Skip to document

LP AP8 4th quarter

Samples of DLL IN FILIPINO
Course

Bachelor of Secondary Education Major in English (BSED ENGLISH 3)

85 Documents
Students shared 85 documents in this course
Academic year: 2024/2025
Uploaded by:

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan I. LAYUNIN A. Pamantayang Nilalaman Ang mga mag-aaral ay inaasahang Naipamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at sama- samang pag kilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulongan at kaunlaran. B. Pamantayan sa Pagganap Aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulongan at kaunlaran C. Mga kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mga dahilang nag bigay-daan sa Unang Digmaang pandaigdig. II. NILALAMAN Ang Unang Digmaang Pandaigdig III. MGA KAGAMITANG PANTURO

ARALING PANLIPUNAN 8 KASAYASAYAN NG DAIGDIG

Mga Sanggunian

  1. Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo
  2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral
  3. Mga pahina sa teksbuk Ang Unang Digmaang Pandaigdig, pahina 446- 449
  4. Karagdagang kagamitan mula sa LR portal youtube/watch?v=rhcn3t2cGck
  5. Iba pang kagamitang panturo Laptop, PPT slide deck IV. PAMAMARAAN A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin a. Panalangin b. Pag Check ng attendance. c. Ilalahatag ng guro ang mga alintuntunin sa loob ng klasi B. Paghahabi sa layunin ng aralin Picture analysis: Suriin ang mga larawan ang Paaralan Nursery High School Baitang 8 Guro Brian Khier C. Salazar Asignatura Araling Panlipunan Petsa at Oras Markahan Ika-apat na markahan

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Ang guro ay mag bibigay ng mga katanungan at halimbawa na may kinalaman sa paksa. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # Unang Digmaang Pandaigdig Ang unang digmaang pandaigdig o World War I ay masasabing pinaka madugong digmaan na tumataktak sa kasaysayan ng mundo. Mga Sanhi ng pag siklab ng Unang Digmaang Pandaigdig: 1. Nasyonalismo Maituturing na nasyonalismo ang paghahangad ng kalayaang politikal, lalo na ng isang bansang nasa ilalim ng kapangyarihan at kontrol ng ibang bansa. Ang damdaming ito ay nagtulak para sa mga tao na naghahangad ng Kalayaan mula sa kamay ng mga mananakop. Kung minsan, ang masidhing pagmamahal sa bayan ay nakakapagdulot ng bulag at panatikong pagmamahal sa bansa. Halimbawa: Mga Junker, ang mga aristokrasyang militar ng Germany naniniwala sila na sila ang nangungunang lahi sa Europe. Mga bansang masidhi ang paniniwalang Karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng isang bansa - Halimbawa ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria. - Pagkamuhi ng Serbia dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria Marami rin sa mga estado ng Balkan na Greek Orthodox ang relihiyon, at ang pananalita ay

Hindi nasiyahan ang Germany at Italy sa pagkakahati- hati ng Africa sapagkat kaunti lamang ang kanilang nasakop samantalang Malaki naman ang bahaging nakuha ng England at France. 3. Militarismo Tumutukoy sa paniniwala ng isang Bansa sa pagkakaroon ng isang malakas na pwersang militar at agresibong paggamit nito. Sa pagpasok sa ika-20 siglo, nagsimula na ang paligsahan ng pagkakaroon ng mga malalakas na pwersang militar, kabilang dito ang pagkakaroon ng mga malakas at makabagong armas. Upang mapangalagan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansang Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng armas. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagpaparami ng armas. Ito aang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany. Ipinalagay na ito’y tahasang paghahamon sa kapangyarihan ng England bilang Reyna ng Karagatan. 4. Pagbuo ng mga Alyansa Ano ang Alyansa? Ang alyansa ay tumutukoy sa isang kalipunan ng mga bansa o Partido na sumusuporta sa iisang programa, paniniwala at adhikain. Dahil sa inggitan,paghihinalaan , at lihim na pangamba ng mga bansang makapangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo- ang TRIPLE ENTENTE at ang TRIPLE ALLIANCE. Tripple Alliance Ito ay binubuo ng pagsasanib pwersa ng mga bansang Germany, Austria-Hungary, at Italy. Nakaroon din ng pagsasanib pwersa sa pagitan ng Germany at Russia noong 1887 ngunit sa kalaunan ay nabuwag din ito. Matapos mag tagumpay ang Germany sa Digmaang sa Franco-Prusso noong 1871, nakuha nila ang control sa mga probinsiyang Alsace at Lorraine na pawang mga bahagi ng hanggan ng sakop ng France. Upang maiwasan ang muling

pagbangon ng France at upang hindi ito mabawi ang mga dati nitong nasasakupang probinsiya, pinangunahan ng German Chancellor na si Otto Von Bismarck ang pakikisanib pwersa sa mga ibang bansang Europeo. Tripple Entente Taong 1907, bunsod ng kanilang pangamba sa patuloy na paglakas ng pwersa ng Germany, tuloyan ng bumuo ng alyansa ang mga bansang France, Russia at Britain at tinawag itong TRIPLE ENTENTE. Isang kasunduan ng pakikipagkaibigan sa pagitan ng tatlong bansa at hindi isang alyansang military, ngunit para sa Germany, ang pagkatatag ng alyansang ito ay isang banta sa kanilang bansa. Sa kabilang banda, lubos na pagkapahiya ang naramdaman ng France mula sa kanilang pagkatalo laban sa Germany noong 1871 at kanilang napagtanto na hindo nila matatalo ang Germany ng mag-isa lamang. Dahil dito at sa patuloy na pagpapalakas g Germay, humanap ang France ng mga bansa na maaari niyang makaalyado. Unang nakipagalyansa ang France sa Russia noong 1894. Bagaman magkaribal sa mga usaping kolonyal, nagkasundo ang mga bansang France at Britain sa pamamagitan ng ENTENTE CORDIAL. Triple Entente Triple Alliance/Central Powers France England Russia Germany Austria-Hungary Italy E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # Mga iba pang sanhi ng pagsiklab ng digmaan “The Balkan Powder Keg” Tinagurian ang Balkan bilang powder keg ng Europe dahil sa tensyon na namumuo rito. Pangunahing dahilan ng labis na tensyon ay ang nasyonalismong namayani sa pangkat etnikio sa Balkan na naghahangad ng

Dahil hindi nasunod ang ultimatum at sa tiwala na sila ay tutulongan ng Germany, noong Hulyo 28, 1914 ay nagdeklara ng digmaan ang Austria-Hungary laban sa Serbia. Ang pangyayaring ito ang opisyal na pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Mga Prominenteng Tao sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Otto Von Bismarck Isang German Chancellor. Siya ang nanguna o bumuo ng alyansang TRIPLE ALLIANCE Kaiser Wilhelm II Naluklok sa trono taon 1888 nagwakas ang alyansa sa pagitan ng Germany at Russia. mas pinaigting ang hukbong dagat ng Britain. pinalakas din niya ang hukbong dagat ng Germany at; pagtatatag ng kolonya sa Asya at Aprika. Arcduke Franz Ferdinand 18 Disyembre- Hunyo 28, 1914 Isang artsiduke ng Austria-este. Prinsiping Imperyal ng Austria at malaharing prinsipe ng Hungary at Bohemya mula 1889 hanggang sa kanyang kamatayan. Itinakdang tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary. Sa Kanyang pagkapaslang sa Sarajevo ay nag mitsa sa Unang Digmaang Pandaigdig. Gavrilo Princip Isang Serbian na kasapi ng lihim na nasyonalismong grupo na na tinatawag na “Black Hand” na siyang salarin sapagpatay kay Archduke Franz Ferdinand at sa asawa nito. Sophie Asawa ni Archduke Franz Ferdinand.

F. Paglinang sa kabihasnan Natatandaan mo pa ba? Panuto: Tukuyin kung sino at ano ang sinasabi ng mga pangungusap. 1. Tumutukoy sa pagsasanib pwersa ng mga bansa. 2. Siya ang naging mitsa para magsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig. 3. Tumutukoy sa paligsahan ng mga makapangyarihang bansa sa pagpapalakas ng kanilang sandatahang lakas, 4. Siya ay kasapi ng Nasyonalismong grupo na Black hand na pumatay sa kay Archduke Franz Ferdinand 5. Tumutukoy sa masidhing pagmamahal sa bayan. 6. Dahil sa kanya ay nagiba ang alyansang Germany at Russia noong 1887. G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay Pangkatang Gawain: Hahatiin ang klasi sa 4 na pangkat. Bawat pangkat ay guguhit ng imahe na sumisimbolo sa mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig at kanila itong ipapakita sa klasi at ilalarawan kung papaano ito naging sanhi ng pagsiklab ng unang digmaan. 1. Nasyonalismo 2. Imperyalismo 3. Militarismo at; 4. Alyansa H. Paglalahat ng aralin Itatanong ng guro sa mga mag-aaral: Ano ang inyong natutunan ngayong araw? Ano-ano ang mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig? Pano naging sanhi ng Digmaan ang: - Nasyonalismo - Imperyalismo - Militarismo - Alyansa - Pagkamatay ni Archduke Franz Ferdinand Kailan naganap ang Unang Digmaan? Bakit? I. Pagtataya ng aralin Matching type: Piliin lamang ang titik ng tamang sagot 1. Dahil sa kanya ay nagwakas ang Alyansang Germany at Russia A. Imperyalismo B. Sophie C. Germany, Austria- Hungary, Italy D. Triple Entente E. Franz Ferdinand F. Nasyonalismo G. Kaiser Wilmer II 2. Tumutukoy sa Pagsasanib pwersa ng mga bansa. 3. Ako ay isa mga salarin sa pagpatay sa

nakaunawa sa aralin D. Bilang ng mag- aaral na mag papatuloy sa remediation E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo na nakatulong ng lubos? Paano ito nakakatulong? Inihanda ni: BRIAN KHIER C. SALAZAR Gurong Nagsasanay Nabatid ni: RODOMAR SANCHEZ-COZ Gurong Tagapagsanay

Was this document helpful?

LP AP8 4th quarter

Course: Bachelor of Secondary Education Major in English (BSED ENGLISH 3)

85 Documents
Students shared 85 documents in this course
Was this document helpful?
Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman
Ang mga mag-aaral ay inaasahang
Naipamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at sama- samang
pag kilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulongan
at kaunlaran.
B. Pamantayan sa Pagganap
Aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa,
proyekto sa antas ng rehiyonal at pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulongan at kaunlaran
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto
Nasusuri ang mga dahilang nag bigay-daan sa Unang
Digmaang pandaigdig.
II. NILALAMAN
Ang Unang Digmaang Pandaigdig
III. MGA KAGAMITANG
PANTURO
ARALING PANLIPUNAN 8 KASAYASAYAN NG DAIGDIG
Mga Sanggunian
1. Mga pahina sa
Gabay sa
Pagtuturo
2. Mga pahina sa
kagamitang pang
mag-aaral
3. Mga pahina sa
teksbuk
Ang Unang Digmaang Pandaigdig, pahina 446-449
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
LR portal
https://www.youtube.com/watch?v=rhcn3t2cGck
5. Iba pang
kagamitang
panturo
Laptop, PPT slide deck
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa
nakaraang aralin
at/o pagsisimula
ng bagong aralin
a. Panalangin
b. Pag Check ng attendance.
c. Ilalahatag ng guro ang mga alintuntunin sa loob
ng klasi
B. Paghahabi sa
layunin ng aralin
Picture analysis: Suriin ang mga larawan ang
Paaralan
Nursery High School
Baitang
8
Guro
Brian Khier C. Salazar
Asignatura
Araling Panlipunan
Petsa at Oras
Markahan
Ika-apat na
markahan