Skip to document

Ramos, Sheenalou Unang Pagsusulit

Reaction Paper for Kara David's Documentary
Course

Readings in the Philippine History (GEED 10033)

802 Documents
Students shared 802 documents in this course
Academic year: 2021/2022
Uploaded by:

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Sheenalou Ramos

BABR 1-

Kasaysayan: Noon at Ngayon

Mula sa babasahin na ibinahagi sa amin ng aming guro, aking napagtanto na ang kasaysayan ay maraming aspeto na hindi natatapos sa mga petsa, lugar at pangalan.

Una na dito ang kahulugan at katuturan nito. Noon, ang kahulugan sa akin nito ay katulad ng makikita sa isang talahulugan- tala ng mga pangyayari sa nakaraan. Nakikita ko ang kasaysayan bilang isang asignatura na kailangan ipasa sa paaralan. Ngunit ngayon, nakikita ko ang kasaysayan bilang pundasyon ng sibilisasyon.

Bukod sa pagbibigay sa atin ng pasilip sa ating nakaraan, ibinabahagi nito ng mga mabubuting bagay na dapat gawin sa kasalukuyan at mga bagay na dapat iwasan nang hindi maulit ang mga pangyayari na hindi kanais-nais. Ito ang katuturan ng kasaysayan.

Ako ay nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan dahil sa mga aspetong ito.

Ngunit hindi rito natatapos ang mga bagong kaalaman ko sa kasaysayan sapagkat bilang isang nilalang na nabubuhay sa kasalukuyan, kailangan natin maging mapanuri sa mga impormasyon na ipinapakita sa atin ukol sa nakaraan dahil ito ay ipapasa sa mga susunod na salinlahi.

Kaya naman may tinatawag na Test of Authenticity and Credibility. Sa modernong panahon kung saan ang mga bagong impormasyon at balita ay abot kamay dahil sa internet, maraming nagiging biktima ng pekeng balita.

Kung ang karamihan ay magiging mapanuri sa pinagmulan ng mga balitang ito at ang kanilang kredibilidad, maiiwasan natin na malinlang at sa huli ay hindi mabaluktot ang kasaysayan para sa kalamangan ng isang tao, bagay or pangyayari.

Was this document helpful?

Ramos, Sheenalou Unang Pagsusulit

Course: Readings in the Philippine History (GEED 10033)

802 Documents
Students shared 802 documents in this course
Was this document helpful?
Sheenalou Ramos
BABR 1-1
Kasaysayan: Noon at Ngayon
Mula sa babasahin na ibinahagi sa amin ng aming guro, aking napagtanto na ang kasaysayan ay
maraming aspeto na hindi natatapos sa mga petsa, lugar at pangalan.
Una na dito ang kahulugan at katuturan nito. Noon, ang kahulugan sa akin nito ay katulad ng makikita sa
isang talahulugan- tala ng mga pangyayari sa nakaraan. Nakikita ko ang kasaysayan bilang isang
asignatura na kailangan ipasa sa paaralan. Ngunit ngayon, nakikita ko ang kasaysayan bilang pundasyon
ng sibilisasyon.
Bukod sa pagbibigay sa atin ng pasilip sa ating nakaraan, ibinabahagi nito ng mga mabubuting bagay na
dapat gawin sa kasalukuyan at mga bagay na dapat iwasan nang hindi maulit ang mga pangyayari na
hindi kanais-nais. Ito ang katuturan ng kasaysayan.
Ako ay nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan dahil sa mga aspetong ito.
Ngunit hindi rito natatapos ang mga bagong kaalaman ko sa kasaysayan sapagkat bilang isang nilalang na
nabubuhay sa kasalukuyan, kailangan natin maging mapanuri sa mga impormasyon na ipinapakita sa atin
ukol sa nakaraan dahil ito ay ipapasa sa mga susunod na salinlahi.
Kaya naman may tinatawag na Test of Authenticity and Credibility. Sa modernong panahon kung saan
ang mga bagong impormasyon at balita ay abot kamay dahil sa internet, maraming nagiging biktima ng
pekeng balita.
Kung ang karamihan ay magiging mapanuri sa pinagmulan ng mga balitang ito at ang kanilang
kredibilidad, maiiwasan natin na malinlang at sa huli ay hindi mabaluktot ang kasaysayan para sa
kalamangan ng isang tao, bagay or pangyayari.