- Information
- AI Chat
Final Paper- Pangkat 3 Pakikipagkapwa ng mga guro sa magulang
Education (PROF-ED119)
De La Salle-College of Saint Benilde
Recommended for you
Preview text
DE LA SALLE - COLLEGE OF SAINT BENILDE
ANTIPOLO CAMPUS ANTIPOLO, RIZAL
Pakikipagkapwa sa Hakbanging Ugnayan ng mga Piling Guro sa mga Magulang ng Ika-tatlong Baitang sa Peace Village Elementary School Sa Panahon ng Pandemya
Isang Papel Pananaliksik Na ipinasa kay G. Angelo B. Barquilla Instruktor, Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina De La Salle - College of Saint Benilde Antipolo Campus Bilang parsyal na kahingian Sa kursong Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina Ng
Pangkat 3: De Nieva, Maria Josa Labiaga, Liezel Reyes, Rein Kelsey Rodolfo, Russel Justine
OKTUBRE 2021
Abstrak Ang proseso ng pag-aaral ay kolektibong pagtutulungan ng mga paaralan, magulang, at komunidad. Kasama sa mga responsibilidad ng isang guro ang pakikipag-ugnayan sa mga magulang ayon na rin sa Philippines Professional Standards for Teachers (PPST) sa ilalim ng ika-anim na domain na Community Linkages and Professional Engagement. Ito ay nagsasabi na ang mga propesyonal na guro ay dapat nagkakasundo ang relasyon at ugnayan sa mga magulang at komunidad. Ang parent involvement at learning participation ay mga mahahalagang salik sa pag-aaral ng mga kabataan na estudyante sa online classes ngayong pandemya (Fakuade at Lawrence, 2021). Dahil dito kasama sa trabaho ng mga guro at paaralan ang pagkakaroon ng epektibong pakikipag ugnayan sa mga magulang sa panahon ng pandemya upang matulungan ang pag-aaral ng mga bata. Ang pananaliksik na ito ay nabuo sa kadahilanan na nais matuklasan ang mga hakbangin na ginagawa ng mga guro upang makipag ugnayan sa mga magulang at ipaalam sa kanila ang kanilang papel sa pag-aaral ng mga bata sa panahon ng pandemya. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagtuklas ng mga hakbanging ugnayan na ginagawa ng mga piling guro ng ika-tatlong baitang mula sa Peace Village Elementary School. Dagdag pa rito, tinutukoy rin ng pananaliksik ang implikasyon ng konsepto ng ‘pakikipagkapwa’ sa mga hakbanging ugnayan na ito. Nagsagawa ng thematic interview ang mga mananaliksik kasama ang tatlong guro mula sa Peace Village Elementary School kung saan nagbahagi sila ng kanilang mga karanasan at opinyon sa pakikipag ugnayan sa mga magulang sa panahon ng pandemiya. Binigyang pansin ang konsepto ng pakikipagkapwa ng guro sa mga magulang at paano ito nakakaapekto sa ugnayan nila batay sa dalawang kategorya; (a) Ibang-tao at (b) Hindi ibang-tao. Ayon sa mga guro na nakapanayam, pinaghalong online, modular, at minimal na pisikal na ugnayan ang kanilang ginagawa upang makipag ugnayan sa mga magulang at siguraduhing
Kaligirang Kasaysayan
Ang proseso ng pag-aaral ay kolektibong pagtutulungan ng mga paaralan, magulang, at komunidad. Kasama sa mga responsibilidad ng isang guro ang pakikipag-ugnayan sa mga magulang ayon na rin sa Philippines Professional Standards for Teachers (PPST) sa ilalim ng ika-anim na domain na Community Linkages and Professional Engagement. Ito ay nagsasabi na ang mga propesyonal na guro ay dapat nagkakasundo ang relasyon at ugnayan sa mga magulang at komunidad. Gayon din naman sa pag-aaral ni Graham-Clay (n), ang matibay na komunikasyon sa pagitan ng bahay at paaralan ay mahalaga sa pagsuporta ng pag-aaral ng estudyante. Dagdag pa niya, sa pagbabago ng panahon, ang guro at magulang ng mga estudyante ay tumatanggap ng mas mataas na ekspektasyon bilang mahalagang sangkap sa matagumpay na learning environment. Ipinapakita dito na mula pa noong face to face classroom pa lamang ay mahalagang papel na ang ginagampanan ng mga magulang sa pag-aaral ng mga bata kaya naman ay dapat lamang mayroong komunikasyon sa pagitan ng mga guro at magulang. Sa pag-aaral ni Dougherty at Kraft (2012) sa pagkikipakomunika ng guro sa magulang upang mapataas ang kakayahang makipag ugnayan ng estudyante ay nagsasabi na mayroong epekto sa paggawa ng takdang aralin, pag uugali at partisipasyon ng estudyante sa klase. Nasabing halimbawa ay ang pagkakaroon ng mas maraming oras ng guro sa pagtuturo ng lektura. Sa parehong sitwasyon, and estudyante na nagpapakita ng maayos na pag uugali ay mas nakapokus sa pag intindi ng lektura ((Figlio, 2007; Lavy, Paserman, at Schlosser, 2008). Mula rito, makikita na hindi lamang sa academic achievement mayroong epekto ang papel ng mga magulang kung hindi maging sa motibasyon at pag-uugali ng mag-aaral sa paaralan. Pareho ay bunga ng positibong komunikasyon sa pagitan ng guro at magulang na sa konteksto ng Filipino ay masasabing sa
pamamagitan ng “pakikipagkapwa”. Inilarawan ito ni Virgilio Enriquez (1986,11) sa kanyang teorya ang konsepto ng kapwa base sa Sikolohiyang Pilipino bilang pagkakaisa ng “sarili” at “ibang tao”. Ang interaksyon ng guro at mga magulang ay isa sa maraming halimbawa kung paano nakikita ang iba’t ibang lebel ng kapwa na nahahati sa dalawang pangkat; Ibang tao (outsider) at Hindi ibang tao (“one of us”) (1986, 5). Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa maaring magkaroon ng mas malinaw na komunikasyon at produktibong relasyon sa pagitan ng mga magulang at guro sa panahon ng pandemya. Karagdagan pa rito, ang pakikipagkapwa sa Sikolohiyang Pilipino ay nangangahulugan rin na pagturing sa ibang tao na katuwang sa pagbuo ng kaalaman hindi lamang sa pananaliksik, kung hindi pati na rin sa edukasyon.
Ang pandemya at lockdown ay nagbigay ng suliranin sa gobyerno, paaralan at mga tahanan sa pagpapatuloy ng eskwela (Chang at Yano, 2020). Ang mga magulang ay nasa gitna ng mga suliraning ito dahil ang pag-aaral ngayon ay virtual at ang kabuuan nito ay ginagawa sa loob ng bahay. Ito ay nagbigay ng kadahilanan upang pag-aralan ang mga problema sa sa online classes at kung paano ito masosolusyunan. Bukod sa pokus sa educational approaches ng mga guro sa pagbuo ng iba't-ibang paraan sa pagtuturo ng estudyante, isang mahalagang pokus rin ang papel ng magulang at guro sa pagbuo ng wastong learning environment na makakatulong sa bawat miyembro sa panahon ng COVID-19 (Graham-Clay, n). Sa parehong gana, ang pag aaral na ito ay naglalayong suriin kung paano nagiging epektibo ang komunikasyon ng guro at magulang gamit ang madalas at magalang na pakikipagkapwa batay sa Sikolohiyang Pilipino. Ito ay dahil hindi lamang ang mga mag-aaral at guro ang pinaka-apektado ngayong distance learning. Maraming mga pag-aaral na nagsasabing malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang lalo na at nasa bahay ang kabuuan ng pag-aaral ng mga mag-aaral tulad ng Parents’
kanilang paksa na tinatalakay (Victoria, 2020). Inimumungkahi din ng mga guro na payuhan ng mga magulang ang kanilang anak tungkol sa online tool na gagamitin upang suportahan ang kanilang pag-aaral mula sa bahay. Ilan lamang ang mga ito sa mga paraan na ginagamitan ng pakikipagkapwa upang maging epektibo ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak sa loob ng bahay.
Ang pangunahing tuon ng pag-aaral na ito ay alamin ang mga konkretong hakbangin sa pakikipagugnayan ng mga guro sa magulang ng mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya, at pag-lalagay nito sa konteksto ng Sikolohiyang Pilipino ng pakikipagkapwa upang mahinuha ang pagkakabuo ng epektibong ugnayan ng mga guro at magulang sa pamamagitan ng iba’t ibang lebel ng pakikipagkapwa. Dagdag pa rito, pangunahing tuon din ng pag-aaral na ito na malaman at masuri ang epekto ng mga lebel ng pakikipagkapwa upang magkaroon ng positibong ugnayan ang mga guro at magulang sa panahon ng pandmeya.
Mga Layunin
Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang mga hakbangin na ginagawa ng mga piling guro upang makipag ugnayan sa mga magulang pagdating sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanilang bahay sa panahon ng pandemya. Partikular na hinahangad sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
Anu-anong hakbangin ang ginagawa ng mga piling guro upang makipag ugnayan sa mga magulang ngayong pandemya para sa;
- Pagmomonitor
- Pagbibigay tagubilin
- Pagbibigay motibasyon
- Pag boluntaryo sa gawain ng paaralan
Paano nagamit ang konsepto ng pakikipagkapwa sa mga hakbangin upang makipag ugnayan ang mga piling guro sa mga magulang batay sa:
- Ibang-tao 2.1. Pakikisalamuha 2.1.2 2.1. Pakikibagay
- Hindi ibang-tao 2.2. Pakikipagpalagayang-loob 2.2. Pakikisangkot 2.2. Pakikiisa
Paano nakatulong ang konsepto ng pakikipagkapwa sa mga hakbanging isinagawa ng mga piling guro upang makipag ugnayan sa mga magulang ngayong panahon ng pandemya?
Batayang Teorya
Ang teoryang magiging batayan ng pag-aaral na ito ay ang konsepto ng Kapwa ni Virgilio Enriquez. Ayon kay Enriquez (1978, 1994), hindi pananatili ng smooth interpersonal relationships ang layunin ng mga Pilipino katulad ng pagka intindi ni Lynch (1961, 1973) sa pakikisama. Bagkus, ito ay pakikipagkapwa kung saan itinuturing ang ibang tao bilang kapantay at katuwang sa pagbuo ng kaalaman (Javier, 2013). Nahahati sa dalawang pangkat ang kapwa; ang Ibang Tao (outsider) at Hindi Ibang Tao (one-of -us). Sa ilalim ng Ibang Tao naroon ang iba’t ibang lebel ng interaksyon katulad ng Pakikitungo (transaction/civility with), Pakikisalamuha (interaction with), Pakikilahok (joining/participating), Pakikibagay (conforming, according with), at pakikisama (being along with), habang sa ilalim ng Hindi Ibang Tao ay Pakikipagpalagayang-loob (having rapport, understanding, acceptance with), Pakikisangkot
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga hakbangin ng mga piling guro pagdating sa pakikipag ugnayan sa mga magulang ng mga mag-aaral ngayong pandemya. Partikular na binibigyang pokus ang mga (1) hakbangin na ginagawa ng mga piling guro upang makipag ugnayan sa mga magulang ngayong pandemya para sa pagmomonitor, pagbibigay tagubilin, pagbibigay motibasyon, at pag boluntaryo sa gawain ng paaralan, (2) gamit ng pakikipagkapwa sa mga hakbangin ng mga piling guro batay sa pakikisalamuha, pakikilahok, pakikibagay, pakikipagpalagayang-loob, pakikisangkot, at pakikiisa ayon sa konsepto ng kapwa ni Virgilio Enriquez, at (3) kung paano nakatulong ang konsepto ng pakikipagkapwa sa mga na isinagawa ng mga piling guro upang makipag ugnayan sa mga magulang ng ika-tatlong baitang mula sa Peace Village Elementary School ngayong pandemya. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa tatlong (3) piling guro ng ika-tatlong baitang mula sa nabanggit na paaralan. Ang paaralan na ito ay napili dahil sa pagkakaroon ng distance learning sa elementarya at ang mga piling limang guro ay napili dahil sa karanasan nila sa pakikipag ugnayan sa mga magulang ng mag-aaral sa ika-tatlong baitang ngayong distance learning. Aalamin ng pag-aaral na ito kung anong mga hakbangin ang isinasagawa ng mga piling guro ng ika-tatlong baitang mula sa Peace Village Elementary School upang makipag ugnayan sa mga magulang ngayong pandemya. Susuriin din ang gamit ng konsepto ng pakikipagkapwa at ang dalawang pangkat nito pagdating sa ugnayan ng mga piling guro sa mga magulang at kung paano ito nakatulong sa mas epektibong ugnayan ng mga guro at magulang sa nasabing paaralan. Sa huli, bibigyan ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang mas maging epektibo at matagumpay pakikipag ugnayan ng mga guro sa mga magulang ng mag-aaral gamit ang konsepto ng pakikipagkapwa.
Disenyo at Pamamaraan
Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng kwalitatibong disenyo na ayon kay Punch (n.) ay isang empirikal na pananaliksik kung saan ito ay bumabatay sa pag intindi ng pagbibigay kahulugan ng mga tao sa karanasan gamit ang obserbasyon o case studies. Ang sa pag-aaral na ito ay naglalayong tignan ang mga pamamaraan at karanasan ng mga guro pagdating sa pakikipag ugnayan sa mga magulang sa panahon ng pandemya. Partikular na aalamin at tatalakayin ang mga hakbangin ng mga piling guro ng ikatlong baitang mula sa Peace Village Elementary School upang makabuo ng komprehensibong deskription na makakatulong sa matagumpay na pamamaraan ng pagtuturo at sa kabuuan ng edukasyon (Balaman, 2019). Dagdag pa dito, gagamitin sa pag-aaral na ito ang Grounded theory. Ayon kina Tie at Birks (2019), ang grounded theory ay naglalayong pagdiskubre o bumuo ng teorya gamit ang mga datos na nakalap sa sistematikong pag-aaral. Sa pag-aaral na ito, gagamitin ng mga mananaliksik ang teorya ng Pakikipagkapwa ni Virgilio Enriquez upang gawing batayan sa pagbuo ng teorya tungkol sa koneksyon at gamit ng pakikipagkapwa tungo sa epektibong ugnayan ng mga guro at magulang sa panahon ng pandemya. Ang napiling mga respondents sa pag-aaral na ito ay mga piling guro mula sa Peace Village Elementary School. Sila ay napili sa pamamagitan ng purposive sampling kung saan ang mga tagatugon sa pananaliksik ay espisipikong pinili ng mga mananaliksik bilang kinatawan ng isang populasyon gamit ang lohikal na paliwanag at pangangailangan sa pag-aaral (Lavrakas, 2008). Sa pamamagitan ng tatlong (3) guro mula sa nasabing paaralan, mabibigyang kasagutan ang mga pokus ng pag-aaral na ito tulad ng mga hakbangin na ginagawa nila upang makipag ugnayan sa
mga guro at magulang upang mapanatili ang komunikasyon sa isa’t-isa na inaasahang makatulog sa mga estudyante. Maiuugnay ang kaalaman na ito sa pag aaral sapagkat nagbibigay ito ng diin sa kahalagahan ng mabuti at masamang komunikasyon sa pagbuo ng masaganang relasyon sa pagitan ng guro at mga magulang. Pagdating sa panahon ng pandemya kung saan umusbong ang online learning, ang pag-aaral ni Stevens at Borup (2015) ay nagbigay ng mga literaturang may kinalaman sa pakikipag ugnayan ng mga magulang sa online learning environment. Binanggit dito ang iba’t ibang online framework tungkol sa papel ng mga magulang sa online learning partikular na sa K-12. Ang mga magulang raw ay nagsisilbing organizers kung saan inaayos nila ang iskedyul at kailangan ng mga anak, instructors, dahil nagsisilbi silang gabay ng mga mag-aaral sa bahay, motivators, bilang sila ay pinagmumulan ng motibasyon pagdating sa pag-aaral ng mga bata, at panghuli ang papel ng pagiging manager (Hasler-Waters, 2012 ). Kung ang mga nabanggit na papel ng mga magulang na ito ay para sa mga mag-aaral ng K-12, ay talagang mas kinakailangan makita at magampanan ang mga ito sa elementarya na pumasok ngayon sa online class, kung saan mas bata ang mga mag-aaral at mas kinakailangan ng gabay at tulong ng mga magulang. Mahalagang malaman ng bawat magulang na ang anak ay nasa elementarya ang kanilang papel na dapat gampanan, sa tulong ng mga guro ng paaralan ibang makakatulong ang mga magulang pagdating sa edukasyon ng mga anak kung hindi ang kanilang mga guro mismo. Kasama ito sa responsibilidad ng mga guro, ang makipag ugnayan sa mga magulang at ipaalam sa kanila ang kanilang kailangang gawin upang mapabuti ang pag-aaral ng mga bata. Hindi lahat ng mga magulang ay bukas sa pakikipag ugnayan sa mga guro lalo na ang mga magulang ng low performing na mga mag-aaral (Borup, et al., 2013). Ito ay nabibigyang dahilan naman dahil ito ay maaaring dulot ng kakulangan sa oras ng mga magulang o
kakulangan nila ng tiwala sa sarili pagdating sa pagtulong sa pag-aaral ng mga anak (Hoover-Dempsey & Sandler,2005). Ang kakulangan sa ugnayan ng mga guro at magulang ay maaaring dulot din ng mismong kawalan ng polisiya o programa sa paaralan na nagpapatupad ng komunikasyon ng guro at magulang at ito ay nagbibigay ideya na ang papel ng mga magulang ay di binibigyang importansya ng paaralan (Borup, et al., 2013). Kaya naman sinasabi ng mga mananaliksik na dapat siguraduhin sa online learning na mayroong patuloy at sapat na oras ang pakikipag ugnayan ng guro at magulang ngunit mula sa serbey nina Cavanaugh et al. (2009), halos karamihan ng mga online programs ay walang polisiya tungkol sa ugnayan ng guro at magulang. Sa kadahilanang ito, talagang dapat bigyang pansin ang mga hakbang na ginagawa ng mga guro upang makipag ugnayan sa mga magulang para hindi lamang ipaalam ang kanilang papel, ngunit gabayan sila sa pagtupad nito lalo na sa panahon ng pandemya kung saan virtual classroom ang mga paaralan. Kung makapagbibigay ng konkretong mga hakbangin sa ugnayan ngayong pandemya, maaari itong simulan din gawin sa iba pang mga paaralan na wala pang aksyon tungkol dito upang mas maging epektibo ang pag-aaral ng mga bata sa panahon ng pandemya. Ang iba’t ibang papel at lebel ng pakikisangkot ng mga magulang sa pag-aaral ng mga bata ay ilan lamang sa mga mahalagang isyu tungkol sa mga magulang na dapat pag-usapan dahil malaki ang pagbabago nito kung ikukumpara sa tradisyonal na pag-aaral kung saan mas malawak ang papel na dapat gampanan nila pagdating sa online classes. Mula sa pag-aaral nina Franklin et al. (2015), bagamat nagpapanuod ng mga bidyo o nagkakaroon ng mga miting ang paaralan at mga magulang, hindi nito na sigurado na talagang tutugon ang mga magulang sa kanilang mga papel lalo na at hindi lahat sila ay mayroong sapat na pagsasanay pagdating sa mga papel na dapat nilang gampanan bilang sekondaryang guro sa bahay. Dito pumapasok ang
pinakamahalagang resulta ng kanilang pag-aaral ay ang pagkakaiba ng binibigay na oras ng mga magulang depende sa paaralan, edad, at awtonomiya mayroon ang mga anak. Sinasabi na mas kinakailangan ang pagbibigay oras ng mga magulang lalo na kung ang mga anak ay nasa primary level at mas nagbibigay oras ang mga magulang sa pampublikong paaralan dahil mas madalas sa kanila ang asynchronous kumpara sa pribadong paaralan. Dahil alam natin na ang mga mas bata sa edad at mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ay mas kinakailangan ang oras at atensyon ng mga magulang pagdating sa pag-aaral sa panahon ng pandemya, dapat lamang pag-aralan ang mga hakbangin na ginagawa ng mga guro lalo na sa ating bansa upang matugunan ang kaalaman na ito at makatulong na mas mapabuti ang sitwasyon ng mga guro, magulang, at mag-aaral. Nararapat lang na bilang mga guro ay pangunahan ang pagsasagawa ng epektibong mga hakbangin upang makipagugnayan sa mga magulang ngayong pandemya lalo na at alam na ang kahalagahan nito. Mula sa pag-aaral sa Nigeria kung saan tumutukoy sa pakikilahok o pakikiisa ng mga magulang sa online learning ng kanilang mga anak upang sa matagumpay na online classes, ang madalas na pakikipag kaisa ng mga magulang sa mga guro ng kanilang mga anak ay nagpapataas ng tyansa na mapagtagumpayan ang bawat aktibidad at partisipasyon na inilatag o pinapagawa sa mga mag-aaral sa online set-up. Sa parehong palagay, ang pokus ng pag aaral na ito ay tumatalakay sa online classes at kung paano ito mas magiging epektibo para sa mga bata sa pamamagitan ng aksyon na ginagawa ng mga guro upang makipag ugnayan sa mga magulang. Mula sa pag-aaral sa Nigeria, masasabing may positibong epekto ang mga magulang sa online na pag-aaral ng mga anak kaya naman sa pag-aaral na ito ay binibigyang tuon ang papel na ginagampanan ng pagkakaroon ng pakikipag isa sa pagitan ng mga guro at mga magulang tungo sa pagpapaunlad sa pamamaraan ng pag aaral at pagtuturo sa makabagong set-up na online.
Bilang ang mga guro ang nangunguna pagdating sa kaalaman ng pagtuturo sa eskwela, sila rin ang makakatulong upang magabayan ang mga magulang sa pagtuturo sa tahanan gamit ang kani kanilang hakbanging ugnayan.
Distance Learning sa Pilipinas Sa pag aaral ni Tria (2020) tungkol sa kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas ngayong panahon ng pandemyang COVID-19, marami sa tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ang nagbago alang alang sa seguridad ng bawat mag-aaral. Sa kadahilanang ito, ang “new normal educational policy” kung saan ang mga institusyon ng edukasyon ay isinasagawa ang kanilang mga klase gamit ang virtual classrooms ay ipinatupad kung saan maraming pagbabago ang naganap sa pakipaguganay ng guro, estudyante at kanilang mga magulang. Ang pagbabagong ito ay nakakaapekto sa kahandaan ng mga guro gayundin sa kanilang mga pamamaraan ng pagtuturo at kolaborasyon sa mga estudyante at magulang. Kaya naman dapat ay bigyang tuon kung paano isinasagawa ng mga guro ang kanilang mga hakbanging ugnayan sa mga magulang na umaayon sa panahon ng pandemya o new normal. Kung pag-aaralan ang mga posibleng hakbangin na maaaring gawin ng mga guro sa panahon ng pandemya upang malampasan ang problema dulot ng limitadong akses ng mga magulang sa mga online platform tulad ng google classroom, messenger, zoom, edmodo, facebook at youtube (CHED, 2020), kasama na ang paggamit ng pakikipagkapwa, matutulungan ang mga guro at paaralan na hanggang ngayon ay nangangapa pa rin sa mga pagbabago ng online modality lalo na sa malayang ugnayan ng mga magulang at guro.
Ang teknolohiya ay ang makabagong sagot upang masolusyunan ang mga umiiral na problema sa ating komunidad lalo na ngayong panahon ng epidemya. Ito rin ay nagsilbing permanenteng solusyon ng sektor ng edukasyon kapalit ng tradisyunal na pagsasagawa ng klase kung saan ang guro at estudyante ay magkikita sa paaralan upang matuto (Mark and Semaan, 2008). Dahil ang teknolohiya na ang magiging pangunahing midyum ng edukasyon, ang pag aaral na ito ay tumitingin sa magiging kaibahan ng mga pamamaraan ng guro sa napiling paaralan sa kanilang pakikipag ugnayan sa mga magulang, at paano nila ginagamit ang teknolohiya sa kanilang kalamangan bilang ito ay isang importanteng ambag sa maayos na learning environment ng estudyante. Dahil sa pagiging madali at praktikal ng paggamit ng teknolohiya sa edukasyon, masasabing mayroon itong magandang naidulot sa mga pamamaraan ng mga guro. Subalit, ang mahinang koneksyon ng internet upang mapagana ang iba't-ibang plataporma sa new normal o virtual learning ay ang pinakamalaking suliranin sa pagtuturo (Edizon, 2020). Ito ang nagiging distansya na siyang nagbibigay ng negatibong epekto sa pamamaraan ng mga guro hindi lamang sa pagtuturo ngunit sa pakikipag ugnayan sa mga magulang ng bata. Dito makikita ang pangangailangan ng maayos at matalinong paggamit at pagpaplano ng mga hakbanging ugnayan sa pagpapatupad ng virtual learning na siyang layuning matugunan sa pag aaral na ito. Ayon kay Akamai (2017), ang Pilipinas ay itinakda na mayroong pinaka mabagal na internet koneksyon sa Asya. Dahil dito, hindi lamang limitado ang problema sa bawat kasapi ng paaralan ngunit gayun din sa kabuuan ng kalidad ng edukasyon dahil hindi lahat ng tahanan ay pare pareho ang akses sa internet. Maaaring maging dahilan ng kawalan ng ugnayan sa pagitan ng mga guro at magulang ang kawalan o kabagalan ng internet at ito ay taliwas sa sinasabi na ang kolaborasyon ang pinaka importanteng bagay ngayong panahon ng pandemya dahil ito na
lamang ang paraan sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon (Trai, 2020). Ito ay sumusuporta sa konsepto ng pakikipagkapwa na kasama sa pag-aaral na ito dahil kung mayroong pagsubok pagdating sa mga kagamitan at internet, lalong dapat mas binibigyang halaga ang pagbuo ng relasyon sa pagitan ng mga guro at magulang bilang mga kapwa na makakalampas sa mga pagsubok at sigurado na ang ugnayan at kolaborasyon ay magagawa ng posible. Higit pa dito, sa pagsusuri ng mga hakbang upang makipagkapwa at ugnayan sa mga magulang sa panahon ng pandemiya, makikita kung paano ito naging epektibo sa pag-aaral ng mga bata. Ayon naman kina Chi-kin, Edizon at Hijazi (2020) ang pagkakaroon ng komprehensibo at epektibong paraan ng pagtingin sa mga problema na dulot ng bagong paraan ng pag aaral ay napakahalaga. Ito ay dahil malaki ang epekto ng metodo sa pagiging matagumpay hindi lamang ng pagtuturo ngunit sa pakikipagkapwa-tao. Hindi rin karamihan ang tala o datos sa mga pamamaraan upang maging epektibo ang komunikasyon dahil bago pa lamang sa karamihan ang distance learning. Dahil sa kakulangang ito, ang pagpapaunlad pa ng mga umiiral na metodo at pagtatala ng mga impormasyon ay isang sa mga dapat bigyan ng malaking importansya. Hihit pa, ang parehong kalikasan at kalagayan ng mag-aaral at guro sa kanilang bahay ay isa sa pinaka nakakaapekto sa kalidad ng pagtuturo at kakayahan sa pagkatuto (Diyagbil et al., 2021). Ang sitwasyong ito ay mailalarawan sa perspektibo ng mga guro na siyang tutugon sa mga pangangailan ng estudyante. Ang pagtugon sa papamahitan ng komunikasyon ay magiging posible lamang sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng mga pamamaraan ng pakikipagkapwa. Ang natatanging paraan upang malaman ng guro ang kalagayan ng kapaligiran sa tahanan ng estudyante ay batay lamang sa impormasyon na maaaring makalap sa pag kausap sa mga magulang. Dito rin makikita ang kahalagahan ng lebel ng pakikipagkapwa sapagkat ito ang magiging batayan ng pagpapaunlad interaksyon na akma sa bawat sitwasyon.
Final Paper- Pangkat 3 Pakikipagkapwa ng mga guro sa magulang
Course: Education (PROF-ED119)
University: De La Salle-College of Saint Benilde
- Discover more from: