Skip to document

Pananaliksik SA Spoken Poetry

SPOKEN POETRY
Course

Education (PROF-ED119)

269 Documents
Students shared 269 documents in this course
Academic year: 2019/2020
Uploaded by:
0followers
1Uploads
4upvotes

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

KABANATA 1

ANG SULIRANIN

Panimula Isa sa mga kulturang popular na umiiral ngayon sa mga kabataan ay ang spoken word poetry. Ang spoken poetry ay ang pagsasaad ng kwento sa pamamagitan ng tula. Ito ay isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad ng tula sa madlang tao sa pamamagitan ng pagsasalaysay. Kumpara sa isang normal na tula, mas malikhain at mapaghamong gawin ang spoken poetry. Isa sa mga spoken words sa nauusong uri ng oral art sa mga kabataan na ginagamitan ng word play at intonasyon upang maipahayag ang kanilang saloobin. Matagal na ginagamit ang spoken word poetry hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo at ngayon ay bumabalik na naman ito dahil na rin sa mga taong nakakarelate sa paksa ng tagapagsalita. Isa na si Juan Miguel Severo sa mga kilalang spoken word poetry artist sa Pilipinas. Hindi ito basta-basta pagsasalita sa harap ng mga manonood. Ginagamitan ito ng word play, tono ng boses na nakaakma sa paksa at minsan ay background music. Spoken poetry, tula na kung saan ikaw ang bida, ikaw ang mga nakaranas at tula na may “hugot” na kung saan dito mo isusumbat ang lahat-lahat ng mga nagawa mo o kaya ay nararamdaman mo para sa isang tao at kung anu-ano pa. Marami-rami na rin ang mga nag-kontribyut sa pagbibigay kahulugan sa spoken word poetry at kapansin-pansin ang pagkakapareho ng kanilang mga persepsyon patungkol dito. Tulad na lamang ni Christa Penning na inilalalarawan niya ito nilang isang porma ng panulaan na nagsasaad sa mga pananaw at mga karanasan ng may-akda sa kanyang obra. Ang spoken poetry ay sumikat sa pamamagitan ng pagpapakalat nito sa mga social media networking sites. Kadalasang itong tinatangkilik ng mga kabataan dahil na rin sa mga paksang napapaloob sa mga tulang ito. Spoken word is a broad designation for poetry intended for performance. Though some spoken word poetry may also be published on the page, the genre has its roots in oral traditions and performance. Spoken word can encompass or contain elements of rap, hip-hop, storytelling, theater, and jazz, rock, blues, and folk music. Mula sa pagpapakahulugan ito, ang spoken poetry ay isang uri ng makabagong tula na may malaya at walang sinusunod na istruktura sa pagsusulat nito. Naging bahagi na ito ng kultura ng mga kabataan ngayon. Ayon naman sa pag-aaral nina Weinstein at West (2012), inilalahad nila na ang spoken word poetry ay hindi lamang tungkol sa sining ngunit ito’y tungkol sa paghasa

ng indibidwal ng sining na kabilang ang kanyang kapaligiran o ang pang-araw-araw na pamumuhay ng isang indibidwal at ang tunay na paglalahd niya ng kanyang sariling karanasan. Isa pang pag-aaral ang nabanggit na mayroong kaugnayan sa spoken word poetry na isinagawa ni Escoto noong 2013, inilarawan niya ang uri ng panulaang ito bilang “ a means to heal oneself.” Ibinase niya ang kanyang paglalarawang ito sa kanyang naging pakikipanayam sa isang binate na naggaling sa isang juvenile detention center. Nalaman niya ang spoken word poetry ay nagsilbi bilang isang paraan ng paglalabas ng tension o upang ipahayag ng mga kabataan ang kanilang mga nararamdaman sa kanilang mga magiging karanasan. Ayon naman sa awtor ng librong Journal of Popular Culture na si Rebecca Ingalis, inilarawan niya ang uri ng panulaang ito bilang isang mahusay na pagtatanghal kung saan hindi lamang ito nakabubuti para sa manonood ngunit pati na rin sa nagtatanghal. Napili ng mananaliksik ang paksang ito para matukoy ang nakapaloob na kultura sa mga orihinal na katha na mga spoken poetry piling estudyante. Inalam ng pananaliksik na ito ang teoryang nahihinuha sa mga katha ganun din ang mga umusbong na kultura sa mga makabagong henerasyon ngayon.

Paglalahad ng Suliranin Nilayon ng pag-aaral na ito ang suriin ang ilang orihinal na spoken poetry na isinulat ng mga piling mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Bugo – Senior High School Department. Upang maisakatuparan ang mga layuning ito, pinagsikapang sinagot ng mananaliksik ang mga sumusunod na mga katanungan: 1. Anong mga elementong pampanulaan ang matatagpuan sa spoken poetry? 2. Anong uri ng tula ang pinakamalapit sa spoken poetry? 3. Ano ang identidad ng spoken poetry?

Balangkas Konseptwal

Naniniwala ang mananaliksik na anuman ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makatutulong nang marami sa mga sumusunod: Sa Departamento ng Edukasyon. Ang pag-aaral na ito ay nagsilbing sanggunian upang pag-ibayuhin ang kurikulum tungkol sa pagtuturo ng panitikan at ang pagsali sa mga kulturang popular sa bawat panahon mula sa ika-pitong baiting hanggang sa Senior High. Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magsilbing gabay sa mga mag- aaral na maaaring maging edukasyonal ang mga nababasa sa mga social media accounts at nakapagpapalinang ito ng bokabularyo sa Filipino nang sa ganun ay madagdagan ang kaalaman nila sa Filipino. Sa mga Guro sa Filipino. Ang pag-aaral na ito ay magsilbing sanggunian sa pagpapaintindi sa mga mag-aaral ukol sa pagtalakay ng paksang spoken poetry.

Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Mataas na Paaralan ng Bugo ng Baranggay Bugo, Lungsod ng Cagayan de Oro, taong panuruan 2019-2020. Ang pag-aaral na ito ay sumakop sa mmga orihinal na kathang spoken poetry ng mga piling mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Bugo. Hindi sakop ng pag-aaral na ito ang ilan pang uri ng tula o ang ibang kathang spoken poetry na hindi gawa ng mga mag-aaral ng piling estudyante ng Mataas na Paaralan ng Bugo.

Katuturan ng mga Salita Ang mga sumusunod na mga termino ay napapaloob sa isinagawang pananaliksik na ito. Ang mga terminong ito ay binigyang kahulugan depende sa gamit nito sa pananaliksik. Content Analysis. Isang paraan ng pagsusuri sa nilalaman ng isang akda. Kinakailangang busisihin ang bawat bahagi ng akda at alamin kung ano-ano ang kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa (Dacuno, 20017). Kabataan. Mga estudyante na may mga gulang na labinlima hanggang dalawampo na naging respondent sa pananaliksik na ito. Kurikulum. Isang larangan sa loob ng edukasyon na naglalayong makapanaliksik, makapagpaunlad, at makapagpatupad ng mga pagbabago na

nakapagpapataas ng mga nagagawa o nakakamit ng mga mag-aaral sa loob at labas ng mga paaralan. Pagsusuri. Ito ay isang pag-aanalisa ng mga katangian, paghambing ng katuturan ng mga bagay-bagay (Banaynal, 2009). Pananaliksik. Ito ay isang lohikal na pag-aaral at paglilikom ng mga impormasyon upang bigyang linaw o palawakin ang isang bagay. Kinakailangan na maging mapanuri, masipag at matalino ang isang mananaliksik sa paghahanap ng mga impormasyon at dokumentasyon. Panitikan/Literatura. Ito ay talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ang kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap (Arrogante, 1983). Panunuring Pampanitikan. Masususing pag-aaral sa isang kinatha ng isang tao gamit ang mga tiyak na mga panuntunan. Teoryang Pormalismo. Layunin ng pagsusuring Pormalismo ang pagbibigay pansin sa anyo ng panitikan. Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Naging tanyag ang pananaw na ito sa panunuring pampanitikan dahil na rin sa dami ng mga pagsusuring ginamitan ng ganitong pananaw. Ang tunguhin ng pananaw na ito ay matukoy ang sumusunod: nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig  Mga nagtatapos sa l,m, n, ng, w, r, y  Sining o kariktang - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa.  Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. o Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula  Anyo - porma ng tula.  Tono/Indayog - diwa ng tula.  Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Mga Kaugnay na Pag-aaral Natuklasan sa pag-aaral ni Mendoza (2007) na ang mga tula ni Luvismin S. Aves ay hindi lamang nakapagpapamulat sa mga kalagayan ng mga kababaihan sa kasaysayan na minsang naibatay sa bulok na kultura kundi maging sa tunay na kalagayan din ng mga kababaihan sa kasalukuyan at ang pagpupunyaging mabago ang nakagisnang tradisyong panlipunan, pangkaisipan at kultural na nagsilbing balakid sa kanilang layunin na umunlad. Ang edukasyon ang napakahalagang salik upang mapalawak ang kamalayang nais ipatanto ng mga kababaihan sa pamunuang lipunan. Ito ay isa sa piankamabisang paraan upang makilala at matukoy ang mga kababaihan sa kanilang kakayahan at karapatan. Gayundin ang pagpapatibay na may kaugnayan sa pagkakapantay-pantay ng karapatan ng babae sa lalaki sa alinmang sektor. May kaugnayan ito sa kasalukuyang pag-aaral dahil parehong pagsusuring pampanitikan ang naging pokus ng pag-aaral at parehong tula ang naging batayan ng pagsusuri. Ang pag-aaral din na ito ay may kaugnayan sa pag-aaral na isinagawa ni Enero (2012) na isa ring panunuring pampanitikan na nakabatay sa nobelang Laro sa Baga ni Edgardo M. Reyes. Natuklasan sa kanyang pag-aaral na may tatlong teoryang pampanitikan ang nangingibabaw sa nobelang sinuri. Ito ang mga teoryang moralistiko, sosyolohikal at realismo. Nangangahulugan ito na ang nobela ay nag- iiwan ng aral para maiangat ang moralidad ng mga kabataan ngayon dahil ang mga pangyayari sa nobela ay totoong nangyayari sa kasalukuyang lipunang kinabibilangan nila.

KABANATA 3

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalahad sa pangkalahatang pamamaraan sa kasalukuyang pananaliksik upang higit na mauunawaan ng mambabasa.

Pigura 2. Ang Mapa ng Baranggay Bugo

KABANATA 4 PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

1. Napag-iwanan Hindi ko lubusang matanggap na ngayo’y isa na ang iyong kaharap Ika’y malayo na sa’kin na parang iglap Ang kay sigla na pagsasama ay wala ng sarap Masakit, ako’y nangungulila na sa iyong yakap. Naalala ko pa nung ako’y nasakatan Nang isang tao na nangakong hindi ako bibitawan Nandiyan ka palagi para ako’y damayan Pinatawa mo ako para kahit kunti mahimasmasan Ngunit ngayon, wala nang masyadong kumustahan. Sana, kahit wala na ako sa tabi mo Ay naaalala mo pa rin ako Sana ako pa rin ang munting kapatid mo Na kasama mo palagi saan man magtungo Dahil ako, mananatili kang mahal sa puso ko. Nahihiya akong kumustahin ka At sabihing “tara tayo’y gumala” Pero ang takot nab aka sabihin mo na “Sa susunod na, kasama ko pa ang aking barkada” Huwag nalang, baka tuluyang pumatak itong luha. Maibabalik pa ba ang dating pagsasama O mananatili na itong isang alaala Maririnig ko pa ba muli ang iyong tawa O mananahimik na lang sa isang selda Huwag naman sana, kasi hindi ko pa kaya. Pero alam kong darating din ang panahon Na matatanggap kong tayo’y hindi na tulad noon Na palaging magkasama umaga’t hapon Dahil iba na ang ihip ng hangin ngayon At nadala na tayo sa hampas ng alon. Iissipin ko na lang na mayroon talagang hangganan sa mga bagay na nasanay nating panghawakan Gawin na lang ang alaala bilang aliwan

dahil kadalasan naman ng mahilig sa barkada ay mga kalalakihan at ito ay ipinaliwanag ng mga estudyanteng manunulat din ng spoken poetry. Ipinapakita rin dito sa tula ang imahe ng babaeng masasabing mahina dahil hindi hiya ipinaglaban ang kanyang nararamdaman. Sa mga linyang Nahihiya akong kumustahin ka at sabihing tara tayo’y gumala, Pero ang takot nab aka sabihin mo na “Sa susunod na. kasama ko pa ang aking barkada”, Huwag na lang baka tuluyang pumatak itong luha. Nagbibigay ito ideya sa mga mambabasa na maging sa panahon ngayon ay may mga mahihinang babae pa rin na may takot ipakita sa mga nobyo nila ang tunay na kanilang nararamdaman sa halip ay umiiyak na lang patago. Mahalaga rin na magkaroon ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng nagmamahalan upang magkaroon ng palagiang kumustahan sa mga buhay ng bawat isa. Sa anumang uri ng relasyon, napakahalaga ang bukas at palagiang komunikasyon. Marahil kung kinausap niya ang nobyo na noong may pagkakataon, baka sakaling nagkaroon din ng linaw ang tungkol sa pagitang nilang dalawa. 5. Galaw o Ritmo Ang ritmo na nangingibabaw sa tulang ito ay tinatawag na trochee dahil ang mga unang pantig ay may diin na sinusundan ng walang diin na pantig. Kagayan na lamang ng mga salitang sarap, yakap, tawa, selda, kaya, noon, hapon, ngayon, at alon. 6. Poetic License May isang salita ang nakakaagaw pansin bilang gimamit ng may-akda sa ibang pagpapakulugan; ito ang salitang selda na ang tinutukoy niya ay sa isang sulok. Sa puntong ito, mas pinalalim niya ang kahulugan ng sulok kaya ginawa niyang selda. Isang dahilan sa obserbasyong ito ay dahil ang manunulat ay hindi pa ganoon ka bihasa sa paggamit ng wikang Filipino dahil kasalukuyang nasa sekundarya pa lamang at pangalawang wikang maituturing ang Filipino dahil Cebuano-Cagay-anon ang unang wika. Maituturing din na dahilan ang kurikulum na mayroon sa Grade 1 1 dahil hindi na ito tumatalakay sa balarilang Filipino kung kaya unti-unti na ring humihina ang kasanayan ng mga estudyante sa paggamit at paglalaro ng mga salitang Tagalog para sa panulaan. Ayon nga sa pananaliksik na ginawa ng ilang mga estudyante, bunga ito ng impluwensiya ng makabagong teknolohiya at mga gadgets. 7. Tayutay Limitado ang gamit ng tayutay sa tulang ito: isa lamang ang nakikitang halimbawa at ito ay personipikasyon. Sa linyang Dahil iba na ang ihip ng hangin at

nadala na tayo sa hampas ng alon” , masasabing binigyan niya ng buhay ang ihip ng hangin at hampas ng alon. Ang mga pahayag na ito ay itinuturi niyang naging dahilan ng paglamig ng kanilang relasyon. Sumisimbolo marahil ang mga ito sa tukso at ibang mga bagay na naging dahilan ng hindi na nila pagkakaunawaan. Kakikitaan din ng paggamit ng simili o pagtutulad sa tulang ito. Maaaninag ito sa linyang Sana ako pa rin ang munting kapatid mo na kasama mo palagi saan man magtungo , na hindi lang siya nobya para sa lalaki, istinuturing din siyang kapatid nito. a. Bisa sa Pangkaisipan Ang mga nangyari sa tula ay nagsilbing tagapagmulat sa katotohanan sa buhay na may mga kabaihan pa rin sa kasalukuyan na masasabing mahina pagdating sa pag- ibig. Dahil sa panahon ngayon, inilalahat na ng karamihan na lahat ng mga kababaihan ay mga palaban pagdating sa ibig. Kadalasan nga rin na mababasa sa mga social media accounts na ang mga babae ngayon ay masyado nang liberado. Ngunit sa tulang ito, binago ng manunulat ang sitwasyong iyon. Sa halip, ipinakita niya ang imahe ng babae bilang mapagkumbaba at may mataas na respeto sa sarili dahil hindi na ipinagpilitan ang sarili sa nobyong nag-iwan sa kanya. Nabanggit sa ikalawang talata ng artikulong ito na dahil sa teknolohiya ay marami sa mga kabataan ang napapariwara. Napapadali rin ang pakikipagrelasyong intimate dahil na rin sa teknolohiya. Pinatunayan rin ito sa artikulo ni Sierra (2013), na pinamagatang Sexting: A Deviant Electronic Commodity. “But with the upgrading of electronic system also comes the upgrading of inappropriate behaviours and conduct.” Ito ang lipunang kinabibilangan ng henerasyon ngayon, ang panahon ng teknolohiya. Kasabay nito ay ang pag-uso rin ng sexting. The term Sexting is a process of communication of which both parties transmit and receive sexual messages or material, (Sierra, 2013). Maaaring lingid sa kaalaman ng gumagawa nito ngunit ang gawaing ito ay immoral. Ito ang nauuso sa mga kabataan ngayon kung kaya ay pataas nang pataas ang mga kaso ng maagang nabubuntis at maagang pagiging batang ama. Dahil na rin sa napakadaling daluyan ng mga mensahe ngayon gaya ng social media mas napapadali na rin ang kalokohan na ginagawa ng kadalasan ng mga kabataan dahil sila naman ang karamihan sa gumagamit ng mga social media na ito. b. Bisa sa Pandamdamin Panghihinayang pa rin ang maaaninag sa tulang ito ngunit maituturing na panghihinayang sa positibong pamamaraan. Hindi makikita sa babae sa tulang ito na may hinananakit talaga siya sa nobyo at sa sarili. Sa halip, itinuri niyang isang masaya

Naghihintay ng mensahe mo, ingat ka mahal sa malayo Paniguradong sa iba’y hindi ako maghahanap Bakit parang ang dalang ng panahon Sinimulan natin sa magandang relasyon Pero pagkatapos din pala nauwi sa isang desisyon Na hiwalayan at pabayaan Kaya pala! nalaman kong may iba ng nagpapatibok sa puso mo Di mo man lang pinag-isipan Kung ano ang aking mararamdaman Sana tiniis mo an gating pagkakalayo Mabago at maging matino Kay raming masasayang pinagdaanan Pati hirap, pagod at oras na inilaan ay nawalan ng halaga Dahil sa isang babaeng oras lang nakilala Maniniwala na ako sa kasabihang “Ballpen man gani mawala, feelings pa kaha” Sana sa lahat ng lalaking nandito Wag kayong feeling gwapo Di lang kayo ang lalaki sa mundo Na sa isang iglap lang, ipangpalit ang lahat ng pinagsamahan Sana malaman mang mahal na mahal kita Ang babaeng nagpabago sa wasak mong puso at buhay Sana tandaan mo hindi ka na makakahanap sa isang tulad ko Sinayang mo ang aking pagmamahal na inalay ko sa iyo Ito ang pagsisisihan mo sa buong buhay mo.

**A. Pagsusuri sa mga Elemento ng Tula

  1. Sukat** Ang akdang ito ay may sukat na 12, 12, 15, 15, 9, 16, 17, 9, 11, 13, 19, 10, 21, 9, 11, 13, 9, 12, 15, 8, 15, 23, 12, 7, 11, 15, 13, 21, 19 at 16. Mula sa mga bilang ng pantig sa bawat taludtod, malinaw na ang tulang ito ay malayang taludturan at walang sukat dahil hindi ito sumusunod sa tradisyunal na paraan ng pagsusulat ng tula na maaaring labindalawahang sukat o labing-apatin na sukat. Ito ay isang patunay

lamang na ang mga kabataang manunulat sa panahon ngayon ay hindi na masyadong binibigyan ng atensyon ang sukat sa pagsusulat ng tula. Para sa kanila, ang mahalaga sa pagsusulat ng tula ay ang ipalabas lamang kung ano ang nais nila iparating sa mga mambabasa at tagapakinig. 2. Tugma Walang tugmaan sa tula na ito dahil hindi magkasingtunog ang mga salitang ginamit sa huling bahagi ng bawat taludtod. Kagayan na lamang ng mga salitang patutunguhan, matatag, nakaharap, malayo, panahon, relasyon, desisyon, nagpapatibok, pinag-isipan, mararamdaman, pagkakalayo, matino, pinagdaanan, halaga, nakilala, nandito, gwapo at mundo. Kadalasang sa mga salitang ito ay walang pagkakatugma. Ito ay nagpapakita naman ngayon ng kahinaan sa mga estudyante sa paggamit ng mga salita sa Filipino. 3. Talinghaga Ang mga salitang ginamit sa tulang ito ay kumbersasyunal at hindi matatalinghaga. Ito ay isa sa mga identidad sa mga spoken poetry dahil ang mga salita ay hindi piling-pili at hindi malalim ang gamit. Lalo na sa mga estudyante manunulat. Malikhain ang spoken poetry ngunit kung gamit ng mga salita ang pagbibigyan nang tuon, hindi mga matatalinghaga ang kadalasang gamit sa tulang ito tulang ito rin ay ginamitan ng dayalek sa linyang “Ballpen man gani mawala, felings pa kaha”. Ang linyang ito ay nagpapakilala rin sa henerasyong kinabibilangan ng mga kabataan ngayon na mahilig sa mga hugot lines. Kapansin-pansin naman na idinadaan ng mga kabataan ang lahat ng kanilang mga nararamdaman sa mga hugot lines. Kaya sumikat ito lalo na sa social media kagaya ng pagsikat pick-up lines.

4. Imahe Ang imaheng nabuo sa tulang ito ay isang babaeng palaban at nanghahamon sa kanyang naging nobyo. Masasabing isang pabang dalaga ang nagsasalita sa tula dahil hinahamon niya ang kanyang nobyo na magsisisi ito dahil mas pinili ang isang babaeng isang oras lang nakilala. Ito rin ang imahe ng mga magkarelasyon na malayo sa isa’t isa, ang paghihiwalay dahil sa third party. Maging sa tula, inilarawan na kay bilis lamang ang paglimot ng lalaki sa kanyang iniirog nang may nakilalang babae, isang oras pa lamang. Napapadali sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng koneksyon sa ibang tayo dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya. Hindi lamang ito

ang porgrama na Raffy Tulfo in Action at kadalasang paksa o isyu sa programang ito ay LDR. Napakauso ng pangangaliwa sa LDR na pakikipagrelasyon. Mataas na ang bilang ng mga mag-asawang nagkahiwalay dahil sa LDR. Kadalasan sa mga OFW, lalo na kung babae, sila mismo ay nagkaroon ng kabit sa ibang bansa. Ngayong taon lang ay sumikat sa social media si Sheryn na taga-Gensan. Sumikat siya sa programang Raffy Tulfo in Action nang idinulog ng kanyang asawa ang kanyang pangangaliwa. May apat siyang anak dito sa Pilipinas ngunit nagkaroon siya ng iba sa ibang bansa. Siya ay sumisimbolo lamang ng mga kababaehang nagbago ang imahe at naging dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa. Kay sakit isipin na sa panahon ngayon, parami nang parami ang mga naghihiwalay na mag-asawa dahil sa pangangaliwa ng kung sinuman sa kanila. Ayon nga sa tudling ni Tubeza (2011) ng Philippine Daily Inquirer, tumaas ng 40% ang mga kaso ng annulment sa ating bansa. At ito rin ay pinatotohanan ng CBCP News, na mula sa 4,520 na kaso ng annulment sa ating bansa noong 2001 ay umabot ito sa 8, 282 noong 2010. Sa nasabing tudling, kadalsan sa mga anak ng hiwalayang ito ay apektado sa paghihawalay ng kanilang mga magulang. Batay pa rin sa datos, 61% na nag-apply ng annulment ay mga babae, 90% sa kanila ay nasa edad 20 at pataas at 4% sa kanila ay nasa edad na 30. Ang paghihiwalay rin lagi ang sinasabing dahilan ng mga anak na naging pariwara sa buhay. Sa halip kasi na gumagawa sila nang tama ay nagpapapansin sila sa mga magulang nila sa pamamagitan ng pagrerebelde, kabilang dito ang paggawa ng ipinagbabawal ng mga magulang.

b. Bisa sa Pandamdamin Galit at paghamon ang nagingibabaw na damdamin ng manunulat sa akdang ito. Makikita ito sa mga linyang Sinayang mo ang aking pagmamahal na inalay sa iyo, ito ang pagsisisihan mo sa buong buhay mo. Galit dahil nasayang ang mga panahong nagsasakripisyo at maging tapat siya sa kanyang iniirog at nangarap na sila na ang magkatuluyan habang buhay. Ngunit sa isang iglap lang ay bigla siyang pinalitan sa isang babaeng isang oras pa lang nakilala. Ito ang kadalasang nangyayari kung kaya wala nang masyadong tumatagal na mga relasyon lalo na sa mga kabataan ngayon. Kung ihahambing ang relasyon ng mag-asawa noon at ngayon, masasabing mas matitibay ang relasyon ng mag-asawa noon dahil wala pang masyadong mga tukso sa kapaligiran. Ngayon, uso na at naging normal na ang pangangaliwa gamit

ang social media. Ito na ngayon ang naging trend lalo na sa mga kabataan. Hindi na nila naisabuhay ang pagiging tapat hindi lamang sa pag-ibig maging sa pang-araw- araw na pamumuhay. Nagbabago na nga ang kaugaliang pinoy at unti-unti nang humihina ang mga magagandang kaugaliang ito. Masyado nang naimpluwensiyahan ng mga kulturang dayuhan kagaya na lamang ng KPOP. Maging sa pananamit, kita- kita ang impluwensiya nila sa mga kabataan ngayon. c. Bisa sa Pangkaasalan Ang tulang ito ay nagturo sa mga mambabasa na maging tapat malayo ka man sa iyong minamahal. At nang dahil sa hindi naging matapat sa karelasyon, humantong sa hiwalayan. Ang hiwalayang ito ay nagreresulta sa iba’t ibang epekto. Ayon nga kay Scott (2018), “There are many effects of a broken family on the children. Some effects show immediately. Some effects show in the mid-term in life. The immediate effects can range from not having an idea of what’s going on to total devastation. That all depends on the age of the kid and the success of the parents at creating a sense of normalcy for the child. If the parents separate nicely and the child is young enough then there shouldn’t be immediate effect. However if the kid is cognizant of what is happening and the separation is not nice then there will be immediate consequences. The consequences can be simply that the kid has to figure our his own way through life. Or so complicated that he will need therapy.” Ganoon kahalaga ang presensiya ng mga magulang para sa paggabay sa pagpapalaki ng mga anak. Marahil nga kahit saang bahagi ka pa ng mundo, hindi nagbabago ang mga kadahilanang ito. Ito rin kasi ang nagiging dahilan ng ilan sa mga estudyante kong nabubuntis nang maaga. Nagmula rin sila sa hiwalay na pamilya, kundi man ay nagmula sa mga komplikadong relasyon ng kanilang mga magulang. Magsilbi sanang gabay ito ng mga magulang na sa kanilang nakasalalay ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Ngunit ito ang nakaligtaan ng mga magulang dahil mas inuuna nila ang pansariling kaligayan kaysa sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak. B. Uri ng Tula Ang tulang ito ay mauuuri bilang isang halimbawa nga tulang pasalaysay dahil ito ito’y naglalahad ng mahahalagang tagpo sa buhay ng isang tao tungkol sa karanasan sa pagkabigo sa pag-ibig. Kapansin-pansin naman talaga ang mga pangyayari sa tula ay nangyayari sa buhay ng ito. Sa madaling salita, isinasalaysay ito ang naging karanasan na maaaring naranasan ng mga kabataan ngayon.

Was this document helpful?

Pananaliksik SA Spoken Poetry

Course: Education (PROF-ED119)

269 Documents
Students shared 269 documents in this course
Was this document helpful?
1
KABANATA 1
ANG SULIRANIN
Panimula
Isa sa mga kulturang popular na umiiral ngayon sa mga kabataan ay ang
spoken word poetry. Ang spoken poetry ay ang pagsasaad ng kwento sa pamamagitan
ng tula. Ito ay isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad ng tula sa
madlang tao sa pamamagitan ng pagsasalaysay. Kumpara sa isang normal na tula, mas
malikhain at mapaghamong gawin ang spoken poetry. Isa sa mga spoken words sa
nauusong uri ng oral art sa mga kabataan na ginagamitan ng word play at intonasyon
upang maipahayag ang kanilang saloobin. Matagal na ginagamit ang spoken word
poetry hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo at ngayon ay bumabalik na
naman ito dahil na rin sa mga taong nakakarelate sa paksa ng tagapagsalita. Isa na si
Juan Miguel Severo sa mga kilalang spoken word poetry artist sa Pilipinas. Hindi ito
basta-basta pagsasalita sa harap ng mga manonood. Ginagamitan ito ng word play,
tono ng boses na nakaakma sa paksa at minsan ay background music. Spoken poetry,
tula na kung saan ikaw ang bida, ikaw ang mga nakaranas at tula na may “hugot” na
kung saan dito mo isusumbat ang lahat-lahat ng mga nagawa mo o kaya ay
nararamdaman mo para sa isang tao at kung anu-ano pa. Marami-rami na rin ang mga
nag-kontribyut sa pagbibigay kahulugan sa spoken word poetry at kapansin-pansin
ang pagkakapareho ng kanilang mga persepsyon patungkol dito. Tulad na lamang ni
Christa Penning na inilalalarawan niya ito nilang isang porma ng panulaan na
nagsasaad sa mga pananaw at mga karanasan ng may-akda sa kanyang obra.
Ang spoken poetry ay sumikat sa pamamagitan ng pagpapakalat nito sa mga
social media networking sites. Kadalasang itong tinatangkilik ng mga kabataan dahil
na rin sa mga paksang napapaloob sa mga tulang ito. Spoken word is a broad
designation for poetry intended for performance. Though some spoken word
poetry may also be published on the page, the genre has its roots in oral traditions
and performance. Spoken word can encompass or contain elements of rap, hip-hop,
storytelling, theater, and jazz, rock, blues, and folk music. Mula sa
pagpapakahulugan ito, ang spoken poetry ay isang uri ng makabagong tula na may
malaya at walang sinusunod na istruktura sa pagsusulat nito. Naging bahagi na ito ng
kultura ng mga kabataan ngayon.
Ayon naman sa pag-aaral nina Weinstein at West (2012), inilalahad nila na ang
spoken word poetry ay hindi lamang tungkol sa sining ngunit ito’y tungkol sa paghasa