Skip to document

Maikling-Kwento - summary

summary
Course

Medical Technology (BSMT1)

431 Documents
Students shared 431 documents in this course
Academic year: 2016/2017
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Emilio Aguinaldo College

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Banghay

  • Malalim ang gabi ng maisipan ng magkaibigang Leo at Tora na maglakad lakad sa paligid ng kagubatan.

  • Bago sila umalis ay nagpaalam sila sa kanilang iba pang kaibigan na sina Lucas, Texas, Benitez at Mario na kasalukuyang nagpapahinga sa ilalim ng malaking puno.

  • Habang nag iikot ang dalawa ay nakarinig sila ng mga kaluskos at mga yabag ng paa.

  • Sila ay bahagyang natakot at nangamba.

  • Hindi nag tagal ay may sumulpoyt na dalawang tao sa kanilang harapan na may dalang armas (baril at patalim)

  • Nang sila ay ambang huhulihin at ikukulong sa lambat ay agaran silang tumakbo papalayo.

  • Sa kalagitnaan ng kanilang pagtakbo, sa kasamaang palad ay natapilok si Tora sa isang troso na nakakalat sa kanilang daraanan. (Hindi napansin ni Toro dahil sa pagmamadali sa pagtakbo)

  • Agad tinulungan ni Leo si Tora upang makatayo muli upang tumakbo at makatakas ngunit bahagyang napuruhan ang kaliwang paa nito, kadahilanang hirap itong makalakad at hindi makatakbo.

  • Inabutan sila ng mga tao kaya’t sinabihan ni Tora si Leo na tumakbo na at iligtas ang sarili.

  • Naiiyak at natataranta na si Leo at hindi alam ang gagawin.

  • Naghagis ng lambat ang isa sa mga tao at nadali nito si Tora ngunit bago pa yon ay nakalayo na si Leo kaya’t siya ay hindi nadamay.

  • Galit na tinignan ni Leo ang mga tao habang naiiyak na sa mga pangyayari. Agad kumaripas ng takbo si Leo at nag paputok ng mga baril ang dalawang tao. Nadaplisan ang buntot nito ngunit hindi sya tumigil sa pagtakbo hangang sa natanaw na nya ang kanyang mga kaibigan.

  • Sa kabilang banda ay nawawalan na ng pag asa si Tora at tanggap na nya ang kanyang kapalaran na ito na ang huling gabi nya.

  • Habang papalapit si Leo sa mga kaibigan ay napansin ng mga ito ang hingal na hingal na si Leo at ang tumutulong dugo mula sa buntot nito.

  • Agad hinanap ni Texas ang kapatid nyang si Tora.

  • Agad at madaling isinalaysay ni Leo ang nangyari sa kaibigan.

  • Karipas ang takbo ng magkakaibigang umaasang maabutan pa nilang ligtas at buhay ang kaibigan.

  • Nagpaiwan si Lucas upang tumawag ng iba pa nilang kasamahan na leon upang humingi ng tulong.

  • Nabuhay ang pag asa ng magkakaibigan ng unti unti nilang natatanaw ang liwanag mula sa sasakyan ng dalawang tao at nakita ang nanghihinang si Tora sa loob ng lambat.

  • “RAWR” galit na galit na sigaw ni Texas bago sunggaban ang dalawang tao na nagpapahinga sa ilalim ng puno.

  • Sinubukan pa ng isa na bumunot at kumasa ng baril ngunit wala na silang oras dahil paparating na ang iba pang leon na tinawag ni Lucas kung kaya’t madali itong sumampa sa kanilang sasakyan.

  • Kumaripas ito ng maneho ngunit hinabol sila ng iba pang leon.

  • Samantalang tinulungan naman ng magkakaibigan na maialis ang nanghihinang si Tora mula sa pagkakakulong sa lambat.

  • Agad yumakap si Texas sa kapatid at nagpapasalamat dahil ito ay lumaban at hindi sumuko.

  • Lubos din ang pasasalamat ni Tora sa kanyang kapatid at mga kaibigan dahil hindi sya iniwan at pinabayaan.

  • Sabay sabay silang bumalik sa kanilang lungga at agad ginamot ang napilayang paa ni Tora at sugatang buntot ni Leo.

  • Dahil sa pangyayari ay mas lalong tumibay ang pagsasamahan ng magkakaibigang leon.

Pamagat: Ang mga leon sa kagubatan ng Amazona Akda nina:

Pananaw ng may akda o Punto De Vista : Ikatlong Panauhan (maladiyos na pananaw)

Tauhan (Ekspositori)

Pangunahing Tauhan: Tora, Leo, Texas, Lucas, Benitez at Mario Katunggaling Tauhan: Mga mangangaso Kasamang Tauhan: Mga leon na humabol sa mga tao

Tagpuan at Panahon:

Lugar: Kagubatan ng Amazona Oras at Petsa: Gabi Panahon: Malalim at kalmadong gabi Damdamin: Matindi (intense), pagmamahal (love), pagtutulungan (unity)

Paksa o Tema: Pagsukat sa pagmamahal at tibay ng pagkakaibigan.

Aral: - Lahat magagawa kapag nagtutulungan. - Ang kaibigan ay hindi kadugo ngunit ito ay iyong pangalawang kapatid.

Genre: - Kwentong Pambata - Pabula

Was this document helpful?

Maikling-Kwento - summary

Course: Medical Technology (BSMT1)

431 Documents
Students shared 431 documents in this course
Was this document helpful?
Banghay
- Malalim ang gabi ng maisipan ng magkaibigang Leo at Tora na maglakad lakad sa
paligid ng kagubatan.
- Bago sila umalis ay nagpaalam sila sa kanilang iba pang kaibigan na sina Lucas, Texas,
Benitez at Mario na kasalukuyang nagpapahinga sa ilalim ng malaking puno.
- Habang nag iikot ang dalawa ay nakarinig sila ng mga kaluskos at mga yabag ng paa.
- Sila ay bahagyang natakot at nangamba.
- Hindi nag tagal ay may sumulpoyt na dalawang tao sa kanilang harapan na may dalang
armas (baril at patalim)
- Nang sila ay ambang huhulihin at ikukulong sa lambat ay agaran silang tumakbo
papalayo.
- Sa kalagitnaan ng kanilang pagtakbo, sa kasamaang palad ay natapilok si Tora sa isang
troso na nakakalat sa kanilang daraanan. (Hindi napansin ni Toro dahil sa pagmamadali
sa pagtakbo)
- Agad tinulungan ni Leo si Tora upang makatayo muli upang tumakbo at makatakas
ngunit bahagyang napuruhan ang kaliwang paa nito, kadahilanang hirap itong
makalakad at hindi makatakbo.
- Inabutan sila ng mga tao kaya’t sinabihan ni Tora si Leo na tumakbo na at iligtas ang
sarili.
- Naiiyak at natataranta na si Leo at hindi alam ang gagawin.
- Naghagis ng lambat ang isa sa mga tao at nadali nito si Tora ngunit bago pa yon ay
nakalayo na si Leo kaya’t siya ay hindi nadamay.
- Galit na tinignan ni Leo ang mga tao habang naiiyak na sa mga pangyayari. Agad
kumaripas ng takbo si Leo at nag paputok ng mga baril ang dalawang tao. Nadaplisan
ang buntot nito ngunit hindi sya tumigil sa pagtakbo hangang sa natanaw na nya ang
kanyang mga kaibigan.
- Sa kabilang banda ay nawawalan na ng pag asa si Tora at tanggap na nya ang kanyang
kapalaran na ito na ang huling gabi nya.
- Habang papalapit si Leo sa mga kaibigan ay napansin ng mga ito ang hingal na hingal
na si Leo at ang tumutulong dugo mula sa buntot nito.
- Agad hinanap ni Texas ang kapatid nyang si Tora.
- Agad at madaling isinalaysay ni Leo ang nangyari sa kaibigan.
- Karipas ang takbo ng magkakaibigang umaasang maabutan pa nilang ligtas at buhay
ang kaibigan.
- Nagpaiwan si Lucas upang tumawag ng iba pa nilang kasamahan na leon upang
humingi ng tulong.
- Nabuhay ang pag asa ng magkakaibigan ng unti unti nilang natatanaw ang liwanag mula
sa sasakyan ng dalawang tao at nakita ang nanghihinang si Tora sa loob ng lambat.
- “RAWR” galit na galit na sigaw ni Texas bago sunggaban ang dalawang tao na
nagpapahinga sa ilalim ng puno.
- Sinubukan pa ng isa na bumunot at kumasa ng baril ngunit wala na silang oras dahil
paparating na ang iba pang leon na tinawag ni Lucas kung kaya’t madali itong sumampa
sa kanilang sasakyan.