Skip to document

358951231 Ang Alamat Ng Lapis

358951231 Ang Alamat Ng Lapis
Course

Wika Kultura (FIL 289)

100 Documents
Students shared 100 documents in this course
Academic year: 2020/2021
Uploaded by:
0followers
5Uploads
0upvotes

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Ang Alamat ng Lapis Noong unang panahon , may isang tagong bayan na bihirang mapuntahan, ito ay ang bayan ng papel. Ang mga tao tao dito ay tahimik lamang at mga hindi nagsasalita sapagkat hindi sila marunong magsalita at ang tanging paraan lamang upang magkaintindihan at magkausap ang bawat isa ay ang magsulat sila. Kahit saan sila pumunta ay lagi silang dalang papel at isang uri ng panulat na walang may alam kung anong tawag doon. Ang bayang ito ay pinamumunuan ng Pamilya dela Cruz na may dalawang anak, isang dalagang babae at isang binatang lalake. Isang normal na araw para sa mamayanan ng bayan ng Papel nang may biglang dumating na isang lalaki sa kanilang bayan, nakasuot ng sapatos ang mga paa nito, at may maayos na suot ang binata, ito ay nagngangalang Lapis. Si Lapis ay naliligaw at hindi niya na alam kung saan siya nakarating kaya noong may nakita siyang isang bayan ay pumunta siya doon at nagtanong sa mga taong nakikita niya roon kung ano na ang oras sapagkat naiwan niya ang kanyang relo ngunit ang mga tao roon ay hindi mga nagsasalita at palaging may hawak na papel at panulat kaya sinubukan niya rin na isulat ang kanyang mga itatanong at sinagot naman siya ng mga tao sa pamamagitan pa rin ng pagsusulat, doon niya napagtanto na hindi marurunong magsalita ang mga tao roon. Kaya simula noong araw na iyon ay napagpasyahan nya na manatili muna sa bayan na iyon at turuang makapagsalita ang mga tao roon. Ilang buwan na ang nakalipas at naroon pa rin si Lapis. Matiyaga niyang tinuturuan ang bawat isa roon, kasama na roon ang pamilyang dela Cruz. At dahil sa pagiging mabait, matulungin at matiyaga ni Lapis, hindi niya alam na may mga tao na pa lang naiingit at naiinis sa kanya, isa na roon ang anak na binata ng pamilya dela Cruz. Kaya noong natuto ito magsalita ay isa-isa niyang binulag ang mga mata ng taong tinuruan ni Lapis nang sa ganon ay matakot ng matuto magsalita ang iba pang tao sa bayan nila. At dahil nga sa isa-isa ng nabubulag ang mga taong tinuturuan ni Lapis ay natakot na ang mga ito sa kanya at ituring siyang isang sumpa pero mayroon pa rin namang naniniwala sa kanya at tahimik na pinupunasan ng panyo ang mga luhang tumulo sa kanilang mga mata sapagkat sila ay nalulungkot para kay Lapis.

Dahil sa pangyayaring ito ay napagpasyahan ng pamilya dela Cruz, habang nagkakape at nakaupo sa upuan at may lamesa sa harap nila, na hulihin si Lapis at ikulong ngunit nalaman ito ni Lapis kaya umalis na siya sa lugar na iyon ngunit naabutan siya ng binatang dela Cruz at nasaksak ng bagay na ginagamit nilang panulat noong panahon na hindi pa sila marunong magsalita. Nabalitaan ito ng mamayanan ng bayan ng Papel, nalaman din nila na ang binatang dela Cruz talaga ang nambubulag sa mga tong tinuruan ni Lapis kaya nagalit sila dito pinakulong ito kahit na ang pamilya nila ang namumuno sa bayang to. Nalungkot sila sa nangyari kay Lapis kaya ang ginawa nila ay ipinangalan nila kay Lapis ang bagay na ginagamit nila panulat upang masuklian nila ang mga itinuro ni Lapis sa kanila at para maalala rin nila si Lapis tuwing magsusulat sila dahil kahit na natuto na silang magsalita ay nasa buhay na talaga nila ang pagsusulat.

Was this document helpful?

358951231 Ang Alamat Ng Lapis

Course: Wika Kultura (FIL 289)

100 Documents
Students shared 100 documents in this course
Was this document helpful?
Ang Alamat ng Lapis
Noong unang panahon , may isang tagong bayan na bihirang mapuntahan, ito ay
ang bayan ng papel. Ang mga tao tao dito ay tahimik lamang at mga hindi nagsasalita
sapagkat hindi sila marunong magsalita at ang tanging paraan lamang upang
magkaintindihan at magkausap ang bawat isa ay ang magsulat sila. Kahit saan sila
pumunta ay lagi silang dalang papel at isang uri ng panulat na walang may alam kung
anong tawag doon. Ang bayang ito ay pinamumunuan ng Pamilya dela Cruz na may
dalawang anak, isang dalagang babae at isang binatang lalake.
Isang normal na araw para sa mamayanan ng bayan ng Papel nang may biglang
dumating na isang lalaki sa kanilang bayan, nakasuot ng sapatos ang mga paa nito, at
may maayos na suot ang binata, ito ay nagngangalang Lapis. Si Lapis ay naliligaw at
hindi niya na alam kung saan siya nakarating kaya noong may nakita siyang isang
bayan ay pumunta siya doon at nagtanong sa mga taong nakikita niya roon kung ano
na ang oras sapagkat naiwan niya ang kanyang relo ngunit ang mga tao roon ay hindi
mga nagsasalita at palaging may hawak na papel at panulat kaya sinubukan niya rin na
isulat ang kanyang mga itatanong at sinagot naman siya ng mga tao sa pamamagitan
pa rin ng pagsusulat, doon niya napagtanto na hindi marurunong magsalita ang mga
tao roon. Kaya simula noong araw na iyon ay napagpasyahan nya na manatili muna sa
bayan na iyon at turuang makapagsalita ang mga tao roon.
Ilang buwan na ang nakalipas at naroon pa rin si Lapis. Matiyaga niyang
tinuturuan ang bawat isa roon, kasama na roon ang pamilyang dela Cruz. At dahil sa
pagiging mabait, matulungin at matiyaga ni Lapis, hindi niya alam na may mga tao na
pa lang naiingit at naiinis sa kanya, isa na roon ang anak na binata ng pamilya dela
Cruz. Kaya noong natuto ito magsalita ay isa-isa niyang binulag ang mga mata ng
taong tinuruan ni Lapis nang sa ganon ay matakot ng matuto magsalita ang iba pang
tao sa bayan nila. At dahil nga sa isa-isa ng nabubulag ang mga taong tinuturuan ni
Lapis ay natakot na ang mga ito sa kanya at ituring siyang isang sumpa pero mayroon
pa rin namang naniniwala sa kanya at tahimik na pinupunasan ng panyo ang mga
luhang tumulo sa kanilang mga mata sapagkat sila ay nalulungkot para kay Lapis.