madaling
maunawaan
nito.
- Kung ang mga salitang ginagamit mo ay hindi madaling maunawaan ng iyong
tagapakinig, ikaw ay parang nagsasalita sa kanila sa isang banyagang wika.
2. Pagkasari-sari at Katumpakan ng Pananalita.
- Ang paggamit ng tamang salita ay makakatulong din sa iyo ng masabi agad ang punto
nang walang maraming salita.
- Dahil sa pagiging simple , nagiging mas madali para sa iba na maunawaan at matandaan
ang mahalagang katotohanan. Ito’y nakatutulong sa paghahatid ng tumpak na kaalaman.
3. Mga Salitang Nagbabadya ng Puwersa, Damdamin, Kulay.
- Ang piling-piling mga salita ay makapagbibigay ng maliwanag na impresyon sa isip ng
iyong mga tagapakinig.
- Ang mga salita na buong linaw na nagpapahayag ng mga ideya ay maaaring magpatawa
o magpaiyak sa mga tao.
4. Eupemismo
- Ang pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong
matalim, bulgar, o bastos na tuwirang nakakapanakit ng damdamin o hindi maganda sa
pandinig.