- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Panitikan draft - Psych
Course: BS Psychology
999+ Documents
Students shared 2875 documents in this course
University: Polytechnic University of the Philippines
Was this document helpful?
Dahil sa matagal na pagsasakop sa atin ng mga Kastila, di
maikakailang malaki ang impluwensyang naidulot nito sa Panitikang
Filipino.
*ALIBATA-Ito yung pinagmamamalaking kauna unahang abakadang
filipino na nahalinhan ng alpabetong romano.
*DOCTRINA CRISTIANA-Aklat ito nina Padre Juan de Placencia at
Padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa tagalog at kastila.
Naglalaman ito ng mga das, sampung utos, pitong sakramento,
pitong kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo at may 87
na pahina lamang.
*PANUNULUYAN-Dulang tinatanghal sa lansangan. Paghahanap ng
matutulugan nina maria at joseph sa bethlehem. Ang mga bahay sa
paligid ang hinihingan ng mag asawa ng silid na matutuluyan.
*FLORES DE MAYO-Ang pag aalay ng bulaklak kasabay nang pag
awit bilang handog sa birheng maria.
*SANTA CRUZAN-Ay isang prusisyon na isinasagawa sa huling
bahagi ng pagdiriwang ng flores de mayo. Isinasalarawa nito ang
paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni
constantino.
SENAKULO-Isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng
Poong Hesukristo.Kadalasan ginaganap sa lansangan o sa bakuran
ng simbahan.
*SALUBONG-Pagtatanghal ng pagtatagpo ng muling nabuhay na
panginoonh Hesus at ni maria
*TIBAG-Isang pagtatanghal kung buwan ng mayo ng paghahanap ni
santa elena sa krus na pinagpakuan kay kristo.