Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Epekto ng Pagpupuyat sa Piskal Mental at

Kulang sa tulog
Course

Purposive Communication (PURCOMM 4261)

62 Documents
Students shared 62 documents in this course
Academic year: 2020/2021
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Technische Universiteit Delft

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Kabanata 1 Ang Suliranin at Sanligan Nito

A. Kaligiran ng Pag-aaral Sa panahon ngayon, hindi na bago sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan ang puspusang pagpupuyat. Ayon sa NHS Choices (2015), kinakailangan ng isang tao ng hindi bababa sa walong oras ng pagtulog upang gumana nang maayos ang kanilang katawan. Ngunit sa panahon ngayon ay kakaunti na lamang sa kanila ang nakakakompleto ng walo hanggang siyam na oras ng pagtulog sapagkat marami ang mas pinipiling manatiling gising upang gumawa ng mga bagay na kailangan nilang gawain kaysa kumpletuhin ang tamang oras ng pagtulog ng isang tao.

Ayon kay Velasco (2015), ang kakulangan sa pagtulog ay tinuturing na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit patuloy na sumasama ang estado ng kalusugan sa Pilipinas. Binigyan niya ng diin ang katotohanang nakatatak na sa utak ng mga Pilipino na mas makabubuti sa kanila ang hindi pagtulog upang matapos ang kanilang mga gawain kaysa matulog at gumising nang wala pang nagagawa. Dahil sa pag-iisip na ito, maraming Pilipino ngayon ang kumahaharap sa iba’t ibang sakit na nakaugat sa pagpupuyat. Napansin ng mga mananaliksik na ang kaisipan na pag-aaksaya lamang ng oras ang pagtulog ay patuloy na nananaig sa mundong ito. Dahil dito, minabuti ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral tungkol sa paksang ito upang matulungan ang mga taong nakararanas ng pagpupuyat at upang hindi na lumala ang kahirapang maaaring idulot nito sa kanila. Aalamin sa pag-aaral na ito ang katotoohanan sa likod ng pagpupuyat ng karamihan sa mga mag-aaral ng ikalabing-isang baitang at susubukin din nito na mabigyan ng kasagutan ang mga problemang nakapaloob dito.

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang suliranin na: Ano ang epekto ng pagpupuyat sa mental, pisikal at sikolohikal na katangian ng isang mag-aaral?

Nilalayon din ng pag-aaral na ito na masagutan ang sumusunod na mga katanungan:

  1. Ano ang mga dahilan na nag-uudyok sa mga mag-aaral na magpuyat?

  2. Ano ang epekto ng pagpupuyat sa akademikong pagmamalas ng isang mag-aaral?

  3. Ano ano mga pagbabago sa panlabas na itsura ng isang taong puyat?

  4. Paano kumikilos ang isang mag-aaral sa loob ng paaralan tuwing nakakaranas siya ng antok dala ng pagpupuyat?

C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na maipabatid sa mga mag-aaral ang mga epekto ng kakulangan sa tulog sa katawan ng tao lalong-lalo na ang mga pinsala na maaari nilang madanas kung magpapatuloy ang kanilang pagpupuyat. Gamit ang pag-aaral na ito, ang mga dahilan na nagtutulak sa mga mag-aaral na hindi agad matulog sa pagpatak ng oras na nakatakdang matulog ang isang tao ay inaasahang masiwalat. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na makahanap ng maaaring solusyon upang matigil na ng mga mag-aaral ang nakasanayang gawaing ito.

na iwasang kumain. Makalipas ang ilang taon, nagkaroon ng panibagong pag-aaral na sumasang- ayon sa naunang nabanggit. Ayon sa pag-aaral ni Peri (2016), ang taong puyat ay kinakikitaan ng paninilaw ng balat, pamamaga ng mga mata at pagkakaroon ng eyebags. Ang pagpupuyat ay nakilala bilang sanhi ng pagbigat ng timbang at pagkagutom. Nasabi rin niya na mayroong mas malaking posibilidad na tumaba ang mga taong natutulog lamang ng anim na oras kumpara sa mga taong nakakaranas ng mahigit sa pitong oras na tulog. Napatunayan naman sa pag-aaral ni Lasco, G. (2015) na nagiging dahilan ang pagpupuyat ng maagang pagtanda ng pisikal na anyo ng isang tao.

Nakasaaad naman ng Sleep Passport (2009) na ang kakulangan sa pagtulog ay hindi lamang nakatuon sa pagsira ng pisikal na itsura ng tao. Ito rin ay nagdudulot ng malalalang sakit tulad ng dyabetis, high blood pressure at iba pang sakit na nakaugnay sa puso. Bukod dito, nasabi rin na malaki ang posibilidad na mapabilang sa isang aksidente ang taong puyat dahil sa mabagal na pagproseso ng kaniyang utak. Tinitira din ng pagpupuyat ang paningin ng tao at ang mga tao namang isang buong araw na gising ay nakadarama ng kamalian sa kanilang pandinig. Dagdag pa rito, ang pagpupuyat ay maaring magresulta ng sleep apnoea – isang kondisyon ng pagtulog na maaaring magparanas sa isang tao ng paulit-ulit na pagtigil ng paghinga (Wikihealth, 2011). Nakapaloob naman sa pag-aaral ni Kyle (2005) na ang pagpupuyat ay maari ring magdulot ng iba pang sleep disorder tulad ng sleepwalking at sleep paralysis. Nabanggit rin niya na purong paghihirap lamang ang maibibigay ng pagpupuyat sa isang tao.

Sinabi sa pag-aaral ni Pietrangelo (2014) na ang paypupuyat ay hadlang sa pag – unlad ng katawan at nagreresulta sa hindi maayos na paggana ng utak. Ito rin ay nakapagpapahina ng respiratory at immune system ng isang tao kung saan magreresulta ito sa mga sakit katulad ng lagnat, ubo, sipon at iba pa. Hindi nagtagal ay sinuportahan naman ito ni Miller (2015) at sinabi

na ang pagpupuyat ay nagreresulta ng mga suliranin na nakatuon sa emosyon ng isang tao. Binanggit din niya na maaari nating sabihing puyat ang isang tao kung hindi niya nararanasang magkaroon ng sapat na tulog na makatutulong sa kanya upang manatiling gising at alerto sa buong araw ng paggawa. Kanya ring sinabi na ang pagpupuyat ay maaaring magresulta sa pisikal at sikolohikal na pinsala ng ating katawan katulad ng pagkabaliw o pagkahibang at iba pa. Dagdag pa rito, ayon sa ang pag-aaral ni Davis (2016), ang pagkabigo sa pagkakaroon ng sapat na tulog ay maaaring magreresulta sa sleep debt kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng mga episodo ng micro sleep upang makabawi sa tulog. Sa pamamagitan nito, nababawi ng ating katawan ang mga kulangan nito sa tulog na kinakailangan upang gumana muli ng maayos ang ating mga bodily functions. Sinasabi rin dito na malaki ang epekto ng puyat sa katawan sapagkat pinapabayaan nito na mawala ang kontrol ng isang tao sa kayang emosyon na nag-uudyok sa kanya upang maging sensitibo at iritable. Silang tatlo naman ay sumasang-ayon na ang pagpupuyat ay nagreresulta sa micro sleep kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng mga sintomas ng pagiging tulala, pagtitig sa kawalan at iba pang kakaibang gawi ng kawalan ng kilos o galaw.

Ibiinahagi sa pag-aaral ni Epstein (2008) na ang pagtulog at ang ang nararamdaman ng isang tao ay mayroong malaking kaugnayan sapagkat ang kasanayan sa pagtulog ay lubos na nakaaapekto sa kaugalian ng isang tao. Napatunayan ito dahil naobserbahan na ang mga puyat ay karaniwang nagiging magagalitin at sensitibo at ang mga lubusang nakatulog naman ay mayroong kakayahang makipagsalamuha ng maayos sa ibang tao. Sa kabilang dako, ang nararamdaman ng isang tao ay mayroon ding epekto sa pagtulog. Dahilan ng pagkabalisa dulot ng stress, ang mga tao ay nananatiling gising at hirap sa pagtulog dahil nahihirapan ang katawan na magpokus sa pagpapahinga. Ayon naman sa pag-aaral ni Web (2017), ang pagpupuyat ay

sapagkat nakatutulong ito sa regulasyon at pagpapabuti sa paggana ng prefrontal cortex ng utak.

Inilahad sa Hibernation Theory ni Webb (1974), ang pagtulog ay umuusbong dahil pinipilit nito ang isang hayop na magtipid ng enerhiya. Sa pangkalahatan, ang mga hayop na nagtitipid ng kanilang enerhiya ay mas mataas ang porsyento nila upang mabuhay kaysa sa mga hayop na inaaksaya ang kanilang enerhiya. Kaya, ang mga katangian na nakatutulong upang makatipid sila ng enerhiya ay malaki ang tsansya na maipasa nila ito sa susunod na henerasyon.

E. Teoretikal at Konseptuwal na Balangkas Sinabi ni Oswald (1980) sa kanyang Restoration Theory na ang tungkulin ng pagtulog ay upang maibalik ang katawan sa panahon ng kawalang-galaw nang sa gayon ay matiyak na may sapat na byolohikong tungkulin ang ating katawan. Sa panahong ito, naisasaayos ang tissues sa utak at katawan ng tao at ang mga kemikal na kailangan ay maayos na gumagana. Sinasabi rin na ang NREM (Non-rapid eye movement) sleep ay naibabalik ang mga byolohikong proseso na nawawala tuwing umaga samatalang ang REM (Rapid eye movement) sleep naman ay muling ibinabalik at binubuhay ang mga proseso sa utak gamit ang protein synthesis. Mayroong kaugnayan ang teoryang ito sa bagong pag-aaral na ginawa ng Stanford School of Medicine (2015) na tumatalakay sa mga negatibong epekto sa kabataan ng pagpupuyat. Ilan sa negatibong epekto na nabanggit ay ang pagharap sa depresyon, pagkakaroon ng mababang grado at

pagkawala ng konsentrayon ng isang taong puyat. Binigyang pansin dito na habang dumadaan sa puberty ang isang bata ay nagbabago ang kanyang byolohikong ugali at mas pinipili nilang magpagabing matulog.

PIGURA 1

Ang pananaliksik na ito ay iikot lamang sa mga dahilan na nag- uudyok sa mga mag- aaral upang magpuyat at ang mga maaaring maging epekto nito sa kanilang pisikal, mental, at sikolohikal na katangian. Iba-iba ang mga maaaring dahilan ng mga mag-aaral sa pagpupuyat kaya naman hahatiin namin ang mga resulta sa dalawang bahagi, ang mabuti at ang masamang epekto, sapagkat nakadepende sa kanilang dahilan ang maaaring epekto ng pagpupuyat sa kanilang pagkatao.

F. Depinisyon ng mga Termino Mental ito ang nagaganap o nararanasan ng isip Mental ito ay nakaaapekto sa aspeto na pag-iisip ng isang tao na nagreresulta sa pagkawala ng pokus at hirap sa pagmemorya ng mga bagay. Pisikal ito ay ang panlabas na anyo na nahahawakan at nakikita Pisikal ito ay isang aspeto ng tao na naapektuhan kapag pagpupuyat at nagreresulta sa pangingitim ng ilalim ng mata at pagdami ng mga tigyawat. Sikolohikal ito ay ang agham ng pag-iisip at pag-uugali

Kabanata 2 Metodolohiya at Pamamaraan Nakapaloob sa kabanatang ito ang mga paraan na ginamit ng mga mananaliksik upang makahanap ng respondante at makakuha ng mga datos na kinailangan sa pagpapatibay ng pag- aaral.

A. Disenyo at Pamamaraan

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng kuwalitatibong pamamaraan sapagkat mas kinakailangang malaman dito ang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit sila nagpupuyat at kung ano ang epekto ng gawaing ito sa kanilang buhay kaysa sa mga numerong sumusukat lamang sa dalas ng pagpupuyat ng isang tao o dami ng taong nagpupuyat. Ito rin ay gumamit ng disenyong phenomenology dahil nakatuon ang pananaliksik na ito sa mga nadarama at nararanasan ng mga mag-aaral na kasalukuyang bihag ng pagpupuyat.

B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

Binuo ng limang respondante ang pag-aaral na ito. Isa ang nagmula sa ABM at HUMSS at tatlo naman ang kabilang sa STEM. Isinagawa ang pananaliksik na ito sa loob lamang ng Holy Spirit Academy of Malolos. Sa pamamagitan ng purposive sampling ay gumamit ang mga mananaliksik ng batayan sa pagpili ng mga respondante sapagkat hindi lahat ay mayroong kakayahang makapagbigay ng saloobin ukol sa napiling paksa. Tanging piling tao lamang ang maaaaring makapagbigay ng mga impormasyong kinailangan sa pananaliksik na ito kaya naman ang mga respondante ay dapat kabilang sa ikalabing-isang baitang at nakararanas din ng matinding pagpupuyat.

C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

Nakalikom ng datos ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng gabay na panayam na sinagot ng limang respondanteng napili. Nakapaloob sa panayam ang mga makabuluhang katanungang inihanda ng mga mananaliksik na inasahang makapagbibigay ng kasagutang tumatalakay sa saloobin at karanasan ng mga mag-aaral tuwing sila ay napupuyat. Ang kanilang sagot ay nagsilbing pundasyon ng mga solusyon sa mga suliranin ng pananaliksik na ito.

Ang pagtatala ng impormasyon ay ginawa gamit lamang ang papel at bolpen upang maisulat ang datos na kinailangan. Bukod dito, isang voice recorder din ang ginamit upang muling mabalikan ng mananaliksik ang pag-uusap. Ito ay nakatulong upang maiwasan ang maling pagkakaunawaan ng magkaibang panig.

D. Paraan sa Paglikom ng Datos

Nahati ang paglikom ng datos sa dalawang bahagi. Ang una ay ang pagkalap ng datos sa pamamagitan ng paggamit ng kaugnay na literatura. Ito ang paunang impormasyon na kinailangan ng mga mananaliksik na nakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ukol sa suliranin

Kabanata 3 Resulta at Diskusyon Nakasaad sa kabanatang ito ang mga naging resulta ng ginawang pag-aaral. Mababasa rito ang mga sagot ng mga respondante sa mga katanungan na inilahad ng mga mananaliksik sa nangyaring panayam. Kasama rin dito ang mga pagsusuring ginawa ng mga mananaliksik ukol sa mga sagot na nakalap.

Base sa mga tugon na nakalap, sa limang respondante na kabilang, lahat ay sumasang- ayon na mayroong positibo at negatibong epekto ang pagpupuyat sa tao. Ngunit, magkakaiba ang kanilang pananaw ukol sa kaugnayan ng pagpupuyat sa pisikal, mental at sikolohikal na katangian ng isang tao.

Tatlo ang nagsabi na nakaaapekto ang pagpupuyat sa kanilang pisikal na katangian habang dalawa naman ang taliwas dito. Apat naman ang sumang-ayon na nagpapahirap ang pagpupuyat sa kanilang mental na pag-iisip at isa ang hindi sumasang-ayon dito. Samantala, tatlong respondante naman ang naniniwalang napipinsala ang kanilang sikolohikal na pagkilos

tuwing nakararanas ng puyat at dalawa naman ang nagsabing walang pinagkaiba ang kanilang pagkilos kapag sila ay puyat o hindi.

Mayroong iba’t ibang temang pumaibabaw sa mga naging sagot ng mga respondante. Pumaibabaw ang mga dahilan ng pagpupuyat ng mga mag-aaral, positibo at negatibong epekto ng pagpupuyat, pinsala ng pagpupuyat sa pisikal, mental at sikolohikal na katangian ng tao at ang mga pananaw ng respondante ukol sa kanilang nakasanayang gawi ng pagpupuyat.

Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga nakalap na tugon ng mga mananaliksik:

Talahanayan 1

Mga Dahilan ng Pagpupuyat ng nga Mag-aaral sa Ikalabing-isang Baitang

Mga Temang Pumaibabaw Halimbawa Extra-corricular activities “Eh, simula nung ano nag-NSPC, everyday na.” Gawaing Pampaaralan “Hindi yun nga sa, pagkatapos ng NS, masyadong dumami yung pila ng mga ginagawang schoolworks kaya nagpupuyat na ako ngayon.” “Hmm... madalas kapag gagawa assignments ganon.” “’Yun.. ng.. ano rin meron ding diba, sabihin natining mga projects tapos yung mga assignments sama-sama lalo na ‘pag... may term na “hell week”. Kunwari malapit na

kaispan ng mga tao sa pagiging matagumpay sa kanilang mga resposibilidad. Ngunit, napatunayan din na marami ang nagbubulagbulagan at nagpapanggap na walang alam ukol sa mga maaaring maging masamang epekto ng pagpupuyat sa kanilang katawan dahil kahit maalam na sila rito ay nasasapawan ang kanilang desisyon ng kagustuhan nilang makagawa ng mga bagay na kanilang ninanais. Ang kanilang pagpupuyat ay hindi lamang dahil sa paggawa ng mga performance tasks at pagbabasa ng mga aralin, ito ay dahil din sa ginusto nilang gawin ang mga bagay na maaari namang ipagpabukas tulad na lamang ng panunuod ng pelikula, paglalaro ng video games at paggamit ng social media.

Talahanayan 2

Negatibong Pagbabago sa mga Katangian ng Tao

Mga Temang Pumaibabaw Halimbawa Pagpangit ng pisikal na itsura “sa panlabasa na anyo siguro yung eyebags” “Nagkaroon ako ng eyebags...” “Dati nagkatigyawat ako ng madami.” Kahirapan sa pag-intindi ng mga aralin “Ah minsan, kapag discussion nakakaantok.” “Ayon nga. Yung sinabi o nga parang lagi akong bangag sa ano tuwing class hours tapos parang di ako makapagconcentrate kapag may ano quiz or di kaya.” “eh yung negative kasi kinabukasan medyo wala sa sarili...”

“first two subjects walang-wala ako then saka lang magsi-sink in na.. okay, kailangan ko mag-aral pala this day, ganon.” Pagkakaroon ng kakaibang pakikitungo sa ibang tao

‘’pag nagpupuyat ako minsan naiinis ako kasi minsan.. nga, puyat na ‘ko tapos may gagawin ka pang kalokohan” ‘’di naman sa sabog pero mabilis mairita, mabilis ma-anoy sa tao, sensitive ganon’’ “syemmpre kapag antok ka hindi ka nakikipagsalamuha sa ibang tao”

Nakasaad sa ikalawang talahanayan ang mga nasabing pagbabago sa piskal, mental at sikolohikal na katangian ng mga mag-aaral. Tulad ng pag-aaral ng Sleep Aid Resources (2010) at ni Peri (2016), ang mga mag-aaral ay nakararanas ng pisikal na pagbabago tulad ng pag-itim at pamamaga ng ilalim ng mga mata o pagkakaroon ng eyebags. Dagdag pa rito, naranasan din nila ang pagkakaroon ng tigyawat. Napatunayan din na naapektuhan ng pagpupuyat ang kanilang kakayahang mag-isip. Kagaya ng nakapaloob sa pag-aaral ng Sleep Passport (2009) at ni Pietrangelo (2014), humihina ang kakayahan ng mga mag-aaral na gamitin ang kanilang utak sa tuwing nakakararanas sila ng puyat. Ito ay nagdulot din sa kanila ng pagpapamalas ng mahinang performans sa klase na nagresulta rin sa pagbaba ng kanilang marka tulad ng sinabi ni Kelly (2015). Nalaman rin ng mga mananaliksik na malaki ang pagbabago sa pakikisalamuha ng isang taong puyat sa mga taong nakapalgid sa kanya. Sa pag-aaral nina Davis (2016) at Epstein (2008), binaggit ang paksa ukol sa pagiging sensitibo at iritable ng mga taong puyat. Nalaman na mayroong katotohanan ang kaisipan na ito sapagkat tatlo sa mga respondante ang nagbahagi ng

ang naaggawa nito dahil na rin sa antok na maaring maranasan. Ngunit, hindi nakaaapekto ang puyat sa kalidad ng mga kaalamang nakapaloob sa utak ng isang tao. Hindi lubos na naging hadlang sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang puyat kahit pa man naaapektuhan nito ang pakikinig nila sa klase dahil ang oras ng kanilang pagpupuyat ay nilaan nila upang gawain ang mga bagay na sa tingin nila ay mas makapagpapabuti sa kanila bilang isang mag-aaral at bilang isang taong gustong magawa ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya. Sa huli, nalaman ng mga mananaliksik na nagpupuyat ang mga mag-aaral upang gumawa ng mga bagay na sa tingin nila ay mayroong kabuluhan.

Talahanayan 4

Sariling Pananaw sa Pagpupuyat

Mga Temang Pumaibabaw Halimbawa Natural na nakikisabay ng katawan sa nakasanayang gawi ng pagpupuyat

“Nung una nakaaapekto pero ‘pag nasanay na yung katawan mo, pwede naman magpuyat kasi para sa akin pag dating ko ng bahay matutulog ako tapos dun ako magpupuyat. Nasa tao na lang yun kung magpapaapekto siya sa pagpupuyat.” Malaking tulong ang Time Management upang makaiwas sa pagpupuyat

“pero kung siguro.. mali sa akin is time management. Hindi ko nagagawa ngayon yung mga gawain ko, pinagpupuyatan ko na lang. At sa palagay ko rin, hindi ito kailangang gawain ng mga katulad nating mag-aaral kasi wala talagang maitutulong kasi

tulad ko, based on experience, ano. naitiulong ang pagpupuyat” “dapat kasi hindi ka nagpupuyat kung mama- manage mo yung time mo habang gising ka” Mahalagang parte ng buhay “Para sakin importante talaga siya para sa buhay ng tao. Oo, importante na magkaron tayo ng sapat na tulog pero dahil sa pagbabago ng panahon ngayon, kasabay ng pagbabago pangteknolohiya at iba pa mas nadadagdagan din ang responsibilidad ng bawat tao. At naniniwala akong hindi posibleng magampanan ito ng isang tao ng hindi niya dinaranas ang pagpupuyat. Naniniwala din ako na ang pagpupuyat ay isang senyales na desidido ka sa iyong ginagawa kaya sobrang importante talaga nito.”

Ibinahagi ng mga respondante ang kanilang pananaw tungkol sa nakasanayan nilang gawi ng pagpupuyat. Binigyang diin dito ang kaisipan na ang pagpupuyat ay sa una lamang nakaaapekto sa mga katangiang ng isang tao sapagkat ang katawan ay nagkakaroon na ng kaalaman sa gawi ng isang indibidwal kaya naman nakakasanayan na nito ang kaugalian ng pagpupuyat at hindi na nakaapekto sa mga katangian ng tao sa paglipas ng mahabang panahon

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Epekto ng Pagpupuyat sa Piskal Mental at

Course: Purposive Communication (PURCOMM 4261)

62 Documents
Students shared 62 documents in this course
Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 38 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
1
Kabanata 1
Ang Suliranin at Sanligan Nito
A. Kaligiran ng Pag-aaral
Sa panahon ngayon, hindi na bago sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan ang
puspusang pagpupuyat. Ayon sa NHS Choices (2015), kinakailangan ng isang tao ng hindi
bababa sa walong oras ng pagtulog upang gumana nang maayos ang kanilang katawan. Ngunit
sa panahon ngayon ay kakaunti na lamang sa kanila ang nakakakompleto ng walo hanggang
siyam na oras ng pagtulog sapagkat marami ang mas pinipiling manatiling gising upang gumawa
ng mga bagay na kailangan nilang gawain kaysa kumpletuhin ang tamang oras ng pagtulog ng
isang tao.
Ayon kay Velasco (2015), ang kakulangan sa pagtulog ay tinuturing na isa sa mga
pangunahing dahilan kung bakit patuloy na sumasama ang estado ng kalusugan sa Pilipinas.
Binigyan niya ng diin ang katotohanang nakatatak na sa utak ng mga Pilipino na mas
makabubuti sa kanila ang hindi pagtulog upang matapos ang kanilang mga gawain kaysa
matulog at gumising nang wala pang nagagawa. Dahil sa pag-iisip na ito, maraming Pilipino
ngayon ang kumahaharap sa iba’t ibang sakit na nakaugat sa pagpupuyat.
Napansin ng mga mananaliksik na ang kaisipan na pag-aaksaya lamang ng oras ang
pagtulog ay patuloy na nananaig sa mundong ito. Dahil dito, minabuti ng mga mananaliksik na
magsagawa ng pag-aaral tungkol sa paksang ito upang matulungan ang mga taong nakararanas
ng pagpupuyat at upang hindi na lumala ang kahirapang maaaring idulot nito sa kanila.
Aalamin sa pag-aaral na ito ang katotoohanan sa likod ng pagpupuyat ng karamihan sa
mga mag-aaral ng ikalabing-isang baitang at susubukin din nito na mabigyan ng kasagutan ang
mga problemang nakapaloob dito.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.