Skip to document

14612014 0 Alamat Ng Gagamba

14612014 0 Alamat Ng Gagamba
Course

Wika Kultura (FIL 289)

97 Documents
Students shared 97 documents in this course
Academic year: 2019/2020
Uploaded by:
0followers
5Uploads
0upvotes

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Alamat ng Gagamba Si Gamba ay isang manghahabi. Maraming humahanga sa kanyang galing sa paghabi. Alam ito ni Gamba kaya naman taas noo siya palagi at walang sinumang pinapansin. “Ate turuan mo naman akong maghabi pwede ba ate? Pwede ba lumayu-layo ka nga rito. May gatas ka pa sa labi at wala ka pang kakayahang matutunan ito. Mababaw ang luha ng kapatid na babae ni Gamba. Napaiyak siya sa narinig. Maya-maya ang kapatid na lalaki naman ang lumapit kay Gamba. “Ate, ate, tulungan mo naman ako paano bang magsulsi ng sirang kamiseta? Istorbo ka talaga! Doon ka sa nanay magpaturo, huwag mo akong abalahin dito. Ganun palagi ang nangyayari kaya naging malayo ang loob ng mga kapatid ni Gamba. Nagdurugo ang puso ng nanay ni Gamba sa pangyayaring ito. Bilang ilaw ng tahanan, naging malawak ang kanyang isip sinikap niyang pangaralan ang anak kahit nakapinid ang tainga nito Gamba, obligasyon mong pakitaan ng maganda ang mga kapatid mo. Kung magpapaturo sila sa iyo, turuan mo. Hindi ka ba natutuwang matuto sila ng dahil sa iyo? Sana naman anak matuto kang kumalinga sa iba. Ibahagi mo naman ang oras at kakayahan mo. Parang walang narinig si Gamba patuloy siyang humabi ng tela mula sa sinulid na nasa Ikitan. Isang araw niyaya si Gamba ng ina na magtanghalian. Anak tama na yan. Kumain na tayo kahapon ka pa hindi kumakain, sigurado kumakalam na ang sikmura mo, baka magkasakit ka baka maging buto’t balat ka. Wala kayong pakialam! Pabayaan niyo ako sa ginagawa ko. Gamba kasalanan ang pagtanggi sa pagkain. Biyaya ito ng Diyos.” Narinig iyon ng kapatid niyang babae. Inis siyang bumulong sa sarili. Sana humabi ka na lang nang humabi nang humabi!! Narinig ito ng Bathala at siya’y nagwika.

Masyado ka naging mapagmataas sa kaunting kaalamang ibinibigay ko sa iyo. Hindi mo pinag-uukulan ng pansin ang mga kapatid at nanay mo. Pati biyaya sa hapag- kainan ay tinatalikuran mo. Iyan ang gusto mo kaya mula ngayon araw-araw, oras-oras, minu-minuto kang maghahabi. Pagkasabi nito’y nawalang parang bula si Gamba. Nagdilang-anghel ang kanyang kapatid na babae. Isang insekto ang paikut-ikot na humahabi ng sapot ang naiwan sa silya ni Gamba. Napahagulgol ang ina sa naging guhit na palad ni Gamba. Hindi naglaon tinawag itong gagamba.

Was this document helpful?

14612014 0 Alamat Ng Gagamba

Course: Wika Kultura (FIL 289)

97 Documents
Students shared 97 documents in this course
Was this document helpful?
Alamat ng Gagamba
Si Gamba ay isang manghahabi . Maraming humahanga sa kanyang galing sa
paghabi. Alam ito ni Gamba kaya naman taas noo siya palagi at walang sinumang
pinapansin.
“Ate turuan mo naman akong maghabi pwede ba ate? Pwede ba lumayu-layo ka
nga rito. May gatas ka pa sa labi at wala ka pang kakayahang matutunan ito. Mababaw
ang luha ng kapatid na babae ni Gamba. Napaiyak siya sa narinig. Maya-maya ang
kapatid na lalaki naman ang lumapit kay Gamba. “Ate, ate, tulungan mo naman ako
paano bang magsulsi ng sirang kamiseta?
Istorbo ka talaga! Doon ka sa nanay magpaturo, huwag mo akong abalahin dito.
Ganun palagi ang nangyayari kaya naging malayo ang loob ng mga kapatid ni
Gamba.
Nagdurugo ang puso ng nanay ni Gamba sa pangyayaring ito. Bilang ilaw ng
tahanan, naging malawak ang kanyang isip sinikap niyang pangaralan ang anak kahit
nakapinid ang tainga nito
Gamba, obligasyon mong pakitaan ng maganda ang mga kapatid mo. Kung
magpapaturo sila sa iyo, turuan mo. Hindi ka ba natutuwang matuto sila ng dahil sa iyo?
Sana naman anak matuto kang kumalinga sa iba. Ibahagi mo naman ang oras at
kakayahan mo.
Parang walang narinig si Gamba patuloy siyang humabi ng tela mula sa sinulid
na nasa Ikitan.
Isang araw niyaya si Gamba ng ina na magtanghalian.
Anak tama na yan. Kumain na tayo kahapon ka pa hindi kumakain, sigurado
kumakalam na ang sikmura mo, baka magkasakit ka baka maging buto’t balat ka.
Wala kayong pakialam! Pabayaan niyo ako sa ginagawa ko. Gamba kasalanan
ang pagtanggi sa pagkain. Biyaya ito ng Diyos.” Narinig iyon ng kapatid niyang babae.
Inis siyang bumulong sa sarili. Sana humabi ka na lang nang humabi nang humabi!!
Narinig ito ng Bathala at siya’y nagwika.