- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
ESP-10-Modyul 10- Pagmamahal SA Bayan Gawain 2 3rd quarter
Course: Values Education (Val Ed101)
44 Documents
Students shared 44 documents in this course
University: St. Paul University Manila
Was this document helpful?
Ikalawang
Gawain
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikatlong Markahan
Pangalan: _____________________________________________________ Pangkat: ___
Seksyon: _____________________________________________________
AKO BA ITO?
I.Panuto: Suriin kung angkop sa iyo ang mga katangian o gawain na nakatala sa ibaba. Lagyan ng tsek ( √ ) ang angkop
na kolum ayon sa mga katangian na iyong isinasabuhay. Isulat ang sagot sa isang buong papel
Mga Katangian Ako ito Hindi
Ako Ito
Halimbawa: Inaawit ko nang maayos ang Lupang Hinirang at binibigkas na may
paggalang ang Panunumpa sa Watawat at Panatang Makabayan. √
1. Nakikipagtulungan ako sa mga organisasyong ang adbokasiya ay protektahan ang
buhay at kalusugan ng mamamayang Pilipino
2. Tumatanggi ako sa anumang bagay na di ayon sa katotohanan kahit sa simpleng
pagsisinungaling
3. Masaya ako kapag tinutulungan ko ang mga nangangailangan.
4. Lagi akong nagpapasalamat at humihingi ng patnubay sa Diyos.
5. Nagmamano at humahalik ako sa kamay ng mga nakatatanda sa akin.
6. Sinisegurado na nakukuha ko kung ano ang dapat para sa akin at naibibigay kung ano
ang nararapat para sa iba.
7. Isinasaalang-alang ko ang karapatan ng iba bilang tanda ng paggalang at
pagkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan ng loob.
8. Sinusunod ko ang mga panuntunan sa paaralan at komunidad.
9. Sumasama ako sa pagbisita sa mga museo.
10. Tinatapos at ginagawa ko ang lahat ng makakaya upang magawa ang gawain nang
higit pa sa inaasahan.
11. Inihiwalay ko ang mga basura ayon sa uri nito.
12. Nakikiisa ako sa mga pagtitipong kailangan ang aking pakikilahok upang ipaglaban
ang aking karapatan bilang mamamayan.
13. Nakihahalubilo ako sa mga kabataang nagpapalitan ng kuro-kuro sa kung anong
maaaring gawin upang makatulong sa kapuwa Pilipino.
14. Sinisikap kong gamitin ang aking kalayaan sa kabutihan sa kabila ng mga
masasamang impluwensiya sa kapaligiran.
15. Tumatawid ako sa tamang tawiran at hindi ako nakikipag-unahan o sumisingit sa
pila.
16. Gumagawa ako ng paraan upang maisulong ang kapakanan ng lahat hindi lamang
ang aking sarili, pamilya, kaibigan, at kabaranggay
Paraan ng Pagmamarka: Balikan ang gawain at bilangin ang mga aytem na nilagyan ng tsek sa kolum na “Ako ito”
Paglalarawan/ Interpretasyon
0-4
Nangangailangan nang sapat na kaalaman at pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa
bayan.
5-8 May kaalaman sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan na nangangailangan ng pagpapaunlad.
9-12 May kasanayan sa pagsasabuhay ng mga kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.
13-16 May sapat na kaalaman sa pagsasabuhay ng pagpapahalaga sa pagmamahal sa bayan na kailangang
ipagpatuloy
Ang nakuha mong iskor sa gawain na ito ay hindi nararapat na bigyan ng negatibong interpretasyon. Ang
layunin ng gawaing ito ay upang tayahin ang iyong gawi o pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
May magagawa ka pa upang ito ay mapaunlad at tuluyang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan.
Subject Teacher – EDUARDO A. DE VERA/MONIQUE T.
FORMAREJO
EsP – 10
Modyul 10: Pagmamahal sa
Bayan