- Information
- AI Chat
CO1.DLP-EPP 5 '21-'22 - A lesson plan
Education (CTP 104)
Laguna State Polytechnic University
Recommended for you
Preview text
Republic of the Philippines Department of Education Region IV – A CALABARZON DIVISION OF SAN PABLO CITY SAN JOAQUIN ELEMENTARY SCHOOL SY: 2021-
DAILY LESSON PLAN in EPP V
OBSERVATION NO. 1
I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa mga “gawaing pantahanan” at tungkulin at pangangalaga sa sarili. B. Pamantayan sa Pagaganap
nakapagsasaliksik gamit ang Internet, magasin, aklat, atbp upang malaman ang: 1.15 kasalukuyang kalakaran sa pamilihan ng mga kagamitan sa bahay (market demands/trends) 1.15 iba’t ibang uri at paraan ng paggawa ng mga kagamitang pambahay (soft furnishing) -nakagagawa ng plano para sa pagbuo ng mga kagamitang pambahay. C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)
1.18 nakalilikha ng isang malikhaing proyekto EPP5HE-0g-
II. NILALAMAN Pagsasaayos ng tahanan at paglikha ng mga kagamitang pambahay. KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian MELC & BOW EPP 5 and Curriculum Guide for Grade V-Home Economics 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro 2. Mga pahina sa Kagamitang Pang- Mag-aaral 3. Mga pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
PVOT 4A Learner’s Material
B. Iba pang Kagamitang Panturo
Powerpoint Presentation, Video Lesson
I. PAMAMARAAN A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
English Integration: (Sequencing) Gamit ang graphic organizer, pagsunod-sunurin ang mga wastong hakbang sa pamamalantsa na isinasaad sa bawat letra. Isulat ang letra sa loob ng bawat hugis sa graphic organizer ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito.
A. Maingat na plantsahin ang mga bahagi ng damit ayon sa pagkakasunod-sunod. Maaring maiba ito ayon sa yari ng damit at sa pangangailangan**. B.** Isampay nang maayos sa mga sabitan ang mga pinalantsa. Ang mga iba pang kasuotan at kagamitan ay maayos na tiklupin at itago nang ayon sa pangkat. C. Ihanda ang lahat ng kailangan. Plantsa, plantasahan o kabayo na may makapal at malambot na sapin, pangwisik, mga sabitan o hanger at malinis na basahan na pambasa. D. Subukin ang init ng plantsa sa isang basahan, hindi sa plantsahan at lalong hindi sa damit. Ang iba ay gumagamit ng dahon ng saging para dumulas ang plantsa. E. Ihanda ang paplantsahin. Bukod-bukod rin ito- blusa at polo, pantalon, palda, mga panloob, panyo. Hindi na ito kailangang wisikan o basaing sabay-sabay kung may pandilig ang plantsa. Kung wala naman, mainam na gamitin ang sprayer o pangwisik.
(Purihin ang mga bata sa kanilang pagsagot nang tama.)
Literacy: Hayaang basahin ng mga mag-aaral ang bawat letra bago magsagot.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Ipakilala ang isang mag-aaral na si Covida. Siya ay isang mapamaraan, masipag, malikhain at matiyagang bata. Nalalapit na ang kaarawan ng kaniyang nanay at tatay na mahilig at mahal na mahal ang pagluluto. Gusto niya itong regaluhan ng mga kagamitan na angkop sa hilig ng kaniyang mga magulang. Upang maipadama ang pagmamahal nito sa kanila ay nais niya na ang mga ito ay sariling-gawa. Kaya naman siya ay magpapatulong sa kaniyang mga kaibigan upang matapos ang mga ito bago ang selebrasyon.)
Sabihin: “Nais ni Covida na ilista ang mga magagandang regalo na ibibigay niya sa kaniyang mga magulang.”
(Ang mga mag-aaral ay sasagutin ang mga tanong ni Covida sa pamamagitan ng pagpili ng letra ng tamang sagot.)
- Covida: Mga kaibigan nais kong maging malinis at maayos ang kasuotan nila nanay at tatay kapag nagluluto, ano kaya ang magandang regalo upang maiwasan na marumihan ito habang nagluluto?
C. D.
- Covida: Paano naman kaya kapag nais nilang magtuyo ng kamay matapos maghugas? Ano kaya ang mgandang gawing regalo?
A. B.
C. D.
Covida: Ayan! Kumpleto na. Salamat sa inyo aking mga kaibigan. Halina at alamin na natin ang mga kakailanganin nating mga kagamitan at materyales. Pag-aralan na rin natin ang mga paraan at hakbang sa pagbuo ng mga ito. C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Itanong:
- Ano-ano ang mga kagamitan o bagay na nailista ninyo kasama ang kaibigan ninyong si Covid ana inyong ireregalo sa magulang niya? Ano ang tawag sa mga ito?
- Masasabi ba ninyo na angkop at ikatutuwa ng kanyang mga magulang ang inyong isasagawang regalo? Bakit oo, bakit hindi?
- Paano ninyo matutulungan si Covida na maisagawa ang mga regalong ito? Ano-ano ang mga pamamaraan na inyong maaaring gawin?
(Purihin ang mga bata sa kanilang pagsagot nang tama.)
Sabihin: Maraming paraan upang malaman at matutunan ang pagsasagawa ng mga kagamitang pambahay. Ilan na sa mga ito ay ang pagsasaliksik sa internet, mga magasin,
mga libro at iba pa. Kaya naman, upang matulungan si Covida ay tatalakayin natin ang iba’t ibang paraan at mga hakbang sa paggawa ng mga kagamitang pambahay maging ang pagbuo ng plano sa pagsasagawa nito.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #
Debate: “Nakatutulong ba ang internet sa mga kabataan?” (Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Ang isang grupo ang siyang tatayong proposisyon at ang isa naman ang magsisilbing oposisyon. Isagawa ang toss coin upang makapili ang mananalong grupo ng nais nilang panigan (proposisyon o oposisyion). Bibigyan ang bawat grupo ng pagkakataon na magpahayag ng tig-tatlo hanggang 5 beses na proposisyon o oposisyon.) Guro ang magsisilbing tagapamanihala at siyang hurado sa debate. Mga Dapat Tandaan sa Pagdedebate
- Sikaping magkaroon ng kaalaman sa paksang pagtatalunan. Magpangkat at magpalitang kuro ukol sa paraang gagawin ayon sa paksa.
- Umisip at gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsisiyasat at pagsusuri.
- Magbalangkas ng maayos na paglalahad o katuwiran.
- Talasan ang isipan.
- Iwasan ang pagiging personal.
- Sundin ang alituntunin ng kagandahang-asal at tanggapin nang maluwag ang anumang resulta ng debate. Sabihin: Maraming mga bagay na naitutulong ang internet at gayon din ang mga naidudulot nitong hindi maganda. Ngunit ang lahat ng ito, mabuti man o masama ay naaayon at depende sa kung paano ito gagamitin at pahahalagahan ng tao. Ito ay batay sa maayos na paggamit at maaari rin naman may ilan na umabuso. Kaya kung ito ay iuugnay sa ating aralin ay malaking tulong ito dahil dito natin malalaman ang mga sikat, napapanahon at mga kagamitang pambahay na nasa kasalukuyang kalakaran. Sa tulong nito ay malalaman natin kung ano ang mgagandang disenyo, paraan at hakbang upang maisagawa ang regalo na ating isasagawa bilang tulong sa kaibigan nating si Covida. E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #
I. Pagbuo ng Apron
Gumawa ng tupi sa gilid ng laylayan sa 1/2cm para sa unang tupi at itupi muli ng 1cm. Ingatan ang pagtutupi, lalong-lalo na sa mga kurbadang bahagi.
Ihilbana ang lupi at tahiin sa makina.
Tastasin ang hilbana.
Gumawa ng ilang pirasong tela para sa gagawing bias para sa kilikili ang piraso ng tela nang pahilisupang ang mga payon
Pagpatung-patungin ang mga natirang retaso.
Gumawa ng dalawang pardon para sa pang-ibabaw na hawakan.
Linyahan ang pardon ang inayos na retaso sa loob ng
pang-ibabaw na hawakan.
Ihilbana ang mga gilid.
Tahian ng mga overcasting ang mga gilid
Pagtapatin ng maayos, Ihilbana at tahiin sa makina
IV. Pagbuo ng Pamunas ng kamay
1 ng tela na 50cm X 50 cm ang laki
Itupi ng dalawang ulit ang paikot na gilid.
Ihilbana
Tahiin sa makina.
Numeracy & Math Integration: Sabihin: Kung mapapansin Ninyo ay may mga angkop na sukat
ang bawat proyekto ayon sa gagamit nito. Mahalaga ang
pagsusukat ng mga bagay na gagamitin upang maiangkop ang
tamang laki o liit ng gagawing proyekto tulad nalang ng ating
napag-aralan sa asignaturang Matematika.
Sabihin: Mga bata, ilan lamang ang mga ito sa mga kagamitang
pambahay. Bukod dito ay mayroon ding table runners, punda,
glass holder/cover, punda, table napkin at marami pang iba.
(Matapos talakayin ang iba’t ibang paraan ng paggwa ng mga
kagamitang pambahay, talakayin naman ang pagbuo ng Project
Plan o Plano ng Proyekto.)
I. PANGALAN NG PROYEKTO (Isulat kung ano ang napiling proyekto o kagamitang pambahay)
II. LAYUNIN (Bakit ito ang napili mong proyekto? Ano ang iyong dahilan?)
III. DISENYO (Iguhit at kulayan ang napili mong proyekto maging ang mga disenyo na ilalagay mo rito.)
IV. MATERYALES AT KASANGKAPAN NA GAGAMITIN (Isa-isahing isulat ang mga kinakailangang kagamitan at materyales sa pagsasagawa ng napili mong proyekto. Hindi kinakailangan na lagging bumili ng bago. Mahalaga na magrecycle ng mga bagay na maaari pang mapakinabangan.)
V. HAKBANG SA PAGBUO NG PROYEKO (Isulat ang bawat pagkakasunod-sunod ng mga hakbang)
Science Integration:
Mahalaga at malaki ang tulong ng pagre-recycle ng mga bagay lalong lalo na sa ating kalikasan.
F. Paglinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment)
Iguhit ang masayang mukha kung ang isinasaad ng salitang may salungguhit ay tama. Isulat naman ang tamang sagot sa patlang kung ito ay mali.
______1. Maging pabaya sa pananahi upang maiwasan ang aksidente. ______2. Gumawa ng isang plano bago simulan ang isang proyekto. ______3. Isang paraan ng pagpapahalaga ng oras ang pag gamit ng padron sa pananahi. ______4. Dapat pag-aralan ang wastong pagkuha ng sukat. ______5. Siguraduhing sira ang kundisyon ng makina bago manahi.
(Purihin ang mga bata sa kanilang pagsagot nang tama.)
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Panuto: Ipakita ang pagpapahalaga at paraan kung paano mo maisasabuhay ang iyong mga natutunan tungkol sa mga napag-aralan nating kagamitang pambahay. Pumili ng isa sa mga sumusunod na aktibidad ayon sa iyong nais, talento o kakayahan. Isagawa ito ayon sa temang “kahalagahan ng paggawa at paggamit ng mga kagamitang pambahay sa ating pamumuhay.” (5 minuto)
- Journal/Diary Entry (Interpersonal)
- Balita/tula/impromptu (Linguistic)
- Graph with analysis tungkol sa pinaka-karaniwan o madalas na ginagamit na kagamitang pambahay. (Logical/Mathematical)
- Essay /Sanaysay tungkol sa kahalagahan sa kapaligiran (Naturalist)
- Malikhaing slogan (spatial)
- Kanta/awitin sa tonong “Ako ay may Lobo” (Musical Rhythmic)
- Interview sa mga kasamahan sa tahanan (Interpersonal)
- Pag-arte/Sayaw (Bodily Kinesthetic)
H. Paglalahat ng Aralin Ano-ano ang iba’t ibang mga kagamitang pambahay na maaari mong gawin batay sa ating talakayan?
Ano ang iyong ginamit upang makabuo ng isang plano sa pagsasagawa ng kagamitang pambahay na iyong napili?
Ano-ano ang mga bahagi ng isang Project Plan o Plano ng Proyekto?
tutulong sa inyo. J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
Panuto: Batay sa mga tinalakay tungkol sa mga kagamitang pambahay, isagawa at sagutan ang mga sumusunod na pagsasanay na may kaugnayan sa iba’t ibang asignatura.
I Integration: Sumulat ng isang liham na nagbibigay ng mungkahi tungkol sa kahalagahan ng paggawa at paggamit ng mga kagamitang pambahay. II. ESP Integration: Batay sa iyong napiling isasagawang kagamitang pambahay, paano ito nakakatulong sa mga batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan? III. English Integration: Magbigay ng tig-dalawang opinion (opinion) at katotohanan (fact) tungkol sa tinalakay sa mga kagamitang pambahay. IV. Math Integration: Tandaan at isulat ang oras kung kailan ka nagsimula sa paggawa ng iyong kagamitang pambahay gamit ang pormat na 12-hour time. I-covert ito sa 24-hour time. Samantalang isulat mo naman ang oras na ikaw ay natapos sa pormat na 24-hour time at i-convert mo naman ito sa 12-hour time. V. EPP: Magsaliksik ng iba pang kagamitang pambahay na wala sa ating pinag-aralan ngayong araw. V. MGA TALA VI. PAGNINILAY A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag- aaral na nakaunawa sa aralin D. Bilang ng mga mag- aaral na magpapatuloy sa remediation E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
Prepared by:
SAIRA T. AGENCIA Teacher II
Observed by:
VINIA R. LAGOS Master Teacher I
CO1.DLP-EPP 5 '21-'22 - A lesson plan
Course: Education (CTP 104)
University: Laguna State Polytechnic University
- Discover more from: