- Information
- AI Chat
SG FPL 11 12 Q1 0303 Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE Fil1)
St. Paul University Dumaguete
Preview text
Yunit 3: Pagsulat ng Abstrak
Aralin 3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Abstrak
Nilalaman
Pansinin 1
Panimula 1
Mga Layunin 2
Tuklasin 2
Alamin 5
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak 5
Palawakin 10
Gawain 1 10
Gawain 2 11
Suriin 12
Paglalahat 14
Bibliograpiya 15
Pansinin
Panimula
Lar. 1. Ang pag-oorganisa ng mga ideya o impormasyon ay isang mahalagang hakbang upang makabuo ng isang maayos na sulatin.
Ang pagsulat ng abstrak, bagamat sinasabing isang maikling bersiyon lamang ng mga akademikong papel gaya ng pananaliksik, ay isang uri ng sulatin na nangangailangan pa rin ng proseso o hakbang na dapat sundin upang ito ay maging organisado at madaling maunawaan ng mga mambabasa. Ang pagsasaayos ng mga impormasyon o ideyang naiisip bago isulat ay mahalagang bagay na hindi dapat isantabi. Dapat tandaan na nakasalalay sa interes ng mambabasa kung babasahin niya ang kabuoan ng sulating binuo ng manunulat.
Ikaw, naranasan mo na bang sumulat ng isang abstrak? Paano mo ito sinimulan? Mahirap ba ang naging proseso ng pagsulat mo nito?
Mga Gabay na Tanong
Sa mga hakbang na inilista mo at ng iyong kapareha, alin ang magkakapareho?
Mula sa mga naisulat na mga hakbang sa pagsulat, alin sa iyong palagay ang pinakamahalaga? Bakit?
Bakit mahalagang sundin ang mga hakbang sa pagsulat?
Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng hakbang sa anomang bagay o gawain?
Ano ang abstrak? Sa iyong palagay, ano-ano ang proseso o hakbang sa pagbuo nito?
**a. Unang Hakbang: Isulat muna ang Papel Pananaliksik ** Bagaman ang abstrak ay makikita sa unahang bahagi ng papel, nararapat na ito ang huling isinusulat. Tiyakin na naisaayos at naisapinal muna ang binuong pananaliksik sapagkat sa kabuoang pananaliksik na ito magmumula ang abstrak. Tiyakin na nairebisa na o hindi kaya ay naalis na ang nilalaman na hindi angkop sa pananaliksik nang sa gayon ay maging malinaw ang paglalahad sa abstrak.
Isang paalala rin na ang abstrak ay inilalagay sa bukod na papel at nasusulat sa paraang maikli, hindi maligoy ngunit tiyak. Ayon sa APA Style manual , ang abstrak ay may haba lamang na 150 hanggang 250 na salita ngunit depende pa rin sa iba’t ibang dyornal. Isinusulat din ito nang isang talata lamang at walang indensyon.
**b. Ikalawang Hakbang: Isaayos ang Pagkakasunod-sunod ng Bahagi ng Abstrak ** **na tulad ng sa Papel Pananaliksik ** Sa isang batayang pananaliksik, nangangailangan lamang ng iyong simpleng pagsusuri sa mga pinagkunang babasahin upang makalikha ng argumento batay sa iyong nabasa. Sa ganitong sitwasyon ay maaari mo nang ibuod ang mga pangunahing argumentong nagmula sa iyong mga nabasa upang mailahok sa bubuoing abstrak.
Samantala, kung ang pananaliksik ay mas detalyado at batay sa sariling sarbey, pag-aaral o eksperimento, nangangailangang matukoy ang sumusunod na bahagi: ● Ang Suliranin at ang Dahilan ng Pagsisiyasat Nito ● Metodolohiya o Hakbang na Isinagawa ● Resulta o Natuklasan ● Kongklusyon at Implikasyon
Maaari ding magbasa ng ilang halimbawang abstrak mula sa iba’t ibang dyornal na pampropesyonal upang makakuha ng ideya kung paano ito isinusulat ng mga awtor.
Paano magagamit ang kaalaman at kasanayan sa
pagsulat ng abstrak sa mga gawaing
pampropesyonal?
**c. Ikatlong Hakbang: Bumuo ng Burador ng Abstrak ** Sa paghahanda ng burador ng abstrak, isaalang-alang sa proseso o hakbang sa pagbuo nito ang sumusunod (Koopman, 1997):
● Tukuyin ang dahilan sa pagsulat ng abstrak. Itala ang kahalagahan ng pananaliksik at pamamaraan upang makuha ang interes ng mga mambabasa na tapusin ang nilalaman ng likha. ● Itala ang suliranin. Ilahad ang suliraning nais bigyang kalutasan ng ginawa. Gayundin, ipakita ang sakop ng pag-aaral at ang nais na patunayan dito. ● Ilahad ang metodolohiya. Ang abstrak ng isang siyentipikong pag-aaral ay naglalaman ng mga tiyak na modelo o lapit na ginamit sa kabuoan ng pag-aaral. Samantala, may ilang mga abstrak na maaaring naglalarawan lamang ng mga uri ng ebidensiyang ginamit sa pananaliksik. ● Ipakita ang resulta. Ang abstrak ng isang siyentipikong gawain ay maaaring maglahok ng mga tiyak na datos na nagpapakita ng mga resulta ng isang pag-aaral. Samantala, ang iba pang mga abstrak ay maaaring tumalakay ng mga natuklasan sa isang mas malawak na paraan. ● Isaad ang mga implikasyon. Isaad ang mga pagbabagong dapat ipatupad mula sa resulta ng mga natuklasan sa pag-aaral. Ilahad rin ang ambag nito sa lawak ng kaalamang kinabibilangan ng paksang napili.
**d. Ikaapat na Hakbang: Ipabasa sa Kakilala ang Abstrak na Isinulat ** Mahalagang maipabasa sa iba o sa kakilala ang isinulat na abstrak nang sa gayon ay matulungan ka sa mga posibleng pagkakamali o mga nilalaman na nararapat ayusi n na hindi mo napansin habang ito ay iyong isinusulat.
Ang lahat ng abstrak ay naglalaman ng isang buong sipi (citation) ng pinagmulan, pinakamahahalagang impormasyon, parehong uri at estilo ng wikang matatagpuan sa orihinal, kabilang na rin ang wikang panteknikal, mga susing salita at parirala na madaling nagpapakilala sa nilalaman at tuon ng ginawa, at malinaw, maiksi, at makapangyarihang paggamit ng wika.
Ano ang kahalagahang naidudulot ng pagsunod sa
mga hakbang sa pagsulat ng abstrak?
Ang mga abstrak ay maaaring maglaman ng tesis ng akda na kadalasang unang pangungusap ng talata, kaligirang impormasyon na naglalagay ng gawa sa mas malawak na sakop ng literatura, at kapareho sa kronolohikal na estruktura ng orihinal.
Tip
Sa pagsulat ng abstrak ay mahalagang maisaalang-alang ang wastong pagpili ng mga salita na angkop sa uri ng papel na ginagawa. Sikapin din na maging simple ang paraan ng pagpapahayag.
Palawakin
Gawain 1
Humanap ng kapareha. Sa pamamagitan ng isang grapikong pantulong ( graphic organizer ) ay ipakita ang mga hakbang na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng abstrak. Gumami t lamang ng mga salita o parirala.
Suriin
A. Sagutin ang sumusunod, ipaliwanag sa sariling pangungusap.
Ano ang abstrak?
Saan matatagpuan ang abstrak?
Bakit tayo sumusulat ng abstrak?
Ano-ano ang dapat tandaan o hakbang sa pagbuo ng abstrak?
Anong kasanayan para sa isang estudyanteng katulad mo ang nalilinang na kaalaman sa pagbuo ng abstrak?
B. Sagutin ang sumusunod, ipaliwanag sa sariling pangungusap. 1. Bakit kailangang sundin ang mga hakbang sa pagsulat ng abstrak?
Ano ang posibleng mangyari kung walang hakbang na sinusunod sa pagbuo ng abstrak?
Paano mapananatiling maayos ang estruktura ng isang abstrak?
Bibliograpiya
Austero, C. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Valenzuela City: Mutya Publishing House, 1999.
Cherry, K. APA Style and Writing. How to write an APA Abstract. 2020 verywellmind/how-to-write-an-abstract- nakuha noong Abril 12, 2020
Garcia, L. Paradaym: Pananaliksik sa Wikang Filipino. Malabon City: Jimcyzville Publications, 2012.
Gonzales, E. et al. Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2013.
How to Write a Great Abstract for your Academic Paper. IEREK Press. 2018 ierek/news/index.php/2018/04/01/4-easy-steps-write-winning-abstract- academic-research/ nakuha noong Abril 12, 2020
Koopman, Philip <How to Write an Abstract= The Writing Center. Carnegie Mellon University, 1997 writingcenter.unc/files/2011/12/Abstracts-The-Writing-Center.pdf nakuha noong Marso 21, 2020.
SG FPL 11 12 Q1 0303 Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
Course: Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE Fil1)
University: St. Paul University Dumaguete
- Discover more from: