- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
128778954-Kinagisnang-Balon
Course: Wika Kultura (FIL 289)
100 Documents
Students shared 100 documents in this course
University: Phinma-republican College
Was this document helpful?
Kinagisnang balon
May isangbinatang nagngangalang Tony na nakulong dahil sa pagnanakaw. Natuto siyang magnakaw
dahil sa naospital ang ina at nagkasakit ang bunso nito na namatay rin. Sa kulungan ay kanyang
nakasama sina Bok na nakulong dahil sa panghoholdap, si Doming na nakulong dahil sa pagpatay sa
kaibigang tinaksilan siya at nagkarelasyon sa kanyang asawa, at si Erman na walang anak.
Nakilala niya rin doon sina Miss Reyes na isang nars at napalapit sa kanya at si Padre Abena na
nagtuturo sa kanya at nagsilbi na ring ama-amahan niya.
Kinasusuklaman ni Tony ang kanyang ama na si Mang Luis. Ito ay dahil sa si Mang Luis ang kanyang
sinisisi sa lahat.
Nang binisita siya ng kanyang ama ay kanyang ipinalabas ang kanyang sama ng loob. Nagpaliwanag ang
kanyang ama. Pinuntahan na rin nito ang kanyang ina na gumaling na pala at siya ay pinatawad nito.
Kaya hinanap niya si Tony para humingi rin ng tawad. Hindi siya pinakinggan ni Tony. Kaya umalis na
lang siya.
Dumugo ang sugat ni Tony kaya ito ay ginamot ni Miss Reyes at pinagbilinan siya na huwag gumalaw.
Kinausap ni Mang Luis si Padre Abena. Kinausap ni Padre Abena si Tony ngunit talagang ito'y galit na
galit. Nang makita ni Miss Reyes si Tony ay kanya itong sinabihan kaya humingi ng tawad si Tony at
tinanggap naman ito ni Miss Reyes. Sinabihan ni Padre Abena na kung si Miss Reyes nga ay
nakapagpatawad e siya pa kaya..
Tandang Owenyo - siya ay isang agwador sa kanilang bayan,namana niya ang paggiging ganito sa kanya
rin ama. Iniigiban niya ang ilang malalaking bahay sa kanilang lugar upang makakita ng pera at para
buhayin ang kanyang pamilya, ito lang kasi ang alam niyang gawain para matustusan ang mga
pangangailangan ng kanyang pamilya.
Nana Pisyang - siya ay isang labandera sa kanilang bayan, namana niya ito sa kanyang ina na si Da
Felisa, hindi lang paglalaba ang alam nitong gawin kundi ang paghihilot na itinuro sa kanya ng kanyang
ina. Ito ang hanap buhay niya upang may kainin sila pagdating ng
hapunan.
Enyang - ang dalagita nilang mag-asawa na tumutulong sa kanyangina na si Nana Pisyang sa paglalaba't
paghahatid ng mga damit.
Narciso - nakapagtapos ng haiskul na hindi nakapagpatuloy sa pag-aaral hanggang kolehiyo dahil na
din sa kahirapan, dahil sa may pinag-aralan at masipag pagdating sa pag-aaral ay ayaw niyang matulad
sa kanyang ama na isang agwador lamang, tila ikinahihiya niya ang pagiging agwador ng kanyang ama.
Dekonstruksyon - ito ay hindi nagtataglay ng isang kahulugan lamang, masalimuot at maraming
kontradiksyon na siyang nagpapakita ng mga "gaps, silences at omissions" ng teksto. Tago ang tunay
na kahulugan dahil sa pinangangalagaang ideolohiya ng may-akda.Ang pag-iisa-isa ng mga sinasabi ng
may-akda sa texto. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at
mundo.Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok
sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng
pagtao at mundo.Inumpisahan ang kwento sa paglalarawan kung gaano kahalaga ang balon sa Tibag"
ito ang lugar kung saan nakatira si Narciso at ang kanyan pamilya ".Kung kailan ba ito ginawa, at mga
sari-saring kwentong bumabalot sa balon.Dito nagkakilala ang kanyang ama na si Tandang Owenyo at
ang kanyang ina na si Nana Pisyang, si Tandang Owenyo ay taga-igib ng tubig na mana niya sa kanyang
ama na si Ba Meroy at si Nana Pisyang naman ay labandera na namana niya pa sa kanyang ina na si Da
Felisa. Ang kanilang anak na si Enyang ay tumutulong sa kanyang ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't
paghaatid ng mga damit, at si Narciso naman ay ang anak ng mag-asawang naghihimagsik dahil ayaw