Skip to document

FPL - Essay about Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda–dub

Essay about Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebis...
Course

Education (PROF-ED119)

269 Documents
Students shared 269 documents in this course
Academic year: 2022/2023
Uploaded by:

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda–dub

ng Anime, at Paglaganap ng Wikang Filipino

sa Bawat Sulok ng Mundo

ni Ramilito B. Correa

Ang wikang Filipino ay isa sa mga kayamanan ng Pilipinas at ito rin ang dahilan ng pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino dahil sa kapangyarihang taglay nito. Napakahalaga ng wikang Filipino sa buhay ng mga Pilipino. Kaya naman dapat itong ingatan, alagaan at pahalagahan upang ang presensya ng wikang Filipino ay hindi maglaho o mawala. Sa kasalukuyang panahon, patuloy na umuusbong ang paggamit ng wikang Filipino dahil sa paggamit nito sa iba’t ibang larangan at disiplina tulad ng media, lalong-lalo na sa telebisyon. Kaya naman binigyang diin ng pag-aaral na ito ang pagkilala ng lubos sa wikang Filipino upang mapanatili ang presensya nito at kung gaano ito kabisa, katatag at makapangyarihan kapag ginagamit sa ibang larangan at disiplina. Ang paggamit ng wikang Filipino sa mga iba’t ibang larangan at disiplina ay siyang naging susi upang lumaganap ang wikang Filipino. Malaki ang gampanin ng wikang Filipino sa mga telebisyon sa pamamagitan ng pagsasa-Filipino ng mga palabas sa daigdig. Dahil sa paggamit ng wikang Filipino sa mga palabas ay marami ang tumatangkilik na nagdulot ng pagkamit ng bawat network ng mataas na reyting. Malaki rin ang naging gampanin ng wikang Filipino sa pagda-dub ng anime na nagresulta sa mas malawak na unawa ng mga Pilipino sa mga ibang palabas tulad ng anime. Ang paglaganap ng wikang Filipino sa bawat sulok ng mundo ay isa rin sa mga dahilan kung bakit umuusbong ito. Dahil sa nangyayaring at impluwensiya ng pandarayuhan ng mga Pilipino sa ibang bansa ay nasa mahigit- kumulang 90 milyon na ang nakapagsasalita ng wikang Pilipino sa buong daigdig. Sa pag-aaral na ito, napatunayan na ang wikang Filipino ay mabisa, matatag at makapangyarihan sa iba’t ibang larangan at disiplina kung kaya’t dapat pang kilalanin ang wikang Filipino upang lalong mas makilala ang wika ito sa buong daigdig bilang isang mahalagang wika.

Was this document helpful?

FPL - Essay about Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda–dub

Course: Education (PROF-ED119)

269 Documents
Students shared 269 documents in this course
Was this document helpful?
Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda–dub
ng Anime, at Paglaganap ng Wikang Filipino
sa Bawat Sulok ng Mundo
ni Ramilito B. Correa
Ang wikang Filipino ay isa sa mga kayamanan ng Pilipinas at ito rin ang dahilan ng
pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino dahil sa kapangyarihang taglay nito. Napakahalaga ng
wikang Filipino sa buhay ng mga Pilipino. Kaya naman dapat itong ingatan, alagaan at
pahalagahan upang ang presensya ng wikang Filipino ay hindi maglaho o mawala. Sa
kasalukuyang panahon, patuloy na umuusbong ang paggamit ng wikang Filipino dahil sa
paggamit nito sa iba’t ibang larangan at disiplina tulad ng media, lalong-lalo na sa telebisyon.
Kaya naman binigyang diin ng pag-aaral na ito ang pagkilala ng lubos sa wikang Filipino upang
mapanatili ang presensya nito at kung gaano ito kabisa, katatag at makapangyarihan kapag
ginagamit sa ibang larangan at disiplina. Ang paggamit ng wikang Filipino sa mga iba’t ibang
larangan at disiplina ay siyang naging susi upang lumaganap ang wikang Filipino. Malaki ang
gampanin ng wikang Filipino sa mga telebisyon sa pamamagitan ng pagsasa-Filipino ng mga
palabas sa daigdig. Dahil sa paggamit ng wikang Filipino sa mga palabas ay marami ang
tumatangkilik na nagdulot ng pagkamit ng bawat network ng mataas na reyting. Malaki rin ang
naging gampanin ng wikang Filipino sa pagda-dub ng anime na nagresulta sa mas malawak na
unawa ng mga Pilipino sa mga ibang palabas tulad ng anime. Ang paglaganap ng wikang
Filipino sa bawat sulok ng mundo ay isa rin sa mga dahilan kung bakit umuusbong ito. Dahil sa
nangyayaring at impluwensiya ng pandarayuhan ng mga Pilipino sa ibang bansa ay nasa mahigit-
kumulang 90 milyon na ang nakapagsasalita ng wikang Pilipino sa buong daigdig. Sa pag-aaral
na ito, napatunayan na ang wikang Filipino ay mabisa, matatag at makapangyarihan sa iba’t
ibang larangan at disiplina kung kaya’t dapat pang kilalanin ang wikang Filipino upang lalong
mas makilala ang wika ito sa buong daigdig bilang isang mahalagang wika.