- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Medussa Head and Isyung Personal
Course: English 1 (Eng1)
544 Documents
Students shared 544 documents in this course
University: Our Lady of Fatima University
Was this document helpful?
ISYUNG PERSONAL
Ang isyung personal ay mga usapin at problemang tangi lamang sayo
nauugnay pero pwede at maaaring apektado pa rin ang ibang tao. Ito ay
nangyayari kadalasan na kapag labis-labis na nakatuon na ang iyong pansin
sa iyong sariling kapakanan lamang at maaaring hindi mo namamalayan ay
may mabigat na problemang naidudulot pala nito hindi lang sa iyong
kalusugan kundi maging sa iyong kapwa. Kaya hindi madaling sugpuin ang
problemang ito lalo na at tayong lahat ay nagmana ng di-kasakdalan.
Maari ring ang isyung personal ay dahil sa problema ng pamilya. Maaari pa
ring matawag itong isyung personal dahil sa kung minsan ay nakiki-simpatiya
ang ibang miyembro nito sa isa na may problema. At kapag hindi naayos ay
baka maapektuhan din ang iba pang mga miyembro .
Laging tandaan na kapag sinabing isyung personal, hindi ito
nangangahulugang isang tao lang ang may usapin. Maari pa ring isa o higit
pa ang nasasangkot pero maaaring ayusin ang anumang problema o di
pagkakaunawaang bumangon sa pagitan nila.
Ang mga sumusunod ay ilang halimbawa ng mga isyung personal at
panlipunan.-Mga Isyung Personal-
1) Kakulangan sa pera ang isa sa pinaka malaking suliranin ng maraming
pamilya, malaki ang epekto nito dahil sakop nito ang halos lahat ng
mahalagang bayarin sa ating buhay tulad mga sumusunod:
a) Pagbili ng pagkain. b ) Pag-aaral ng mga anak c) Mga
bayarin sa kuryente, tubig at iba pa. d) Walang pampagamot
2) Ang Problema sa Pamilya ay nagdudulot ng labis na hirap ng kalooban sa
mga miyembro nito .Kabilang dito ang mag halimbawa:
a) Pagkalulong sa droga ng isa sa miyembro ng pamilya b)
Paghihiwalay ng mag-asawa
3) Pagkahumaling sa sugal
4) Masunugan ng Bahay
5) Pagkakasakit
-Mga Isyung Panlipunan-
1) Problema ng lipunan sa paglaganap ng droga
2) Mga digmaan
3) Ang Korapsyon sa mga sangay ng gobyerno ay nagdudulot ng kahirapan
sa mga mamamayan sa kadahilanang nakukuha ng mga tiwaling miyembro
nito ang pondong dapat sana ay para sa serbisyo ng mga nasasakupan..
4) Paghina ng ekonomiya
5) Problema sa basura.