- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Teoryang-Feminismo - none
Course: BS Secondary Education (BSEd01)
337 Documents
Students shared 337 documents in this course
Was this document helpful?
Intersectionality: Teoryang Feminismo
Batay sa tala, ang Intersectionality Theory ay isang feminismong sosyolohikal na teoryang
nabyo noong 1989 ni Crenshaw, isang critical legel scholar na Amerikano. Ang terminong ito ay
unang binanggit ni Crenshaw sa kanyang malamang sanaysay na pinamagatang
Demarginalizing the Intersection of Race and sex: A Black Feminst Critique of Antidiscrimination
Doctrine, Feminist Theory and Antiracist Politics. Ito ay ginamit na ng ilang mga iskolar bilang
teoretikal na balangkas sa iba’t ibang pag-aaral sa loob ng ilang dekada. Sa katunayan, ito ay
kalimitang ginagamit bilang teroya, metodolohiya, paradigma, o balangkas sa mga pag-aaral.
Nagsimula ito nang tangkaing ipaliwanag at suriin ang kalagayan ng mga babae sa Estados
Unidos partikular na ang kalagayan ng black women (women of color).
Para kay Crenshaw, ang teoryang Intersectionally ay naglalarawan kungpaano ang iba’t ibang
paraan ng diskriminasyon ay nararansan o kung paanong ang diskriminasyon ay bunsod ng
magkakaiba subalit magkakaugnay na elementong bumubuo sa tao o lipunan. Sa katunayan,
ayon sa mga eksperto, ang teoryang ito ay tumutukoy sa kung paano ang iba’t ibang sangay ng
identidad gaya nglahi, kasarian, abilidad, sekswal na oryentasyon, relihiyonn at grupong
kinabibilangan at mga kaugnay nito ay nagiging ugat ng opresyon/pagmamalupit at pagmamaliit
sa lipunan o pribelehiyo. Sa kabuuan, layunin ng teoryang ito na tugunan ang rasismo,
patriyarkang lipunan, opresyon ng lahi, at iba pang uri ng diskriminasyong lumilikha ng ‘di
pantay na pagtingin sa kababaihan.
Sa kabaling banda, ayon kay Dr. Olena Hankivsky, ang Intersectionality bilang teorya ay
nakabatay sa paniniwalang ang buhay ng tao ay multidimensional at komplikado. Ang malay na
karanasan ay nahuhubog ng iba’t ibang salik at sangkap panlipunan. Kaugnay nito, sinabi rin ni
Symington na ito ay nag-ugat sa prinsipyong ang tao ay nabubuhay sa multiple layered
identities na nagmula sa pakikipag-ugnayan (social relations) at nakaugat sa kasaysayan.
Gayon din, ipinapaliwanag ng teoryang ito na ang tao ay bahagi ng higit pa sa isang komunidad
(tahanan, trabaho, organisasyon) na maaaring makaranas ng pribelehiyo o
opresyon/pagmamalupit nang makasabay. Sa katunayan, dahil sa multiple identities na
nakakapit sa isang babae, nauuwi ito sa maayos at maswerteng posisyon.
Subalit nililinaw ng teoryang ito na ang pagkakaroon ng kombinasyon ng mga identidad ay hindi
isang pahirap ‘di dapat ituring na problema, bagkus ito ay dapat ituring na tagapagbigay ng iba’t
ibang karanasan.
Samakatwid, sa pagsusuri ng intersectionsionality bilang teorya, layunin nito na ipakita ang mas
makahulugang pagkakaiba at pagkakatulad ng bawat tao upang malagpasan ang
diskriminasyon upang tunay na maramdaman ang karapatang pantao. Sa kabuuan,
ipinapaliwanag ng Intersectionality Theory na ang opresyon o pagmamaliit sa isang tao
partikular na ang mga kababaigan ay bunga ng iba’t ibang magkakaugnay na kadahilanan.
Kung gayon, magagamit ang teoryang ito sa mga pananaliksik na umiikot sa kalagayan babae
sa iba’t ibang setting.