Skip to document

PSJD-2021 VOL14 Sa-Gitna-ng-Pandemya-1

Essay type
Course

Education (PROF-ED119)

269 Documents
Students shared 269 documents in this course
Academic year: 2023/2024
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
De La Salle-College of Saint Benilde

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

PHILIPPINE JOURNAL OF SOCIAL DEVELOPMENT 2021 VOL. 14

PAGTUGON NG MGA MANININDA,

TSUPER, AT MAMAMAYAN

NG POOK MALINIS SA UP DILIMAN

Getting rough the COVID-19 Pandemic: Responses of Vendors, Drivers, and Residents of Pook Malinis, UP Diliman

Aleli B. Bawagan, PhD

Rose Angelie M. Hernandez

Celeste F. Vallejos

Abstrak

Malinaw na ang epekto ng pandemya dala ng COVID-19 ay dama sa halos lahat ng bansa sa buong mundo, sa halos lahat ng sektor at pamayanan. Isa ang Unibersidad ng Pilipinas sa apektadong institusyon; hindi lamang ang kanyang mga pang-akademikong programa, kundi pati ang iba’t ibang sektor at pamayanan na nakapaloob sa buong kampus.

Nagbuo ang Tsanselor ng UP Diliman COVID-19 Task Force noong Marso 2020 upang bumuo ng mga kinakailangang programa sa pagtugon sa pandemya. Noong Abril naman ay nabuo ang UP Diliman COVID- Response Volunteers o ang UPD CRV na binuo ng mga organisasyon at mga indibidwal upang tumulong sa mga sektor na apektado sa loob ng Brgy. UP Campus. Marami ang tumugon sa panawagan para sa mga boluntaryo— mga guro, kawani, mga mag-aaral, mga samahan sa kampus, at iba pang mga indibidwal. Sila ay agad tumugon sa mga sektor na nangangailangan ng tulong at ito ay nagpatuloy sa halos pitong buwang panahon.

Layunin ng papel na ito na maisalarawan ang epekto ng COVID-19 sa mga sektor ng manininda at mga tsuper at sa mga pamayanan ng maralita tulad ng Pook Malinis. Ibabahagi din ang naging stratehiya ng UPD CRV sa kanyang pagtugon na hindi lamang pagbibigay ng relief operations kung hindi kasama ang pagbibigay ng edukasyon sa pamayanan at ang paglalahad ng kanilang mga kahilingan sa mga otoridad sa UP. Pupulot

SA GITNA NG PANDEMYA NA COVID-

din ng mga aral mula sa karanasan na ito na kaugnay sa disiplina ng Pagpapaunlad ng Pamayanan at sa usapin ng disaster risk reduction and management (DRRM).

Keywords: COVID-19, UP Diliman COVID-19 Response Volunteers, community development

Panimula

Ang buong mundo ay hindi naging handa sa pandemya na COVID-19 simula sa pagpasok ng taong 2020. Nag-umpisa ang sakit dulot ng SARS-CoV-2 na virus sa Tsina noong Disyembre 2019 (WHO, 2020a). Habang sinusulat ang papel na ito, sa buong mundo, umabot na sa 43,766,712 ang kabuuang kaso at 1,163,459 na ang namatay (WHO, 2020b). Sa Pilipinas, naman, 375,180 ang kabuuang kaso at 7,114 na ang namatay—karamihan sa mga kaso ay nasa Metro Manila (184,275), at ang Lungsod ng Quezon ay may 33,454 (DOH, 2020).

Simula noong 13 Marso 2020, nilagay ang kabuuan ng Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Marso 15 hanggang Abril 14 kung saan pansamantalang sinara ang mga klase, pinagbawal ang maramihang kumpulan ng mga tao (mass gathering), at byahe papunta ng Metro Manila mula sa ibang mga probinsiya (PCOO, 2020).

Ang ECQ ay nagtagal hanggang Mayo 15. Naging Modied Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila naman noong Mayo 16 hanggang 31. General Community Quarantine (GCQ) na ang Metro Manila mula noong Hunyo 01 hanggang Agosto 03; ngunit binalik sa MECQ mula Agosto 04 hanggang 18 dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso. Bumalik na muli sa GCQ ang Metro Manila hanggang sa kasalukuyan (mula sa serye ng balita mula sa pcoo.gov).

Iba iba ang antas ng mga pinapayagan at pinagbabawal na kilos ng mga tao sa iba’t ibang antas ng quarantine. Ngunit ilalahad lamang sa artikulo na ito ang mga probisyon na nakakaapekto sa ilang mga sektor sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), tulad ng mga manininda, mga tsuper, at mga pamayanan ng mga maralita.

SA GITNA NG PANDEMYA NA COVID-

din ng mga aral mula sa karanasan na ito na kaugnay sa disiplina ng Pagpapaunlad ng Pamayanan at sa usapin ng disaster risk reduction and management (DRRM).

Ang papel ay may apat na bahagi: 1) pagtalakay sa ilang pag- aaral sa usapin ng kalamidad, pandemya, at ang mga piling salik para sa pagtugon ng mga pamayanan at pagbangon mula sa mga kalamidad at krisis; 2) pagsalarawan ng mga sektor at pamayanan sa kampus ng UP at ang epekto ng COVID-19 sa kanila; 3) pagtalakay ng mga naging tugon ng mga pamayanan, kasama ang UPD CRV; at 4) pagsuma sa karanasan at pagtukoy ng mga mahalagang aral hinggil sa pagpapaunlad ng pamayanan, kaugnay ng usapin ng disaster.

Ang mga datos sa pag-aaral na ito ay nakuha sa pamamagitan ng mga pormal at impormal na talakayan kasama ang mga miyembro sa sektor ng manininda, drayber, at ilang residente ng Pook Malinis. Nakasama ang mga sektor at komunidad na ito sa ilang mga pag-aaral na tumatalakay sa kanilang kalagayan sa panahon ng pandemya, mula Mayo hanggang Oktubre 2020. Kasama din sa mga talakayang ito ang kanilang pagpaplano at kampanya kung paano nila haharapin ang epekto ng pandemya sa kanilang sektor at komunidad. Bilang mga boluntir ng UPD CRV, nagawang maidokumento ng mga awtor ang mga kuwento at danas ng mga manininda, drayber, at komunidad.

Mga kaugnay na pag-aaral

Apat na paksa ang ilalarawan sa bahagi na ito: mga pandemyang naranasan nitong huling isang daang taon; ang COVID-19; ang COVID- sa Metro Manila; at ang piling salik sa pagtugon ng mga pamayanan sa panahon ng kalamidad.

Mga pandemya

Ang pandemya ay ang pandaigdigang paglaganap ng isang bagong sakit (WHO, 2010). Sa nakaraang isang daang taon, tatlong pandemya na nagdulot ng pinakamataas na bilang ng mga namatay ay ang (MPHOnline, n.):

  1. Spanish Flu noong 1918-1920. Tinatantyang 500 milyon katao ang nagkasakit nito at mga 50 milyon ang namatay. Ang tinaguriang H1N1 na virus ang naging sanhi ng pandemya na ito;

SA GITNA NG PANDEMYA NA COVID-

PHILIPPINE JOURNAL OF SOCIAL DEVELOPMENT 2021 VOL. 14

  1. AIDS (Acquired Immunodeciency Syndrome) simula 1981 hanggang sa kasalukuyan. Ang HIV (human immunodeciency virus) ang nagiging sanhi ng AIDS. Simula noong 1981, tinatantya na 35 milyon na ang namatay mula sa AIDS; at

  2. Asian Flu mula 1956 hanggang 1958 kung saan dalawang milyon ang tinatantyang namatay. Nagmula naman ito sa H2N2 na virus.

May ibang pandemya at epidemya na hindi umabot ng isang milyong namatay ay ang mga sumusunod: sixth cholera pandemic (1910- 1911), mga higit 800,000 ang namatay; H1N1 swine u pandemic (2009- 2010) kung saan mga 200,000 ang tinatantyang nasawi; at West African ebola virus epidemic (2014-2016) na may mga 12,000 katao ang nasawi (Jarus, 2020; MPHOnline, n.).

COVID-

Ang pandemyang naranasan ng mundo ngayong 2020 ay ang COVID-19, dala ng SARS-COV-2 (Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2). Una itong lumabas sa Wuhan, Tsina noong Disyembre 2019. Mabilis itong kumalat sa ibang parte ng mundo lalo na noong unang tatlong buwan ng 2020.

Maraming bansa ang nabigla sa dagsa ng mga pasyente sa kanilang mga ospital at taas ng bilang ng mga namatay. Iba iba ang naging pagtugon ng mga bansang apektado ng COVID-19, depende sa epekto sa kanilang kapasidad para sa serbisyong pangkalusugan. Ilan dito ay: 1) lockdown sa mga mayor na mga lungsod o sa mga ilang piling lugar kung saan mataas ang bilang ng nagkakasakit; 2) pagtayo ng mga dagdag na pasilidad para sa mga pasyente ng COVID-19; 3) pananaliksik para sa bakuna; 4) pagsara ng mga klase at mga trabaho upang maiwasan ang kumpulan ng mga tao; at 5) ang pagkaroon ng alternatibong pamamaraan para mapagpatuloy ang trabaho, tulad ng work from home.

COVID-19 sa Metro Manila

Ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa ay naiulat noong Enero 20; isang babaeng Tsino na may kasamang kapwa Tsino na lalaki. Ang huli ay namatay sa COVID-19 noong Pebrero 01. Siya ang unang kaso ng COVID na namatay labas sa Tsina (Ramzy & May, 2020).

PHILIPPINE JOURNAL OF SOCIAL DEVELOPMENT 2021 VOL. 14

  1. Programang pangkalusugan, tulad ng pagtatayo ng mga pasilidad pang-quarantine, dagdag na special risk allowance para sa mga manggagawang pangkalusugan, pagdadagdag ng mga contact tracers, pananaliksik, at pambili ng bakuna para sa COVID-19;

  2. Programa para sa panlipunang kagalingan tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), suporta pangkabuhayan, at subsidiyo para sa mga lugar na malalagay sa granular lockdown; at

  3. Programa para sa transportasyon, tulad ng tulong pangkabuhayan sa mga apektado gaya ng mga tsuper ng dyip at iba pang pampublikong sasakyan.

Ayon sa Senado, agad mailalabas ang halagang PhP140B; samantalang ang natitirang PhP25 ay hahanapan pa ng gobyerno ng pondo (Gotinga, 2020).

Mga piling salik sa pagtugon at pagbangon ng mga pamayanan mula sa panahon ng kalamidad

Paano nga ba tinutugunan ng mga pamayanan ang mga krisis na nararanasan? Ang pinakamalapit na maaaring tingnan ay ang mga tugon sa mga bagyong dinaranas taun-taon, nandiyan din ang lindol, pagputok ng bulkan, pagguho ng lupa mula sa mga kabundukan, at iba pa (Bawagan et al., 2015; Center for Excellence in Disaster Management & Humanitarian Assistance, 2018).

Sa nakalipas na tatlumpung taon, naranasan ng Pilipinas ang pagputok ng bulkang Pinatubo (1991), bagyong Ondoy (2009), at bagyong Yolanda (2013). Dahil sa tindi ng epekto sa maraming bilang na pamayanan at indibidwal mula sa mga kalamidad na ito, matagal ang panahon na ginugol para sa mga relief operations ganoon din sa programa para makabangon. Ang mga sumusunod na mahalagang salik ang napulot mula sa mga pananaliksik ukol sa pagtugon at pagbangon mula sa mga kalamidad: ang tiwala sa Diyos; pagbabayanihan; pagkilos ng samahan; at suporta mula sa iba’t ibang mga samahan.

Tiwala sa Diyos

Ang kilos ng indibidwal ay ginagabayan ng kanyang malakas na tiwala sa Diyos sa panahon ng kalamidad; naniniwala na hindi siya pababayaan ng Diyos na magliligtas sa kanya sa panahon ng kahirapan. Nakita ito sa mga nawalan ng tirahan dahil sa pagputok ng bulkang Pinatubo at bagyong Yolanda (Bawagan et al., 2015; Quiambao, 2015), at sa mga namatayan dahil sa lakas ng bagyong Yolanda (ESRC DFID Research Impact, 2018). Hindi sila nawalan ng pag-asa at ang kanilang tiwala ang nagtulak sa kanila upang muling bumangon at mag-umpisa. Ayon naman kay Raj (2017), batay sa kanyang mga pag-aaral sa hanay ng mga maliliit na mangingisda, ang “spirituality” ay may dalawang aspeto— ang personal na relasyon sa Diyos at ang pakikipagtulungan sa kapwa. Higit itong nakikita sa panahon ng mga kalamidad.

Bayanihan

Bukod sa pang-indibidwal na kilos, mahalaga din ang tulong mula sa malapit na mga kapitbahay o kamag-anak. Nakikita ito sa tulungan ng mga magkakapitbahay, sa maliitang antas (Su & Mangada, 2016), halimbawa ang pagbahaginan ng makakain, tulungan sa pagkumpuni ng mga bahay, paghango ng mga bangka at paglalagay nito sa mas ligtas na lugar, o pagpapatira sa mas matibay na bahay (CARE International UK Shelter Team, 2016). Nakita ito sa muling pagbuo ng pamayanan pagkatapos ng pagputok ng bulkang Pinatubo sa Tokwing resettlement area (Quiambao, 2015). Nasulat din ni Barrameda at Barrameda (2011) ang kahalagahan ng bayanihan at damayan sa pagbangon mula sa serye ng mga kalamidad sa Albay.

Pagkilos ng samahan

Labas sa bayanihan, epektibo din ang pagkilos ng mga magkakasama sa isang samahan, lokal na samahan man ito o samahan na may ugnay sa mga samahang pang-rehiyon o pambansa (Reliefweb, 2017). Nakita na ang pag-oorganisa ng pamayanan ay malakas na puwersa upang marinig ang boses ng mga tunay na apektado at upang makipag-ugnayan sa ibang mga organisasyon, maging pribado man ito o mula sa pamahalaan (Reliefweb, 2017). Isang halimbawa nito ay ang pagkakatatag ng People’s Surge, isang alyansa ng iba’t ibang organisasyon, samahan, at indibidwal na apektado ng bagyong Yolanda. Ang alyansa

SA GITNA NG PANDEMYA NA COVID-

Noong biglang hinto kami sa pasada, talagang maluha-luha ako kasi iniisip ko saan kukunin ang kakainin namin, ang bayad sa tubig at kuryente. Kinabahan ako nang husto, sobrang takot ko sa mangyayari sa amin. - Romy Pascual, Pangulo, UP Pantranco

Dahil biglaan ang pag-anunsyo ng ECQ, halos 500 na mag-aaral ang istranded sa mga dorm at boarding house sa paligid ng Unibersidad. Mayroon ding higit 500 na construction workers ang pinahinto sa pagtatrabaho at istranded sa kani-kanilang project site sa UP Diliman. Bukod sa wala silang kinikita at maipadadala sa mga pamilya sa probinsya, wala na rin silang makain dahil wala o hindi kaya ay kulang ang binibigay ng kanilang pribadong kumpanya.

Marami din sa mga nanirahan sa mga komunidad ng Brgy. UP Campus ay nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Kalakhan sa kanila ay mga skilled at semi-skilled workers (mangaggawa sa mga pagawaan, construction worker, security guard, kusinero, tindera) na namamasukan sa labas ng Unibersidad. Ang iba naman ay mangangalakal. Ang ilan naman sa kanila ay hindi makapasok sa kanilang trabaho dahil walang pampublikong sasakyan. Isa sa pinakaapektado sa mga komunidad ng Brgy. UP Campus ay ang mga nakatira sa Pook Malinis sa Brgy. UP Campus.

Magpopokus ang pag-aaral na ito sa hanay ng mga drayber, manininda, at residente ng Pook Malinis ng UP Campus.

Mayroong anim na ruta sa Unibersidad na binubuo sa kasalukuyan ng 322 tsuper. Ang mga ruta at bilang ng drayber ay: Ikot (65); Toki (14); Philcoa (36); Katipunan (85); SM North (50); at Pantranco (72).

Ang ilan sa mga drayber ay ikalawang henerasyon na ng mga namamasada ng dyip sa loob ng UP Campus. Ang pinakamatagal nang drayber sa UP ay 69 na ang edad at 35 taon nang nagmamaneho; ang pinakabata naman ay limang taon nang nagmamaneho.

Ayon sa mga pangulo ng mga ruta, ang mga drayber ay walang naipon bago ang pandemya dahil sapat lamang ang kinikita nila sa pagmamaneho para sa pagpapaaral ng mga anak at pagsuporta sa pangangailangan ng kanilang pamilya. “Hindi nila naiisip na magsubi,” ayon sa pangulo ng rutang SM North. Dagdag pa, malakas din ang ugaling “kanya-kanya” sa mga drayber bago ang pandemya dahil kaya nilang kumita nang hindi nangangailangan ng tulong ng kapwa nila drayber.

SA GITNA NG PANDEMYA NA COVID-

PHILIPPINE JOURNAL OF SOCIAL DEVELOPMENT 2021 VOL. 14

Kaya naman tunay ang pangamba para sa buhay ang naranasan nila nang nahinto ang mga byahe. Gutom ang inabot ng mga drayber at ng kanilang pamilya. Ang ilan sa kanila ay umuwi na muna ng probinsya. Ang mga naiwan naman sa lungsod ay gumawa ng iba’t ibang pamamaraan para mabuhay at ito ang umpisa ng pagbubuklod-buklod ng mga drayber at ng mga ruta sa loob ng UP Campus.

Samantala, 70 naman ang kasapian ng Samahan ng mga Manininda sa UP Campus (SMUPC). Ang SMUPC ay 35 taon nang samahan sa UP Campus buhat nang ipinaglaban ng mga estudyante at manininda na kilalanin sila ng Unibersidad ng Pilipinas noong 1986. Bago nito ay pinagbabawal ang mga manininda at hinahabol sila ng mga pulis ng UP upang pagbawalan sa pagtitinda. Ang SMUPC ay kasapi ng Multi- Sectoral Alliance (MSA), isa sa pinakamalawak na alyansa sa loob ng UP Diliman kung saan kasapi ang iba’t ibang organisasyon ng mga mag-aaral, manininda, empleyado, at komunidad.

Ang pinakamatagal na miyembro ng samahan ng manininda ay 30 taon nang nagtitinda sa UP. Ang karamihan naman sa miyembro nito ay ikalawang henerasyon na ng manininda.

Arawang kita mula sa pagtitinda sa mga estudyante at empleyado ng Unibersidad ang pinagmumulan ng kabuhayan ng mga manininda. Ayon sa pangulo ng samahan, paralisado ang kabuhayan ng bawat manininda noong nagsimula ang pandemya, kung kaya paralisado rin ang samahan. Marami ang walang ipon kung kaya gutom at utang ang kanilang inabot.

Bago magkaroon ng pandemya ay sinasagot ng samahan ang hulog sa PhilHealth, SSS, Damayan, at Group Insurance ng mga miyembro. Pagtitiyak ito ng samahan na may proteksyong sosyal ang kaniyang mga miyembro ngunit nawala ang lahat ng ito noong pandemya. Bumili rin sila ng bagong sasakyan na gagamitin pangdeliber. Nakapaghulog na sila rito ng 1/3 ng halaga ng sasakyan ngunit dahil wala nang pambayad, napahatak na rin nila ito. Dagdag pa rito, wala na rin ang regular na team building activities tulad ng leadership training ng samahan dahil wala nang panustos rito. Hindi na rin nakapagbigay ng regular na suporta ang samahan sa mga kampanya ng estudyante, empleyado, at komunidad sa loob at labas ng Unibersidad. Ayon kay Narry Fernandez:

PHILIPPINE JOURNAL OF SOCIAL DEVELOPMENT 2021 VOL. 14

Ginamit na muna ng ilang asosasyon ng mga drayber ang kanilang natitirang pondo para makapagbigay ng tulong sa mga miyembro. Ngunit dahil kakaunti lang ang pondo, mabilis din itong naubos.

Agad ding tinipon ng mga asosasyon ang mga kasapian para makapag-usap kung paano makakapagtulungan. Nagkaroon sila ng mekanismo sa pag-aayos ng mga rekisito sa pagkuha ng mga ayuda mula sa LGU. Nagtalaga ng mga taong mag-iipon ng mga papeles at maglalakad ng ayuda. Tiniyak din na maihahatid ang mga relief goods sa lahat ng mga miyembro sa pamamagitan ng pag-iikot sa mga ito o hindi kaya paglalagak ng ayuda sa kanilang terminal.

Samantala, wala namang pondong natira ang Samahan ng Manininda sa UP Campus (SMUPC) noong nagsimula ang lockdown. Sumulat sila sa iba’t ibang grupo at indibidwal upang humingi ng tulong. Aktibo ring nagpapa-interbyu ang pangulo ng samahan para maipahayag sa marami ang kanilang kalagayan. Tiniyak din nila ang pamamaraan na mabigyan ng ayuda bagaman magkakalayo ang kanilang mga tirahan. Naging kapaki-pakinabang ang group chat para magkamustahan, magbigay ng update at magbigay ng mga rekisito sa mga ayuda na ibinibigay ng LGU. Inihingi rin ng mga manininda ng tulong ang kanilang miyembro na may espesyal na pangangailangan tulad ng dalawang miyembro nila na may breast cancer.

Habang naghihintay ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan ang mga taga-PoMa, naisipan ng mga ilang magkakapitbahay na humingi ng sobrang bigas at sardinas na maaaring ibahagi sa mga kapitbahay nilang gutom at walang makain. Nakipag-ugnayan din sila sa ilang mga may-ari ng mga tindahan sa Maginhawa para ihingi ng gatas ang mga sanggol ng lugar. Naibsan nito ang panandaliang gutom ng maraming residente.

Mula nang naisagawa ng University Student Council UP Diliman ang programa nilang #IskoOps, ang pinakaunang relief operations sa UP Campus noong lockdown, dito na umasa nang regular na ayuda ang mga taga-Pook Malinis.

Pagbubuo ng UPD CRV

Bilang mga empleyado ng Unibersidad na aktibo rin sa iba’t ibang adbokasiya, hindi bago para sa All UP Workers Alliance ang paghahatid ng ayuda at pagbibigay ng proteksyon para sa mga nangangailangan. May

dagdag na hamon ang pagpaabot ng tulong ngayong pandemya—ang posibilidad na mahawa sa virus at unang pagkakataon lamang nila na magsagawa nang matagalan at komprehensibong humanitarian response.

Sa kabila ng mga hamon na ito, malay sa pangangailangan ng mga apektadong sektor at komunidad ang Alliance, lalo pa’t kasama sa MSA ang ilan sa labis na naapektuhan ng pandemya. Kaya naman noong huling bahagi ng Abril, napagpasyahan ng mga indibidwal sa All UP Workers Alliance na magbuo ng grupo na naglalayong magbigay ng alwan at komprehensibong tugon sa komunidad ng UP sa gitna ng pandemya. Nakatuntong ang paniniwala na ito na ang lahat ng apektado ng kahit na anong uri ng kalamidad ay may karapatang makatanggap ng tulong upang maipagpatuloy ang buhay na may dignidad (Sphere, 2018, p. 30).

Nabuo ang UP Diliman COVID-19 Response Volunteers (UPD CRV) noong huling bahagi ng Abril sa pamamagitan ng serye ng usap na online. Malinaw na mayor na kailangang matulungan ay ang mga pinakabulnerable tulad ng mga nawalan ng kabuhayan at ang mga dati nang hirap sa buhay na ngayo’y lalong nahirapan dahil sa pandemya. Napag-usapan na bukod sa pagbibigay ng relief goods, mahalaga din ang pagbibigay ng batayang kaalaman kaugnay ng pag-iwas sa COVID-19, at pagtulong sa pagpaparami ng boluntaryo sa mga programa ng University Health Service.

Pitong komite ang bumuo ng UPD CRV: Data Gathering; Logistics Support; Education; Information Dissemination; Health Workers/ Frontliners; Counselling; Legal; at Cultural.

Nangalap ng datos ang komite sa Data Gathering; prayoridad na makuha ang bilang ng mga pamilya at ang kanilang kagyat na pangangailangan. Ang nanguna naman sa pangangalap, transportasyon at distribusyon ng rekurso ay ang Logistics Support. Samantala, ang komite sa Edukasyon ang nanguna sa mga pag-aaral sa komunidad kaugnay ng pag-iwas sa virus, mga protocol sakaling mayroong kapamilya o taga- komunidad ang magpakita ng sintomas, at ilang diskusyon kaugnay ng sitwasyong COVID-19 at susing usaping pangmamamayan. Ang komite ng Information Dissemination ang nagbibigay ng update sa social media kaugnay ng aktibidad ng UPD CRV.

SA GITNA NG PANDEMYA NA COVID-

Lungsod, marami ang hindi nakatanggap ng ayuda mula sa DSWD, kung kaya gumawa ang lokal na pamahalaan ng sariling SAP.

Sa tala ng UPD CRV noong Mayo, dalawang buwan matapos ideklara ang ECQ, ay nakatanggap ng tatlo hanggang apat na beses ng ayuda ang mga komunidad sa UP mula sa barangay at lungsod. Ayon sa mga nakapanayam, ang mga ito ay hindi tumatagal ng isang linggo para sa kanilang pamilya. Upang makayanan ang sitwasyon, mas lalo silang naghigpit ng sinturon at nagpapasalamat sa mga pribadong samahan na nakapagbibigay ng ayuda.

Samantala, may mga pahayag naman ang komunidad na marami sa kanila ang nagpasa ng mga rekisitos para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngunit hindi sila nakatanggap ng ayuda mula dito. Ang mga tsuper ng UP naman na nakumpleto ang requirements para makakuha sa ayudang PhP8,000 sa DSWD ay hindi nakakuha hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa kanilang spokesperson, tatlo lamang na tsuper ang nakatanggap nito.

Ang UPD CRV at ang humanitarian response

Namaksimisa ng UPD CRV ang online platform sa kanyang gawain. Sa serye ng mga pulong na ito mas naitatag ang oryentasyon at gawain ng mga komite ng UPD CRV. Dito rin nagpapalitan ng impormasyon at nakakapagplano.

May kakapusan sa kaalaman at karanasan sa pagbibigay ng komprehensibo at pangmatagalang humanitarian response ang mga boluntaryo ng UPD CRV. Kung kaya inaral nila ang Sphere Handbook, mga tipon na karanasan ng mga non-government organizations sa humanitarian response. Ang sumusunod ang binanggit na Top Code of Conduct: Ten (10) Core Principles (Sphere, 2018, p. 18) na isinasaalang-alang sa pagsasagawa ng mga aktibidad:

  1. e humanitarian imperative comes rst.
  2. Aid is given regardless of the race, creed or nationality of the recipients and without adverse distinction of any kind. Aid priorities are calculated on the basis of need alone.
  3. Aid will not be used to further a particular political or religious standpoint.

SA GITNA NG PANDEMYA NA COVID-

PHILIPPINE JOURNAL OF SOCIAL DEVELOPMENT 2021 VOL. 14

  1. We shall endeavour not to act as instruments of government foreign policy.
  2. We shall respect culture and custom.
  3. We shall attempt to build disaster response on local capacities.
  4. Ways shall be found to involve programme beneciaries in the management of relief aid.
  5. Relief aid must strive to reduce future vulnerabilities to disaster as well as meeting basic needs.
  6. We hold ourselves accountable to both those we seek to assist and those from whom we accept resources.
  7. In our information, publicity and advertising activities, we shall recognise disaster victims as dignied human beings, not hopeless objects.

Naging mabunga ang gawain sa Resource Management. Unang linggo ng Mayo ang unang matagumpay na relief operations ng UPD CRV at nasundan pa ito hanggang Oktubre. Maraming mga indibidwal na nagpapadala ng tulong ay nagpaabot din ng mensahe ng pagsuporta at pasasalamat tulad ng “ank you for taking care of the UP Community!!!” at “Sana po makatulong ang kaunti po naming tulong.” Mahirap mangalap ng donasyon ngunit nagiging madali dahil sa suporta ng maraming tao. Labas sa mga indibidwal, maraming mga pribadong kumpanya at organisasyon ang nagbigay ng mga donasyon, tulad ng mga UP alumni na nag-abot ng tulong sa mga tsuper.

Hindi lamang nakatuwang ang mga organisasyon sa pangangalap ng rekurso kundi nakatulong din sila upang maging mahusay ang proseso ng relief operations. Ang isang organisasyon mula sa College of Engineering ay tumulong upang gumawa ng spreadsheet na magsasaayos ng pagtatala ng pinansya at rekursong pumapasok (inow) at lumalabas (outow) sa UPD CRV. Kasama rin dito ang maayos na listahan para sa mga dapat makatanggap ng relief operations.

Nagsilbing daluyan ang UPD CRV ng mga alumni, organisasyon ng mga estudyante, at grupo sa pag-abot sa mga drayber at manininda na naging bahagi ng buhay nila sa Unibersidad. Maraming pamamaraan ang nasaksihan ng UPD CRV na isinagawa ng mga organisasyon at mga grupo upang makakalap ng pinansya. Ang iba ay naglunsad online ng mga paligsahan tulad ng debate competition, Zumba, at nagbenta ng art works at marami pang iba para lamang makalikom ng halaga na maibibigay sa komunidad ng UP.

PHILIPPINE JOURNAL OF SOCIAL DEVELOPMENT 2021 VOL. 14

Dumadaing na rin ang SMUPC sa nangyari sa kanila ngayong pandemya. Bilang mga maliliit na manininda na umaasa lang sa pagpapaikot ng kanilang puhunan, lugi na ang kanilang maliit na negosyo ngunit hindi tumigil ang mga bayarin sa pagkain, bahay, kuryente, at tubig. Nais na rin nilang makapagtinda.

“Dati, kami ang nagbibigay ng pagkain sa mga estudyanteng kapos. Ngayon dahil wala kaming tinda, kami naman ang nangangailangan ng tulong. Sana payagan na kaming makabalik uli ng UP para makaraos naman kami.” - Narry, Presidente, SMUPC

Kaya isa sa naging bunga ng mga pakikipag-alyansa ng UPD CRV sa pangunguna ng mga estudyante ay ang pagtatayo ng alyansa ng lahat ng asosasyon ng anim na ruta sa UP. Nabuo ang UP Transport Group na tumatayong kinatawan ng lahat ng 322 tsuper sa Unibersidad. Kaisahan nito na maitulak ang pagbabalik pasada sa panahon ng pandemya at matutulan ang jeepney phaseout.

“Hindi namin kailangan ng ayuda, ang kailangan talaga namin ay pumasada. Malalakas pa kami, kaya pa naming magtrabaho. Sana ay hayaan na kaming makapagtrabaho ng gobyerno,” sabi ng isang tsuper ng UP.

Samantala, sa Pook Malinis tulad ng ibang pook na nakakausap ng UPD CRV ay mayroong pare-parehong hinaing. Ang ilan ay kakulangan sa ayuda na naibibigay ng pamahalaan, usapin ng trabaho at demolisyon sa gitna ng pandemya. Upang epektibo nilang matugunan ang kanilang mga pangangailangan, nagbigay-daan ang ganitong sitwasyon upang mabuo ang samahan ng magkakapitbahay sa Pook Malinis. Nabuo ang Nagkakaisang Residente ng Pook Malinis (NAREPOMA) na tumutugon sa kasalukuyang mga hamon sa kanilang komunidad.

Gawaing adbokasiya

Nang tumuntong sa GCQ ang Metro Manila noong Hunyo 01, mayroong mga kumpanya na pinahintulutan makabalik sa kanilang operasyon at maraming tindahan na rin ang nagbukas. Nakapagbiyahe ang ilang ruta ng bus at jeep sa Metro Manila ngunit hindi kasama sa napahintulutan ang mga ruta ng jeep sa UP.

Nakipagdayalogo ang mga tsuper, manininda, at komunidad upang igiit ang kanilang mga karapatan at kahilingan sa ilang opisyales ng Unibersidad noong Setyembre 18. Tatlong mahalagang kahilingan ang kanilang pinaabot:

  1. Hayaang makapasada na ang mga jeep sa UP para magkaroon na ng kabuhayan;

  2. Hayaang makapagtinda na ang SMUPC sa mga mapipiling lugar na maaaring makapagtinda sa loob ng UP Campus; at

  3. Walang demolisyon habang may pandemya.

Ang mga ito ay pinakinggan ng opsiyales ng UP at kasalukuyang nagpoproseso ng mga kongkretong tugon sa mga samahan. Habang sinusulat ang artikulo na ito, nakapaglabas na ng memo ang UP Diliman sa muling pagpasada ng mga jeep sa UP simula Oktubre 31.

Sa bahagi ng manininda, kasalukuyan nilang tinutukoy ang mga puwesto para sila makapaninda at ito ay ihahain din nila sa mga opisyales ng Unibersidad.

Mga aral mula sa karanasan kaugnay sa disiplina ng Pagpapaunlad ng Pamayanan at ng DRRM

Habang nasa panahon ng ECQ ang buong Metro Manila, nalimitahan nito ang galaw ng mga samahan na nais mag-abot ng tulong dahil mahigpit ang pagpapatupad ng quarantine sa mga barangay at hindi nagpapapasok ng ibang mga tao. Wala din pampublikong sasakyan. Kung kaya natagalan din bago nakarating ang ibang mga samahan sa mga apektadong sektor. Ang mga lokal na pamahalaan ang gumampan sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief packs. Ngunit hindi ito sumasapat sa haba ng panahon na walang hanapbuhay ang mga tao.

Sa unang yugto ng COVID-19 na hindi pa nagbibigay ng pinansiyal na ayuda ang pamahalaan, malaking ambag ang tulong mula sa mga kasapi ng samahan dahil pareho ang kanilang naranasan ng kawalan ng hanapbuhay. Hindi lamang sila umasa mula sa ayuda ng pamahalaan; mahabang panahon din na umasa sila sa isa’t isa. Naging prayoridad nila ang magkaroon ng makakain, lalo para sa mga pamilyang may mga

SA GITNA NG PANDEMYA NA COVID-

Was this document helpful?

PSJD-2021 VOL14 Sa-Gitna-ng-Pandemya-1

Course: Education (PROF-ED119)

269 Documents
Students shared 269 documents in this course
Was this document helpful?
PHILIPPINE JOURNAL OF SOCIAL DEVELOPMENT 2021 VOL. 14
30
PAGTUGON NG MGA MANININDA,
TSUPER, AT MAMAMAYAN
NG POOK MALINIS SA UP DILIMAN
Getting Through the COVID-19 Pandemic: Responses of Vendors,
Drivers, and Residents of Pook Malinis, UP Diliman
Aleli B. Bawagan, PhD
Rose Angelie M. Hernandez
Celeste F. Vallejos
Abstrak
Malinaw na ang epekto ng pandemya dala ng COVID-19 ay dama sa halos
lahat ng bansa sa buong mundo, sa halos lahat ng sektor at pamayanan.
Isa ang Unibersidad ng Pilipinas sa apektadong institusyon; hindi lamang
ang kanyang mga pang-akademikong programa, kundi pati ang iba’t ibang
sektor at pamayanan na nakapaloob sa buong kampus.
Nagbuo ang Tsanselor ng UP Diliman COVID-19 Task Force noong
Marso 2020 upang bumuo ng mga kinakailangang programa sa pagtugon
sa pandemya. Noong Abril naman ay nabuo ang UP Diliman COVID-19
Response Volunteers o ang UPD CRV na binuo ng mga organisasyon at mga
indibidwal upang tumulong sa mga sektor na apektado sa loob ng Brgy. UP
Campus. Marami ang tumugon sa panawagan para sa mga boluntaryo—
mga guro, kawani, mga mag-aaral, mga samahan sa kampus, at iba pang
mga indibidwal. Sila ay agad tumugon sa mga sektor na nangangailangan ng
tulong at ito ay nagpatuloy sa halos pitong buwang panahon.
Layunin ng papel na ito na maisalarawan ang epekto ng COVID-19 sa
mga sektor ng manininda at mga tsuper at sa mga pamayanan ng maralita
tulad ng Pook Malinis. Ibabahagi din ang naging stratehiya ng UPD CRV
sa kanyang pagtugon na hindi lamang pagbibigay ng relief operations
kung hindi kasama ang pagbibigay ng edukasyon sa pamayanan at ang
paglalahad ng kanilang mga kahilingan sa mga otoridad sa UP. Pupulot
SA GITNA NG PANDEMYA NA COVID-19