Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

MGA Gawaing Pangkomunikasyon NG Pilipino

Hitik umano sa pahiwatig at ligoy ang pakikipag-usap ng mga Filipino,...
Course

Komunikasyon sa Akademikong Filipino (FIL 1)

107 Documents
Students shared 107 documents in this course
Academic year: 2020/2021
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Lyceum of the Philippines University

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG PILIPINO

Hitik umano sa pahiwatig at ligoy ang pakikipag-usap ng mga Filipino, dahil nagmumula sila sa kulturang may mataas na uri ng pagbabahaginan ng kahulugan, kompara sa mga taga-Kanluran na itinuturing na may mababang konteksto ng kulturang mababa rin ang antas ng pagbabahaginan ng kahulugan. Melba Padilla Maggay (2002) Ano ang paraan ng komunikasyon ng mga Pilipino?

Dinagdag ni Maggay na mahilig umano ang mga Filipino sa malapitang pag-uugnayan, na humihipo at dumadama sa mga tao at bagay- bagay. Kung pagbabatayan naman ang tahas at magagaspang na banat ng mga komentarista sa radyo, diyaryo, at telebisyon sa ilang personalidad o politiko, ang gayong paraan ng komunikasyon ay maaaring pagbubukod mismo ng mga taong nanunuligsa sa mga taong tinutuligsa.

o Ang komunikasyon ang nagbibigay ng buhay at nagpapadaloy sa ugnayan ng mga tao habang hinuhulma nila ang kanilang lipunan at habang hinuhulma rin sila nito (Salazar, 1996) o Kailangan din ng mga tao ang wika bilang behikulo ng komunikasyon para sa panlipunang pagkakaintindihan at pagkilos. (Constantino & Atienza, 1996) o Ang wika ang daluyan tagapagpahayag ay impokan-kuhanan ng isang kultura na umiiral at nagkakahugis sa proseso ng komunikasyon ng mga taong patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa isa’t- isa. (Salazar, 1996) o Ang kulturang panloob ay hindi madaling maunawaan nga mga bagong salta (dating) sa Pilipinas kahit pa an gating kulturang panlabas ay madali nilang masakyan, lalo na sa unang tingin. (Maggay, 2002) o Nasa kulturang Pilipino rin ang kahiligan nating mga Pilipino sa pakikisalamuha at pagiging bukas natin sa pagbuo ng mga relasyon sa kapuwa (Pertierra, 2010) o Sa pag-iral ng komunikasyon, nililikha ang kulturang tumatagos sa lahat ng aspeto ng isang lipunan, politika, ekonomiya at iba pa. o Ang ating kulturang panloob ay may pantayong pananaw at nagtataglay ng mga kagawian sa pagpapahayag na di tuwiran, paligoy-ligoy o puspos ng pahiwatig.

MGA IBA’T IBANG GAWAING PANGKOMUNIKASYONG PILIPINO

  1. TSISMISAN

  2. UMPUKAN

  3. PAGBABAHAY-BAHAY

  4. TALAKAYAN

  5. PULONG-BAYAN

  6. TSISMISAN

o Ito ay isang gawing pangkomunikasyon na karaniwang walang- saysay na usapan tungkol sa buhay ng ibang tao; walang batayang usap-usapan.

o Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na “chismes.” Karaniwan, kapag sinabing tsismis ay mga kuwento o pangyayari na maaaring totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi ng kuwento o pangyayari ay maaaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito ay maging usap-usapan hanggang tuluyan nang magkaroon ng iba’t ibang bersyon. o Ang tsismisan ay isang pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak. Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang magkakakilala o magkapalagayang loob. Subalit ang tsismis na siyang laman ng tsismisan ay nanggaling din minsan sa hindi kakilala lalo na kung ito ay naulinigan lamang sa nagtsitsismisan. o Ang tsismis ay maaring totoo, bahagyang totoo, binaliktad na katotohanan, dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling

interpretasyon sa nakita o narinig, pawang haka-haka sadyang di- totoo o naimbentong kwento. o Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan, kamalian, at kasalanan. Ang madalas na pinaguusapan na tsismis sa komunidad ay mga sensitibong bagay tulad ng sex, paagbubuntis ng mga hindi kasal o ‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal, at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t-ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya naman ay pag- aaral.

PINANGGALINGAN O PINAGMULAN NG TSISMIS

  1. Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsinitsismis.
  2. Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang- puri sa kapwa
  3. Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa madla.

Ang mali sa pagiging tsimosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit, na maaaring nagmumula sa kakitiran ng isip natin. Ang pangtsitsismis ay naging pasimpleng paraan na upang makapanakit sa kapwa at mga kaaway.

Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang mahilig makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa mga sikreto at baho ng iba.

Mahalaga ba ang tsismisan?

  • Tinutulungan tayo nito sa pamamagitan ng pagpapaalam sa atin ng matututunan ang mahahalagang impormasyon nang hindi na kailangang makipag-usap sa bawat miyembro ng grupo.

  • Ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila naroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang tsismis upang malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng pag- uugali sa mga grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa bawat isa.

Tsismis vs Katotohanan

Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa sa katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na naririnig nila, marami pa rin ang naniniwala sa mga ‘alternative facts’. Kakaonti lamang ang mga tao na nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag-uusapan, at mas kakaonti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyon na kanilang nasasagap.

Hindi na nakagugulat na ang madalas na paggamit ng social media ay nagdulot ng malawakang pagkalat ng mga pekeng balita at tsismis sa bansa. Ang mga Pinoy ay mabilis maniwala sa mga nababasa nila online, at pinagbabasehan laman ang mga likes at shares para sa kredibilidad. Bihira lamang ang mga taong inaalam ang katotohanan.

Legal na aksyon

Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring makasama kung sumobra. Maaari itong makasira ng reputasyon ng isang tao at lubhang makaapekto sa kalagayan ng pinag-uusapan. Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahahamak ng dignidad ay itinuturing na paninirang- puri, at may mga legal na aksyon na maaaring gawin upang labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng kasong libel o slander.

Kumonekta sa iyong tagapakinig. Ang mabisang tsismis ay hindi lamang tungkol sa iyong sinasabi, o tungkol sa kanino. Ito ay tungkol sa kung paano mo ito sinasabi. Siyempre, maaari mong gawing malinaw ang mga benepisyo ng tsismis sa iyong tagapakinig sa pamamagitan ng malinaw na pagpapaliwanag kung bakit mo ibinahagi ang impormasyon. Ngunit ang pagbabahagi ng partikular na emosyonal na mga reaksyon sa impormasyon ay maaaring makatulong sa iyo na kumonekta sa iyong tagapakinig at maiwasan ang mga negatibong reaksiyon.

Ang pagbabahagi ng nararamdaman mo ay maaaring hikayatin ang tagapakinig na magreresulta nang higit pa sa iyong pag-uugali sa pag- uuri.

  1. UMPUKAN

o Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan. o Ang umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang mga kakilala para makausap ng magkakaharap. Ito ay hindi planado o nagaganap na lamang sa bugso ng pagkakataon. o Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay mga kusang lumalapit para makiumpok, mga di sadyang nagkakalapit lapit o mga niyayang lumapit. Sa pagkakataong hindi kakilala ang lumalapit siya ay masasabihang isang usisero. o Ang paksa sa usapan sa umpukan ay hindi rin planado o pinag iisipang mabuti– maaring tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad, pagkakaparehong interes ng mga nag-uumpukan o mga bagong mukha at pangyayari sa paligid. Dito makikita natin ang mga tao ay may kanya- kanyang katwiran batay sakanilang mga opinyon.

SAAN MADALAS NAGAGANAP ANG UMPUKAN?

o PAARALAN o OPISINA o KORTE SUPREMA o TAMBAYAN SA KANTO o TABING DAAN

ANYO NG UMPUKAN

  1. SALAMYAAN- isang uri ng umpukan sa Marikina kung saan tampok ang kainan, kantahan, paglalaro ng bingo kasama na din ang tsismisan, talakayan, balitaktakan,biruan at iba pa na nagaganap sa silungan o tambayan.

  2. UB-UFON- mula sa Barlig Mountain Province. Ito ay itinakdang pagsasama sama ng magkababayan para magpakilala, mag-usap hinggil sa iba’t-ibang isyu, magbigayan ng payo, magresolba ng mga alitan, magturo ng tugtukon (custom and tradition) sa mga nakababata, mag-imbita sa mga okasyon at magtulungan sa mga problema kagaya ng pinansyal na pangangailangan.

3. PAGBABAHAY- BAHAY

o Ito ay isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang lugar at tirahan upang magsiyasat ng ma bagay-bagay na maaring makakuha ng impormasyon. o Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o isang grupo sa isang bahay sa isang pamayanan para maghatid o kumuha ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya, komunsulta sa mga miyembro ng pamilya, hinggil sa isyu o programa, mangumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o samahan o maghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya. Mainam din itong pamamaraan upang pag-usapan ang mga sensitibong isyu sa isang pamayanan.

o Ang pagbabahay-bahay ay hindi nalalayo sa kaugalian na pangangapitbahay na matagal nang ginagawa ng mga Pilipino lalo na sa mga lugar na rural.

Iba`t ibang layon ng pagbabahay-bahay

  1. Mga politiko para mangampanya tuwing eleksyon.
  2. Mga nahalal na kinatawan o lider nila mula sa local na pamahalaan
  3. Mga kinatawan ng ahensya ng gobyerno para magbahagi ng mga kaalaman sa bagong teknolohiya pangkabuhayan o pangkalusugan, manghimok sa mga tao na makiisa sa proyekto ng local na pamahalaan o magtasa sa kinalbasan ng mga proyekto.
  4. Mga organisadong grupo sa loob at labas ng pamayanan para mag- organisa ng mga grupong pansibiko, maghimok sa mga tao na lumahok sa mga proyektong pangkaunlaran, magsulong ng iba’t- ibang isyung panlipunan at makatulong sa mga tao na maunawaan ang mahihirap o mapanghamong sitwasyon na kinalalagyan nila.
  5. Mga grupong pangrelihiyon na nagsasagawa ng mga ketesismo o nangangaral ng salita ng Diyos
  6. Mga pribadong institusyon para magsulong ng mga proyektong bahagi ang kanilang corporate social responsibility at mag-alok ng mga produkto.
  7. Mga mananaliksik na nagpapasagot ng mga talatanungan, nakikipag- ugnayan o nakikipagkwentuhan.

4. TALAKAYAN

 Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na nagkakaroon nang tukoy na paksa. Ito ay maaring pormal o impormal at pwedeng harapan o mediated o gumagamit ng anumang midya.

 Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran.

 Ang karaniwang layon ng talakayan ay pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap ng isang tao, isang grupo, buong pamayanan o buong bansa para makahalaw ng aral, magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan, maresolba ang isa o nakakawing na problema at makagawa o makapagmungkahi ng desisyon o aksyon

Uri ng Pagtatalakayan

  1. Impormal na Talakayan - Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru- kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung katao.

  2. Pormal na Talakayan - Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong mamamahala at mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga sa kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay ng kuru-kuro.

Mga Uri ng Pormal na Talakayan

  1. Panel Discussion - Binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang pinuno na umuupo sa harapan ng mga tagapakinig.

  2. Simposyum - kahawig ng panel discussion pero it ay meroong tiyak na paksang tatalakayin ng bawat kasapi sa panel.

  3. Lecture-Forum o Panayam - ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng mahalagang suliranin.

  4. Katahimikan/Hindi Pag-imik - Ang pagtahimik o hindi pag- imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di pag- imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita. May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang kalooban ng iba. Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang tao.

  5. Kasuotan - Burloloy sa katawan at iba pang simbolismo gaya ng kulay ang mga ito ay nagsisimbulo din ng pangkomunikasyong di-

berbal. Halimbawa na lang sa isang burol na pag nagsuot ka ng itim o puti ay nangangahulugang ikaw ay nakikiramay sa pamilya o hindi kaya sa kasal pag ikaw ay naka pula or itim sa iyong pagdalo nangagnahulugang ikaw ay hindi masaya or may hinanakit sa ikakasal

MGA EKSPRESYONG LOKAL

 Ito ay tumutukoy sa ordinaryong likas na wika, na naiiba mula sa mga espesyal na anyo na ginamit sa lohika o iba pang mga lugar ng pilosopiya.

 Ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o parirala nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak.

 Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag- usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe.

 May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapaalam sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

 Sa talastasang Pilipino, ang mga local na ekspresyon ang nagpapaigting at nagbibigay kulay sa mga kwento ng buhay at sumasalamin sa kamalayan at damdamin ng mga Pilipino.

Halimbawa:

Manigas ka! Bahala na si Batman. (Bahala

na.)

Malay mo. Sayang. (Sayang naman.)

Hay naku. Susmaryosep!

Anak ng! Hugot

busilak ang puso bumangga sa pader butas ang bulsa basa ang papel

isang kahig, isang tuka lumuha man ng bato

Reference:

scribd/presentation/428824953/Mga-Gawaing- Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved

slideshare/JosephCemena/mga-gawaing- pangkomunikasyon-ng-mga-pilipino

scribd/presentation/431761018/Chapter-3-Mga- Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

MGA Gawaing Pangkomunikasyon NG Pilipino

Course: Komunikasyon sa Akademikong Filipino (FIL 1)

107 Documents
Students shared 107 documents in this course
Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 4 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG PILIPINO
Hitik umano sa pahiwatig at ligoy ang pakikipag-usap ng mga Filipino,
dahil nagmumula sila sa kulturang may mataas na uri ng
pagbabahaginan ng kahulugan, kompara sa mga taga-Kanluran na
itinuturing na may mababang konteksto ng kulturang mababa rin ang
antas ng pagbabahaginan ng kahulugan. Melba Padilla Maggay (2002)
Ano ang paraan ng komunikasyon ng mga Pilipino?
Dinagdag ni Maggay na mahilig umano ang mga Filipino sa malapitang
pag-uugnayan, na humihipo at dumadama sa mga tao at bagay-
bagay. Kung pagbabatayan naman ang tahas at magagaspang na
banat ng mga komentarista sa radyo, diyaryo, at telebisyon sa ilang
personalidad o politiko, ang gayong paraan ng komunikasyon ay
maaaring pagbubukod mismo ng mga taong nanunuligsa sa mga
taong tinutuligsa.
oAng komunikasyon ang nagbibigay ng buhay at nagpapadaloy
sa ugnayan ng mga tao habang hinuhulma nila ang kanilang
lipunan at habang hinuhulma rin sila nito (Salazar, 1996)
oKailangan din ng mga tao ang wika bilang behikulo ng
komunikasyon para sa panlipunang pagkakaintindihan at
pagkilos. (Constantino & Atienza, 1996)
oAng wika ang daluyan tagapagpahayag ay impokan-kuhanan ng
isang kultura na umiiral at nagkakahugis sa proseso ng
komunikasyon ng mga taong patuloy ang pakikipag-ugnayan at
pakikisalamuha sa isa’t- isa. (Salazar, 1996)
oAng kulturang panloob ay hindi madaling maunawaan nga mga
bagong salta (dating) sa Pilipinas kahit pa an gating kulturang
panlabas ay madali nilang masakyan, lalo na sa unang tingin.
(Maggay, 2002)
oNasa kulturang Pilipino rin ang kahiligan nating mga Pilipino sa
pakikisalamuha at pagiging bukas natin sa pagbuo ng mga
relasyon sa kapuwa (Pertierra, 2010)
oSa pag-iral ng komunikasyon, nililikha ang kulturang tumatagos
sa lahat ng aspeto ng isang lipunan, politika, ekonomiya at iba
pa.
oAng ating kulturang panloob ay may pantayong pananaw at
nagtataglay ng mga kagawian sa pagpapahayag na di tuwiran,
paligoy-ligoy o puspos ng pahiwatig.
MGA IBA’T IBANG GAWAING PANGKOMUNIKASYONG PILIPINO
1. TSISMISAN
2. UMPUKAN
3. PAGBABAHAY-BAHAY
4. TALAKAYAN
5. PULONG-BAYAN
1. TSISMISAN
oIto ay isang gawing pangkomunikasyon na karaniwang walang-
saysay na usapan tungkol sa buhay ng ibang tao; walang
batayang usap-usapan.
oAng salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na “chismes.”
Karaniwan, kapag sinabing tsismis ay mga kuwento o
pangyayari na maaaring totoo at may basehan ngunit ang mga
bahagi ng kuwento o pangyayari ay maaaring sadyang
binawasan o dinagdagan upang ito ay maging usap-usapan
hanggang tuluyan nang magkaroon ng iba’t ibang bersyon.
oAng tsismisan ay isang pagbabahaginan ng impormasyong ang
katotohanan ay di-tiyak. Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan
ng dalawa o higit pang magkakakilala o magkapalagayang loob.
Subalit ang tsismis na siyang laman ng tsismisan ay nanggaling
din minsan sa hindi kakilala lalo na kung ito ay naulinigan
lamang sa nagtsitsismisan.
oAng tsismis ay maaring totoo, bahagyang totoo, binaliktad na
katotohanan, dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling
interpretasyon sa nakita o narinig, pawang haka-haka sadyang
di- totoo o naimbentong kwento.
oAng mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at
makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman ay
husgahan ang kanilang katauhan, kamalian, at kasalanan. Ang
madalas na pinaguusapan na tsismis sa komunidad ay mga
sensitibong bagay tulad ng sex, paagbubuntis ng mga hindi
kasal o ‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal, at pambababae,
ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t-ibang bagay tulad ng
estado sa buhay o kaya naman ay pag- aaral.
PINANGGALINGAN O PINAGMULAN NG TSISMIS
1. Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig
sa itsinitsismis.
2. Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-
puri sa kapwa
3. Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa
isang grupo o sa madla.
Ang mali sa pagiging tsimosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis
hango sa inggit, na maaaring nagmumula sa kakitiran ng isip natin.
Ang pangtsitsismis ay naging pasimpleng paraan na upang
makapanakit sa kapwa at mga kaaway.
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami
rin ang mahilig makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na
maintriga ang mga tao sa mga sikreto at baho ng iba.
Mahalaga ba ang tsismisan?
Tinutulungan tayo nito sa pamamagitan ng pagpapaalam sa atin ng
matututunan ang mahahalagang impormasyon nang hindi na
kailangang makipag-usap sa bawat miyembro ng grupo.
• Ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang
tao kapag hindi sila naroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang
tsismis upang malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng pag-
uugali sa mga grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa bawat
isa.
Tsismis vs Katotohanan
Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga
tsismis kaysa sa katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na
hindi naniniwala sa mga tsismis na naririnig nila, marami pa rin ang
naniniwala sa mga ‘alternative facts’. Kakaonti lamang ang mga tao na
nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag-uusapan, at mas
kakaonti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan kung tama ang
impormasyon na kanilang nasasagap.
Hindi na nakagugulat na ang madalas na paggamit ng social media ay
nagdulot ng malawakang pagkalat ng mga pekeng balita at tsismis
sa bansa. Ang mga Pinoy ay mabilis maniwala sa mga nababasa nila
online, at pinagbabasehan laman ang mga likes at shares para sa
kredibilidad. Bihira lamang ang mga taong inaalam ang katotohanan.
Legal na aksyon
Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring
makasama kung sumobra. Maaari itong makasira ng reputasyon ng
isang tao at lubhang makaapekto sa kalagayan ng pinag-uusapan. Ang
mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahahamak ng
dignidad ay itinuturing na paninirang- puri, at may mga legal na aksyon
na maaaring gawin upang labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng
pagsampa ng kasong libel o slander.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.