- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Pagsusuri SA Kwento UHAW ANG Tigang NA LUPA ni Liwayway B. Arceo
Course: English Literature (BLAW 2001)
180 Documents
Students shared 180 documents in this course
University: Saint Joseph Institute of Technology
Was this document helpful?
IRENE C. GABOR
MAED-FILIPINO
MaFil 102- Kayarian ng Pilipino at Kontemporaryong Literatura ng
Pilipinas
PAGSUSURI SA KWENTONG UHAW ANG TIGANG NA LUPA
I. Pamagat: Uhaw ang Tigang na Lupa
II. May-Akda: Ni Liwayway B. Arceo
III. Tagpuan:
a. Pook
Aklatan: Maaring sa tagpuan ng kwento mapupuna ang mga bagay na maaaring pinagmulan o
mga bagay na tatalakayin sa kwento. Dito ay matatagpuan ang talaarawan at liham ng ama na
ginamit upang buksan ang ang paksa kung saan matutukoy ang problema o suliranin sa kwento.
Dito din naganap ang mga bagay na di inaasahan, gaya ng mga bagay na doon lamang nadiskubre
ng ama,ina at ng anak na siyang bumasa dito. Kung hihimayhimayin ang parteng ito ngkwento
makikita na hindi lamang ang liham ang binanggit o ipinakita, nariyan din ang ang sobre, larawan,
at ang pelus na rosas. Maaaring mabanghay sa pagkakasunod sunod ang mga mahahalagang
detalye sa tagpuan.
b. Panahon:
Sa pagkakasunod sunod na ito sa banghay ng tagpuan ipinapakita ang pagkakaugnay ugnay ng
bawat isa na siya ring nagbibigay ng magandang daloy sa kwento nakung susuriing mabuti ay may
ibang mas malalim na kahulugan ang bawat isa na inilihim o di agad ipinakita ng may akda upang
magkaroon ng oras ang mambabasa na galugading maiigi ang loob ng kwento sa pamamagitan
palang ng tagpuan.
IV. Tauhan:
Anak: Ang tauhan sa kwento na siyang nagbukas sa mga papaksain ng mga iba pang tauhan. Sa
kanya din unang umikot ang kwento na siyang nagpakilala pa sa ibang tauhan.Kung papansinin ang
pamagat pa lamang ng kwento ay mapupukaw na kaagad kung ano o bakit yun ang pamagat ngunit
habang pinapasadahan ang kwento matatalakay ang pagkauhaw ng anaksa kanayang pamilya. Hindi
nito nararanasan ang saya ng isang tunay na pamilya dahil sa kalagayan ng kanyang ama at ina.
Ama: Isa siya sa pantulong na tauhan na kung saan kung susuriin o babasahing mabuti siya ang
dahilanbakit ang lungkot ng ina ay nadarama. Sa pamamagitan din niya naipakita ng may akda ang
mga problema sa kwento, kung bakit dinadanas ng ibang tauhan ang mga bagay sa suliranin sa
kwento. Sa kanya din sinimulan ang suliranin dahil sa liham na ipinakita palang sa bahagi ng tagpuan.
Ina: Pantulong na tauhan na kung saan siya ang nagbigay ng emosyon sa kwento sa una pa lamang
nabahagi ng kwento ay ipinakita na ang emosyong kalungkutang namamayani sa kanya. Mapapansin
din na may kaugnayan ang ama at maging ng kanayang anak ang pag-ikot ng kwento.