Skip to document

ESP-CG - This is a module for ESP, hope it helps

This is a module for ESP, hope it helps
Course

Bachelor of Secondary Education (BSED)

999+ Documents
Students shared 2392 documents in this course
Academic year: 2023/2024
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Mindanao State University

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

DepEd Complex, Meralco Avenue

Lungsod ng Pasig

May 2016

K to12 Gabay Pangkurikulum

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO

Baitang 1 – 10

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum May 2016 Pahina 2 of 153

ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ang tunguhin o ”outcome” ng pag-aaral sa batayang edukasyon ay ang panlahatang pag–unlad taglay ang mga kasanayan sa ika–dalawampu’t isang siglo.

Taglay ito ng isang mag-aaral kung mayroon siyang mga kakayahang pangkaalaman, pandamdamin at pangkaasalan na magbibigay sa kanya ng kakayahan

upang: 1. mamuhay at magtrabaho 2. malinang ang kanyang mga potensiyal 3. magpasiya nang mapanuri at batay sa impormasyon 4. makakilos nang epektibo sa lipunan at pamayanan sa konteksto ng sandaigdigan upang mapabuti ang uri ng kanyang pamumuhay at ng kanyang lipunan (Literacy Coordinating Council, Setyembre 1997).

Ibinatay ang kahulugan at ang limang palatandaan nito sa Apat na Batayan (Pillar) ng Edukasyon at sa konsepto ng UNESCO tungkol sa mga panghabambuhay

na kakayahan (life skills) na binuo ng International Commission on Education para sa ika-21 siglo. Ang sumusunod ang limang palatandaan nito: (a) may kakayahang makipagtalastasan, (b) nag-iisip nang mapanuri at may kakayahang lumutas ng suliranin, (c) ginagamit ang mga likas na yaman nang

mapanagutan para sa susunod na salinlahi at (d) produktibo, napauunlad ang sarili at ang pakikipagkapwa, at (e) may malawak na pananaw sa daigdig.

Sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), ang palatandaan o batayang kakayahan ng functional literacy ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa

kabutihang panlahat. Ibig sabihin, nilalayon ng EsP na linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng mag-aaral. Ang EsP ay naglalayong gabayan ang mag-

aaral na mahanap / matagpuan ang kabuluhan ng kanyang buhay, ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi siya sa pagtatayo ng pamayanang

pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan at pagmamahal. Upang maipamalas ito, kailangang taglay niya ang limang pangunahing kakayahan (macro

skills)*: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasiya at pagkilos.

  1. Pag-unawa. Mahalagang maipamalas niya ang kakayahang mahinuha ang mga konsepto at prinsipyong nagbibigay-paLiwanag sa sariling karanasan, mga sitwasyong namasid, sinuri at pinagnilayan gamit ang obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.

  2. Pagninilay. Sa gitna ng mabilis na daloy ng impormasyon at ingay ng kapaligiran, kailangang mag-ukol ng panahon ang mag-aaral sa maingat at malalim na pag-iisip sa mga sitwasyong naobserbahan at mga konseptong natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay.

  3. Pagsangguni. Kailangang humingi siya ng payo o gabay sa mga taong may higit na kaalaman o kasanayan sa moral na pamumuhay at marunong magsala (weigh) ng mga impormasyong mula sa iba’t ibang uri ng media batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.

  4. Pagpapasiya. Kailangang matuto siyang bumuo ng sariling posisyon, paniniwala, paninindigan o kilos na isasagawa batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum May 2016 Pahina 4 of 153

Naipamamalas ito sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagbibigay ng tuon sa mag-aaral. Nagkakaroon siya ng mga bagong pagkatuto gamit ang mga tanong ng guro at ng kanyang malikhaing paraan.

Nailalapat ang mga pagkatutong ito sa paggawa ng mga pasiya tulad ng kukuning kurso o propesyon. Ayon sa Teorya ng Career Development nina Ginzberg,

et. al. at Super, dumadaan sa iba’t ibang yugto ang pagpapasya ng bata ukol sa kurso o propesyon batay sa kanyang pagtingin sa sarili (self-concept), saloobin

(attitude) at mga pagpapahalaga. Tinatanggap o tinatanggihan niya ang isang kurso o trabaho batay sa obserbasyon niya (halimbawa, mga kilos ng kanyang

magulang ayon sa propesyon nito) at sa tinuturing niyang mahalaga (halimbawa, malaking sweldo o paglilingkod sa lipunan).

Mga Disiplina ng Edukasyon sa Pagpapakatao

Ang nilalaman at istraktura ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay nakaankla sa dalawang disiplina: Ethics at Career Guidance. Ang Etika ay ang siyensya ng

moralidad ng kilos ng tao. Samantalang Career Guidance naman ang paggabay sa mag-aaral na magpasiya ng kursong akademiko, sining at isports o teknikal-

bokasyonal na tugma sa kanyang mga talento, kakayahan at aptitude at mga trabahong kailangan ng industriya.

Mga Dulog sa Pagtuturo

Ang mga pangunahing dulog na gagamitin sa pagtuturo ng mga konsepto ay ang pagpapasyang etikal ( ethical decision making) sa pamamagitan ng pagsusuri

ng suliranin o isyu), ang Panlipunan–Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning), at pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal.

Ang paggawa ng pagpapasyang etikal o moral ay ang pagbuo ng pasiya na may preperensya sa kabutihan at magpapatingkad o maglilinang ng pagkatao ng

tao. Proseso ito na kinapapalooban ng (a) pag-alam sa mga detalye ng sitwasyon at (b) maingat na pagsasaalang-alang ng mga moral na pagpapahalaga na

mahalaga sa isang sitwasyon. Mahalaga rin dito ang pagiging sensitibo sa mga aspetong moral ng mga sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay at ang

kamalayan sa mga tao o pangkat na maaapektuhan ng pasiya.

Ang Panlipunan–Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning) ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ng

sarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng mapanagutang pasiya, pakikipag-ugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga mapanghamong

sitwasyon. Paraan ito ng paglinang ng mga kakayahan ng mag-aaral upang magtagumpay sa mga gawain sa buhay. Nahahati sa limang uri ang mga

kakayahang ito: Kamalayang Pansarili, Pamamahala ng Sarili, Kamalayang Panlipunan, Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan at Mapanagutang Pagpapasiya.

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum May 2016 Pahina 5 of 153

Figure 1. Ang Batayang Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao

Pilosopiya ng Personalismo

ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Grade Level Standards (Pamantayan sa Bawat Baitang/Antas)

BAITANG PAMANTAYAN
K

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkakaroon ng kamalayan sa paggalang at pagmamahal sa sarili, kapwa at Diyos bilang gabay tungo sa maayos at masayang tahanan.

1

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga paraan ng paggalang sa sarili, kapwa, bansa at Diyos bilang gabay tungo sa maayos at masayang tahanan at paaralan.

2

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapakikita ng mga kilos na nagpapahalaga sa sarili, kapwa, bansa, Diyos at sa Kanyang mga nilikha bilang patnubay sa maayos at masayang paaralan at pamayanan.

3

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gawain na nagpapakita ng pagpapahalaga tungo sa maayos at masayang pamumuhay na may mapanagutang pagkilos at pagpapasiya para sa sarili, kapwa, pamayanan, bansa at Diyos.

4

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga makabuluhang gawain na may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, maayos, masaya at mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapwa, bansa at Diyos.

5

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa masusing pagsusuri sa pagpapahayag, pagganap ng tungkulin na may pananagutan at pagsasabuhay ng mga ito tungo sa masaya, mapayapa at maunlad na pamumuhay para sa sarili/ mag-anak, kapwa/ pamayanan, bansa/ daigdig at Diyos.

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 8 ng 153 Learning Materials are uploaded at lrmds.deped.gov/. *These materials are in textooks that have ben delivered to schools.

BAITANG PAMANTAYAN
6

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gawain na tumutulong sa pag-angat ng sariling dignidad, pagmamahal sa kapwa na may mapanagutang pagkilos at pagpapasiya tungo sa maayos, mapayapa at maunlad na pamumuhay para sa kabutihang panlahat.

7

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata, kakayahan at talento, hilig at pagkatao ng tao tungo sa pagtupad ng mga tungkulin sa sarili, sa kapwa, sa bansa/ daigdig at sa Diyos at pagtatakda ng mithiin upang mapanagutan ang kahihinatnan ng mga pasya at kilos.

8

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa layunin at kahalagahan ng pamilya at pakikipagkapwa upang maging mapanagutan sa pakikipag-ugnayan sa iba tungo sa makabuluhang buhay sa lipunan.

9 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kanya at sa lipunan.

10

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagkatao ng tao, makataong kilos, pagpapahalagang moral at mga isyung moral at nagpapasya at kumikilos nang may preperensya sa kabutihan upang maging matatag sa gitna ng mga isyung moral at impluwensya ng kapaligiran.

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 10 ng 153 Learning Materials are uploaded at lrmds.deped.gov/. *These materials are in textooks that have ben delivered to schools.

BATAYANG
PAGPAPAHALAGA/
MGA KAUGNAY NA
PAGPAPAHALAGA
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN

(Content Standard)

PAMANTAYAN
SA PAGGANAP

(Performance Standard)

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

( Learning Competencies)

CODE
LEARNING
MATERIALS
  1. Pagiging responsable sa pangangalaga sa sarili

  2. Kalinisan at Kalusugan (Cleanliness/ Wellness)

Naisabubuhay nang may wastong pag-uugali ang iba’t ibang paraan ng pangangalaga sa sarili at kalusugan upang mapaunlad ang anumang kakayahan.

  1. Nakapaglalarawan ng iba’t ibang gawain na maaaring makasama o makabuti sa kalusugan

3 nakikilala ang iba’t ibang gawain/paraan na maaaring makasama o makabuti sa kalusugan

EsP1PKP - Id – 3

  1. Liwanag 1 (Patnubay ng Guro). 2000. pp. 2-13, 25- 30.*
  2. GMRC 1 (Patnubay ng Guro). 1996. pp. 2-12.*
  3. Edukasyon sa Wastong Pag- uugali at Kagandahang Asal 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 1-13.*
  4. Kagandahang Asal at Wastong Pag- uugali 1 (Batayang Aklat). 1998. pp. 2-6, 37- 41.*
  5. Salamin ng Kagandahang Asal at Wastong Pag- uugali 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 2-20.*
  6. Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Batayang

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 11 ng 153 Learning Materials are uploaded at lrmds.deped.gov/. *These materials are in textooks that have ben delivered to schools.

BATAYANG
PAGPAPAHALAGA/
MGA KAUGNAY NA
PAGPAPAHALAGA
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN

(Content Standard)

PAMANTAYAN
SA PAGGANAP

(Performance Standard)

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

( Learning Competencies)

CODE
LEARNING
MATERIALS

Aklat). 1997. pp. 2-8, 130- 134.* 7. Mabuting Asal at Wastong Pag-uugali 1 (Batayang Aklat). 2000. pp. 2-12.* 8. Wastong Pag- uugali sa Makabagong Panahon 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 2-9.* 9. Liwanag 2 (Batayang Aklat). 2000. pp. 2-9.* 10. Kagandahang Asal at Wastong Pag- Uugali 2 (Batayang Aklat). 1998. pp. 30-39.* 11. Basic Literacy Learning Material (BALS). 2013. Ang ‘K’ ng Buhay. 12. Basic Literacy Learning Material. BALS.

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 13 ng 153 Learning Materials are uploaded at lrmds.deped.gov/. *These materials are in textooks that have ben delivered to schools.

BATAYANG
PAGPAPAHALAGA/
MGA KAUGNAY NA
PAGPAPAHALAGA
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN

(Content Standard)

PAMANTAYAN
SA PAGGANAP

(Performance Standard)

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

( Learning Competencies)

CODE
LEARNING
MATERIALS
  1. Kagandahang Asal at Wastong Pag- Uugali 2 (Batayang Aklat).

    1. 35- 41.*
  2. Uliran 2 (Batayang aklat). 1997. pp. 41-46.*

  3. Nakakikila ng mga gawaing nagpapakita ng pagkakabuklod ng pamilya tulad ng 5. pagsasama-sama sa pagkain 5. pagdarasal 5. pamamasyal 5. pagkukuwentuhan ng masasayang pangyayari

EsP1PKP - Ig – 6

1. PRODED EPP.

Asal sa Hapag- Kainan. 2. GMRC 1 (Patnubay ng Guro). 1996. pp. 19-24.* 3. Wastong Pag- uugali sa Makabagong Panahon 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 188-190.* 4. Edukasyon sa Wastong Pag- uugali at Kagandahang Asal 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 48-50.* 5. Mabuting Asal at Wastong

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 14 ng 153 Learning Materials are uploaded at lrmds.deped.gov/. *These materials are in textooks that have ben delivered to schools.

BATAYANG
PAGPAPAHALAGA/
MGA KAUGNAY NA
PAGPAPAHALAGA
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN

(Content Standard)

PAMANTAYAN
SA PAGGANAP

(Performance Standard)

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

( Learning Competencies)

CODE
LEARNING
MATERIALS

Pag-uugali 1 (Batayang Aklat). 2000. pp. 130-134.* 6. Salamin ng Kagandahang Asal at Wastong Pag- uugali 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 33-41.* 7. BALS Video. I’m Proud to be a Filipino. Close Family Ties. 8. BALS Video. I’m Proud to be a Filipino. Trust God.

  1. Nakapagpapahayag na tungo sa pagkakaisa ang pagsasama-sama ng pamilya

EsP1PKP - Ih– 7

  1. Liwanag 1 (Patnubay ng Guro). 2000. pp. 180-182.*
  2. Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 169-176.*
  3. Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali 1 (Manwal ng Guro). 1997. pp. 174-181.*

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 16 ng 153 Learning Materials are uploaded at lrmds.deped.gov/. *These materials are in textooks that have ben delivered to schools.

BATAYANG
PAGPAPAHALAGA/
MGA KAUGNAY NA
PAGPAPAHALAGA
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN

(Content Standard)

PAMANTAYAN
SA PAGGANAP

(Performance Standard)

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

( Learning Competencies)

CODE
LEARNING
MATERIALS

pp. 57-62, 118- 123.* 4. Wastong Pag- uugali sa Makabagong Panahon 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 124-125.* II. Mahal Ko, Kapwa Ko - Ikalawang Markahan

Pagmamahal sa kapwa

  1. Pagdama sa damdamin ng iba (Empathy)

Naipamamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa tulad ng pagkilos at pagsasalita ng may paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa kabutihan ng nakararami

Naisasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon.

  1. Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang EsP1P- IIa-b – 1

  2. Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 124-129.*

  3. Wastong Pag- uugali sa Makabagong Panahon 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 103-110.*

  4. Mabuting Asal at Wastong Pag-uugali 1 (Batayang Aklat). 2000. pp. 109-113.*

  5. BALS Video. I’m Proud to be a Filipino. Respect for elders.

  6. Nakatutukoy ng mga wastong paraan ng pakikitungo sa mga kasambahay EsP1P- IIb – 2

  7. Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Patnubay ng

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 17 ng 153 Learning Materials are uploaded at lrmds.deped.gov/. *These materials are in textooks that have ben delivered to schools.

BATAYANG
PAGPAPAHALAGA/
MGA KAUGNAY NA
PAGPAPAHALAGA
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN

(Content Standard)

PAMANTAYAN
SA PAGGANAP

(Performance Standard)

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

( Learning Competencies)

CODE
LEARNING
MATERIALS

Guro). 1997. pp. 125-133.* 2. Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 142-160.*

  1. Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon lalo na sa oras ng pangangailangan

EsP1P- IIc-d – 3

2. Pagkamagalang

(Respect)

Naisasabuhay ang pagiging magalang sa kilos at pananalita

  1. Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapwa sa pamamagitan ng:
  2. pagmamano/paghalik sa nakatatanda
  3. bilang pagbati
  4. pakikinig habang may nagsasalita
  5. pagsagot ng “po" at “opo”
  6. paggamit ng salitang “pakiusap” at
  7. “salamat”

EsP1P- IIe-f– 4

1. GMRC 1

(Patnubay ng Guro). 1996. pp. 74-83.* 2. Liwanag 1 (Patnubay ng Guro). 2000. pp. 100-110.* 3. Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Patnubay ng Guro). 1997. pp. 81-95.* 4. Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 105-111.* 5. Wastong Pag- uugali sa Makabagong Panahon 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 113-116.*

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 19 ng 153 Learning Materials are uploaded at lrmds.deped.gov/. *These materials are in textooks that have ben delivered to schools.

BATAYANG
PAGPAPAHALAGA/
MGA KAUGNAY NA
PAGPAPAHALAGA
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN

(Content Standard)

PAMANTAYAN
SA PAGGANAP

(Performance Standard)

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

( Learning Competencies)

CODE
LEARNING
MATERIALS

III. Para Sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo – Ikatlong Markahan

  1. Pagmamahal sa Komunidad na Kinabibilangan

  2. Pagkamasunurin (Obedience)

  3. Pagkamagalang (Respect)

  4. Pagpapahalaga sa Karapatan (Appreciation of One’s Rights)

  5. Kaayusan at Kapayapaan (Peace and order)

Naipamamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng pagiging masunurin, pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan at kalinisan sa loob ng tahanan at paaralan

Naisasabuhay ang pagiging masunurin at magalang sa tahanan, nakasusunod sa mga alituntunin ng paaaralan at naisasagawa nang may pagpapahalaga ang karapatang tinatamasa

  1. Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin at magalang tulad ng:
  2. pagsagot kaagad kapag tinatawag ng kasapi ng pamilya
  3. pagsunod nang maluwag sa dibdib kapag inuutusan
  4. pagsunod sa tuntuning itinakda ng:

 tahanan

 paaralan

EsP1PPP- IIIa – 1

  1. Edukasyon sa Pagpapakatao
    1. Tagalog.
    2. pp. 37-
  2. Liwanag 1 (Patnubay ng Guro). 2000. pp. 58-61, 118-121, 162- 165.*
  3. GMRC 1 (Patnubay ng Guro). 1996. pp. 82-86.*
  4. Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Patnubay ng Guro). 1997. pp-95, 101- 105.*
  5. Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Batayang Aklat). 1997. pp-117.*
  6. Kagandahang Asal at Wastong Pag- uugali 1 (Manwal ng Guro). 1997. pp. 60-73.*
  7. Kagandahang Asal at

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 20 ng 153 Learning Materials are uploaded at lrmds.deped.gov/. *These materials are in textooks that have ben delivered to schools.

BATAYANG
PAGPAPAHALAGA/
MGA KAUGNAY NA
PAGPAPAHALAGA
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN

(Content Standard)

PAMANTAYAN
SA PAGGANAP

(Performance Standard)

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

( Learning Competencies)

CODE
LEARNING
MATERIALS

Wastong Pag- uugali (Batayang Aklat) 1. 1998. pp-175.* 8. Mabuting Asal at Wastong Pag-uugali 1 (Batayang Aklat). 2000. pp. 81-86, 114-119.* 9. Salamin ng Kagandahang Asal at Wastong Pag- uugali 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 134-140.* 10. Liwanag 2 (Batayang Aklat). 2000. pp. 97-100.* 11. Kagandahang Asal at Wastong Pag- uugali 2 (Batayang Aklat). 1998. pp. 7-12, 132- 142.* 12. PILOT MTBMLE ESP 3. pp. 114- 122.

Was this document helpful?

ESP-CG - This is a module for ESP, hope it helps

Course: Bachelor of Secondary Education (BSED)

999+ Documents
Students shared 2392 documents in this course
Was this document helpful?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
DepEd Complex, Meralco Avenue
Lungsod ng Pasig
May 2016
K to12 Gabay Pangkurikulum
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Baitang 1 10