Skip to document

RITU NG Kasal - It is A Rite that can be help for everyone.

It is A Rite that can be help for everyone.
Course

Education

999+ Documents
Students shared 9665 documents in this course
Academic year: 2021/2022
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Ang Misa sa Pag- iisang Dibdib

PASIMULA:

NAMUMUNO:

Isang maganda umaga po sa ating. Tayo ngayo’y

nagkakatipon bilang isang Kristyanong komunidad, upang masaksihan itong mahalagang yugto sa buhay

nina N., at N. Sama-sama nating pasalamatan ang Panginoon sa pagsasama sa kanila sa pag-ibig at

ating idalangin na nawa’y basbasan at pabanalin ang

kanilang magiging buhay mag-asawa.

Magsitayo po tayong lahat.

PAGBATI

PARI: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu

Santo +.

BAYAN: Amen.

PARI: Ang pagpapala ng ating Panginoong

Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang

pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.

BAYAN: At sumaiyo rin.

PARI: Minamahal na N., at N. , ang Diyos ay pag- ibig at sa kanyang dakilang kapangyarihan at

pagmamahal ay pinagsama niya kayo sa pag-ibig.

Binigyan niya kayo ng kalayaan upang palaguin ang pag-ibig na ito. Ang Diyos din ang tutulong sa inyo

upang pagtibayin ang kinabukasan ng inyong pag- ibig kung inyong ibabahagi at kusang-loob kayong

magmamahalan at gumagalang sa isa’t-isa sa

kaginhawahan at kahirapan, sa karamdaman at

kalusugan, sa panahon ng mabuti at masama sa

isang tipan na sa ilang sandali ay inyong tatanggapin.

PAGSISISI NG KASALANAN

PARI: Ngayon, mga kapatid, aminin natin ang ating

mga kasalanan upang tayo’y maging marapat sa banal na pagdiriwang. Magkakaroon ng saglit na

katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan.

PARI at BAYAN:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo,

mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya

isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng

mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

PARI: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,

patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

BAYAN: Amen.

Isusunod ang mga pagluhog na “Panginoon, kaawaan mo kami,” maliban kapag naganap na ito kaugnay ng ibang paraan ng pagsisisi sa kasalanan:

Panginoon, kaawaan mo kami. B. Panginoon, kaawaan mo kami. Kristo, kaawaan mo kami. B. Kristo, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami. B. Panginoon, kaawaan mo kami.

PARI: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan, iyong itinalaga na

ang pag-iisang dibdib ay maging sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang banal na Sambayanan. Sa

babae ang siyang itatawag sa kaniya sapagkat sa lalaki nagmula siya.” Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila’y nagiging isa.

Ang Salita ng Diyos.

Sasagot ang lahat:

BAYAN: Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN Salmo 127, 1-2,3,4-

Tugon: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

Mapalad ang bawat taong sa Panginoo’y may takot, ang maalab na adhika’y sumusunod sa kanyang utos. Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan, ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.

Tugon: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

Sa tahanan, ang asawa’y parang ubasan na mabunga, bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya. Ang sinuman kung Panginoon ay kusang susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.

Tugon: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin, at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem. ang magiging iyong apo, nawa ikaw ay abutin, nawa’y maging mapayapa itong bayan ng Israel!

Tugon: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

Pagkatapos, kung mayroon ikalawang pagbasa, ipahahayag din ito sa pook ng pagbasa katulad ng nauna.

IKALAWANG PAGBASA

Efeso 5, 2a. 21- “Isang dakilang katotohanan ang inihahayag nito --- ang kaugnayan ni Kristo sa Simbahan.”

Mga kapatid, mamuhay kayong puspos ng pag-ibig tulad ni Kristo; dahil sa pag-ibig sa atin, inihandog niya ang kanyang buhay bilang mahalimuyak na hain sa Diyos. Pasakop kayo sa isa’t-isa tanda ng inyong paggalang kay Kristo. Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng simbahan, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. Kung paanong nasakop ni Kristo ang simbahan,

Ang Diyos ay pag-ibig; magmahalan tayo, katulad ng pagmamahal niya sa atin.

Aleluya, Aleluya!

MABUTING BALITA

PARI: Sumainyo ang Panginoon.

BAYAN: At sumainyo rin.

  • ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO

BAYAN: Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus, at tinangkang siluin siya sa pamamagitan ng tanong na ito: “Naaayon bas a Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?”

Sumagot si Hesus; “Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan na sa pasimula’y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, `Dahill dito, iiwanan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.’Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

  • Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

BAYAN: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA

RITU NG PAG-IISANG DIBDIB

NAMUMUNO: Manatiling nakaupo para sa pag-iisang dibdib. Sisindihan ang kandila sa magkabilang gilid ng luruhan ng ikakasal.

PARI: Minamahal kong N,. at N., sa Binyag at Kumpil, nakiisa kayo sa buhay at pananagutan ng Panginoon, at sa pagdiriwang ng Huling Hapunan muli’t muli kayong nakisalo sa hapag ng kanyang pagmamahal Ngayon nama’y kusang-loob na kayo’y dumudulog sa Sambayanang ito at humihiling na panalangin upang ang inyong panghabambuhay na pagbubuklod ay pagtibayin ng Panginoon.

At kayo naman, mga kapatid, na natitipon ngayon, ay manalangin para kina N,. at N., at bukas palad silang tanggapin bilang magkaisang-dibdib sa ating sambayanang Kristiyano.

PARI : Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong damdamin sa isa’t-isa.

PARI: N., bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang- dibdib si N., na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?

BABAE: Opo, Padre PARI: N. , bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si N., na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?

LALAKI: Opo, Padre

PARI: N,. at N., Nakahanda ba kayong gumanap sa inyong pananagutan sa Simbahan at sa bayan na umaasang inyong aarugain ang mga supling na ipagkaloob ng Poong Maykapal upang sila ay inyong palakihin mabubuting mamamayang Kristiyano?

BABAE at LALAKI: Opo, Padre.

PARI: Minamahal kong N,. at N., sa harap ng Diyos at ng kanyang Sambayanan, pagdaupin ninyo ang

karamdaman at kalusugan sa lahat ng araw ng aming buhay.

PARI: Bilang tagapagpatunay ng Simbahan, pinagtitibay ko’t binabasbasan ang pagtataling-puso na inyong pinagtipan, sa ngalan ng Ama + at ng Anak at ng Espiritu Santo.

BAYAN: Amen.

PAGBABASBAS AT PAGBIBIGAYAN NG MGA SINGSING AT ARAS

PARI: Ama naming maawain, basbasan mo’t kupkupin ang iyong mga + lingkod na sina N,. at N.. Pagkalooban mo sila ng sapat na kabuhayang sinasagisag ng mga aras na ito sa ikapagkakamit ng buhay na walang hanggan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

PARI: Ama naming mapagmahal, basbasan mo’t lingapin ang iyong + mga lingkod sa sina N,. at N.. Pagindapatin mo na silang magsusuot ng mga singsing na ito ay maging kawangis mo sa iyong wagas na pag-ibig at walang maliw na katapatan. Iniluluhog naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen. LALAKI: N., kailanma’y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang sangla ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

BABAE: N., kailanma’y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang sangla ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

LALAKI: N. , kailanma’y di kita pababayaan. Inilalagak ko sa iyo itong mga aras na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkalinga sa kapakanan mo (at ng ating magiging anak.) Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

BABAE: Tinatanggap ko ito at nangangako akong magiging iyong katuwang sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan.

( Matapos ang pagbibigayan ng singsing at aras, babatiin ng pari ang mag-asawa) Sila’y papalakpakan ng sambayanan bilang tanda ng pagbati.

PANALANGING PANGKALAHATAN

PARI: Mga minamahal kong kapatid, halinang magkaisa sa pagdalangin sa Diyos para sa ating mga bagong kasal na sina N,. at N. , at para sa buong Simbahan, sanlibutan, at sa ikapagkakaisa ng tanan. Sa bawat panalangin ang ating itutugon: “Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.”

NAMUMUNO: Para sa Kristiyanong Sambayanan upang ito ay umunlad sa pagpapakasakit araw-araw, manalangin tayo sa Panginoon.

NAMUMUNO: Para sa mga nagtitiis at nagpapakasakit upang sila’y tuwangan ng Diyos sa dinadalang hapis, manalangin tayo sa Panginoon.

NAMUMUNO: Para sa kapayapaan ng buong daigdig upang ang lahat ay makatulong sa pamumuhay na walang ligalig, manalangin tayo sa Panginoon.

NAMUMUNO: Para sina N,. at N., at ang lahat ng mag-asawa ay bigyan ng Espiritu Santo ng ibayong pag-ibig at ligaya, manalangin tayo sa Panginoon.

alak na ito para maging inuming nagbibigay ng inyong Espiritu.

NAMUMUNO at BAYAN: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.

PARI: Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso. O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at linisan mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.

PARI: Manalangin tayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

NAMUMUNO: Magsitayo po ang lahat.

BAYAN: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong sambayanan niyang banal.

PARI: Ama naming lumikha, iyong pagdamutan at tanggapin ang aming handog para sa pag-iisang dibdib nina Groom at Bride. Ang pag-ibig mong kanilang tinataglay ay loobin mong kanilang maihandog sa iyo sa kanilang pagmamahalan araw- araw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

IKALAWANG PAGBUBUNYI O PREPASYO

Ang Dakilang Sakramento ng Pag-iisang-dibdib

PARI: Sumainyo ang Panginoon.

BAYAN: At sumaiyo rin.

PARI: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

BAYAN : Itinaas na namin sa Panginoon.

PARI: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

BAYAN: Marapat na siya ay pasalamatan.

PARI: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay ang iyong bagong tipan sa iyong sambayanan ay naghahain sa amin ng iyong buhay at pakikipag- ugnayan bilang mga kasalo sa iyong kadakilaang walang hanggan. Sa dakilang pag-ibig na hain ng iyong Anak pinagbuklod mo ang mga magsing-ibig upang sa pagsasama habang panaho’y mailahad ang iyong katapatan at pagmamalasakit. Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

NAMUMUNO at BAYAN:

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon. Osana sa kaitaasan.

NAMUMUNO: Magsiluhod tayong lahat.

kaya’t iniaalay naming sa iyo ang tinapay na nagbibigay-buhay at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan. Kami’y nagpapasalamat dahil kami’y iyong minarapat na tumayo sa harap mo para maglingkod sa iyo. Isinasamo naming kaming magsasalu-salo sa Katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisasa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ama,lingapin mo ang iyong Simbahang laganap sa buong daigdig. Puspusin mo kami sa pag-big kaisa ni Francisco na aming Papa at ni Bartolome na aming obispo, at ng tanang mga kaparian.

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay gayun din ang lahat ng mga pumanaw. Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan. Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong buhay na walang wakas. Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos Kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo, maipagdiwang nawa naming ang pagpupuri sa ikararangal mo sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

LAHAT: Amen.

ANG PAKIKINABANG

PARI: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoonnatin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:

LAHAT: Ama namin, sumasalangit ka.

Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad naming sa nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

PARI: Mga kapatid, halina’t ipanalangin sa Ama nating banal ang mga bagong kasal na nangangakong magmamahalan bilang mga magkasalo sa katawan at Dugo ng Poong mahal.

Ama naming banal, nilikha mo ang tao bilang lalaki’t babaing iyong kalarawan upang sa kaugnayan sa pag-iisang dibdib ay maisakatuparan ang iyong layunin sa lupang ibabaw.

Ama naming mapagmahal, niloob mong sa pamumuhay ng mga mag- asawa sa pagmamahalan ay mabanaagan ang tipan ng iyong paghirang na iyong minarapat ipagkaloob sa iyong sambayanan upang ipinahihiwatigmong lubusan ay maglahad ng pag-iisang dibdib ni Kristo at ng Sambayanan kaya naman hinihiling naming na sina N,. at N., ay gawaran ng pagbabasbas ng iyong kanang kamay. Ipagkaloobmong sa pagsasama nila habang buhay kanilang mapagsaluhan ang pag-ibig mong bigay at sa isa’t-isa ay kanilang maipamalas ang iyong pakikipisan at pagkakaisa ng damdamin at isipan.

Bigyan mo rin sila ng matatag na tahanan at mga anak na huhubugin sa Mabuting Balita ng Anak mong mahal para maging maaasahang kaanib ng iyong angkan. Marapatin mong mapuspos ng pagpapala ang babaing ito na si N., upang bilang asawa ni N, ( at bilang ina ng magiging mga anak nila) kanyang

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag- aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

NAMUMUNO: Magsiluhod po tayo.

PARI: Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mgainaanyayahan sa kanyang piging.

NAMUMUNO at BAYAN: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

PARI: Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na walang hanggan. Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.

PAKIKINABANG NG BAYAN:

PARI: Katawan ni Kristo. (Matapos ang pakikinabang ng lahat)

NAMUMUNO: Inaanyayahan po ang magtatanggal ng belo at kordon na tanggalin na ang belo at ang kordon.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG:

PARI: Manalangin tayo. Ama naming mapagmahal, ang iyong loobing makiisa ay panatilihin mong umiiral sa mga nagsalo sa haing nagbibigay-buhay. Pamalagiin mong nagmamahalan at nagkakaisa ang kalooba’t kaisipan nina N,. at N., na pinagbuklod mo sa banal na pagsasama at iyong pinagsalo sa pagkai’t inuming pagkakaisa ang ibinibigay sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ang Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

NAMUMUNO at BAYAN: Amen.

PAGHAHAYO SA PAGWAWAKAS

PARI: Habilin ko sa inyo, mga bagong kasal: mamuhay kayong lagi sa pag-ibig at katapatan.

N. (babae), pag-ibig mo’y patunayan sa pagiging butihing maybahay na may pananampalataya, kabanalan at pag-ibig sa Maykapal.

N, (lalake) maybahay mo’y ibigin gaya ng malasakit ni Kristo sa Simbahan bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama sa kalangitan.

PARI: Sumainyo ang Panginoon.

BAYAN: At sumaiyo rin.

PAGBABASBAS

PARI: Inaanyayahan ko kayong dalawa N,. at N. , at ang sambayanan na iyuko ang inyong mga ulo para sa pagbabasbas.

Ang Diyos Amang makapangyarihan ay siya nawang magbigay ng kagalakang dulot ng mga anak na sa inyo’y sisilang at ng kanyang kasiyahan ngayon at magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

PARI: Ang Bugtong na Anak ng Diyos ay siya nawang sa inyo’y tumuwang sa kahirapan at kaginhawahan ngayon at magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

Was this document helpful?

RITU NG Kasal - It is A Rite that can be help for everyone.

Course: Education

999+ Documents
Students shared 9665 documents in this course
Was this document helpful?
Ang Misa sa Pag- iisang Dibdib
PASIMULA:
NAMUMUNO:
Isang maganda umaga po sa ating. Tayo ngayo’y
nagkakatipon bilang isang Kristyanong komunidad,
upang masaksihan itong mahalagang yugto sa buhay
nina N., at N. Sama-sama nating pasalamatan ang
Panginoon sa pagsasama sa kanila sa pag-ibig at
ating idalangin na nawa’y basbasan at pabanalin ang
kanilang magiging buhay mag-asawa.
Magsitayo po tayong lahat.
PAGBATI
PARI: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu
Santo +.
BAYAN: Amen.
PARI: Ang pagpapala ng ating Panginoong
Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang
pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong
lahat.
BAYAN: At sumaiyo rin.
PARI: Minamahal na N., at N., ang Diyos ay pag- ibig
at sa kanyang dakilang kapangyarihan at
pagmamahal ay pinagsama niya kayo sa pag-ibig.
Binigyan niya kayo ng kalayaan upang palaguin ang
pag-ibig na ito. Ang Diyos din ang tutulong sa inyo
upang pagtibayin ang kinabukasan ng inyong pag-
ibig kung inyong ibabahagi at kusang-loob kayong
magmamahalan at gumagalang sa isa’t-isa sa
kaginhawahan at kahirapan, sa karamdaman at