- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Si Tatay - Hey
Course: bs nursing
999+ Documents
Students shared 8659 documents in this course
University: Southwestern University PHINMA
Was this document helpful?
Si Tatay
Ang unang lalaking aking minahal,
Unang lalaking nagpatatag ng aking kalooban sa panahon na ako'y nanghihina
Unang lalaki na aking iniyakan
Pag siya ang unang lalaki na ako'y iniwan
Ito, ito ang pinakamalaking katanungan sa aking isipan,
Na kung Bakit ako'y iniwan sa panahon na ika'y kailangan ,
Sa panahon na ako'y nangungulila sa pamamahal ng isang ama,
Sa panahon na aking nakamit ang mga tagumpay ngunit ika'y wala.
Baliwala Lang ang mga medalya at sintas
Kung wala ka naman upang ito'y isabit sa aking ulo
Ginawa ko naman ang lahat upang ako'y iyong maipagmalaki,
Ngunit ito'y hindi naging sapat sa iyo
Saan ako nagkulang bilang anak?
Saan nagkulang c ate, c Kuya?
Saan nagkulang c inay ? Upang kami'y iyong iwanan ng bigla
Nang hindi man Lang nagpapaalam
Pamilyang kasama ang tatay, yan ang Bagay na meron ang karamihan na Wala ako
Naiinggit ako sa mga pamilya na sabay-sabay kumakain, nagtatawanan, at nagmamahalan
Samantalang ako? Heto ang lungkot na para bang dinurog ang aking puso