- Information
- AI Chat
Panitikan Module (WEEK 2)
Accountancy
STI College
Recommended for you
Preview text
SCHOOL OF LIBERAL ARTS
PANITIKAN
WEEK 2
✓ INTRODUKSYON
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?
Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga pangunahing akdang pampanitikan sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga akdang pampanitikan ng iba’t ibang rehiyon malalaman ang nakatagong kultura ng sinaunang panahon na maiuugnay sa kasalukuyan
TUNGKOL SAAN ANG UNIT NA ITO?
✓ INAASAHANG BUNGA SA UNIT NA ITO
####### Sa pagtatapos ng pag-aaral sa Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang magtatamo ng mga sumusunod:
Kognitibo Naiisa-isa ang pangkalahatang uri ng genreng pampanitikang naging bahagi ng panitikang Pilipino. Apektibo Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pang-unawa sa mga uri ng panitikan. Psychomotor Nakagagawa ng sariling akda na tumatalakay sa napiling uri ng panitikan.
✓ PANIMULANG GAWAIN
Ano ba ang alam mo?
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa. Panuto: Ibigay ang sariling pang-unawa o kaalaman tungkol sa kahulugan at halimbawa ng akdang tuluyan at akdang patula.
TULUYAN PATULA
- Pangkalahatang uri ng panitikan (Genreng Pampanitikan)
✓ MGA ARALIN SA PAGKATUTO
Pangkalahatang Uri ng Panitikan
Tuluyan - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap
❖ Uri ng anyong Tuluyan
Nobela
- tinatawag ding kathambuhay, mahabang salaysay ng mga kawing-kawing at masalimuot na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa kabanata.
- Nobela ng pangyayari
- Nobela ng tauhan
- Nobela ng romansa
- Nobela ng pagbabago
- Nobela ng kasaysayan
Maikling kwento - isang salaysay ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhang may suliranin. Ito’y nagtatapos sa isang takdang panahon at nag-iiwan ng isang kakintalan o impresyon.
Dula - hindi matatawag na dula ang isang akda kung ito’y isinulat at hindi itinanghal sa entablado.
Alamat - salaysaying nauukol sa pinagmulan ng bagay, pook o pangyayari.
Pabula - may tauhang hayop ang nagsisiganap, nagsasalita at kumikilos. Kwentong nag-iiwan ng aral.
Parabula - ito kwentong hinango sa Bibliya na may kapupulutan ng magandang kaisipan at mabuting asal.
Sanaysay - naglalahad ng mga kuro-kuro at pansariling kaisipan ng isang manunulat.
Talambuhay - naglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao.
Anekdota - mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapag-bigay aral sa mga mambabasa. Maaaring ito’y isang kwento ng mga hayop o mga bata.
Balita - ito’y isang paglalahad ng mga pang araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.
Talumpati - ito’y isang pagpapahayag na sa harap ng mga taga pakinig. Ang layunin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinion o paniniwala.
d. Tulang Patnigan - Karagatan – ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa dagat at ang makakakuha’y pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa’y matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatanungin ng dalaga ng mga talinhaga. - Duplo – ito ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran ng patula. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan. - Balagtasan – ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siesne ng Panginay na si Francisco <Balagtas= Baltazar.
✓ GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.
Pagnilayan at Unawain
Gawain 1. ANO SA PALAGAY MO?
I. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:
- Ibigay ang pagkakaiba ng pagtatanghal ng duplo sa balagtasan. (10 puntos)
DUPLO BALAGTASAN
Ano ang epiko? Magbigay ng halimbawa at ibahagi ang nilalaman ng akda. (10 puntos)
______________________________________________________________________________.
Anu-anong mga kagandahang asal ang napapaloob sa mga awit at korido? (5 puntos)
______________________________________________________________________________.
Paano nakatutulong ang dalit at duplo sa pananampalataya ng isang tao? (5 puntos)
______________________________________________________________________________.
Ano ang kabutihan ang ating mapupulot sa mga awiting bayan. (5 puntos)
______________________________________________________________________________.
II. Panuto: Bumuo ng sariling <ALAMAT= at sariling kwentong <PABULA= kaugnay sa pangkalahatang akdang pampanitikan na nabanggit.
FORMAT SA PAGBUO NG AKDA:
Arial Narrow (Font Style) 12 (Font Size) 1 (Spacing) 1 inch. (Margin) Letter (Short Bond Papaer)
PAMANTAYAN
Orihinalidad - 50 bahagdan Pagkamalikhain - 25 bahagdan Kaisahan - 25 bahagdan
Kabuuan - 100 bahagdan
b. Konklusyon at Repleksyon
ISIP, DAMDAMIN at ASAL
Batay sa paksang tinalakay, sagutan ang mga sumusunod: (15 puntos)
✓ PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Kilalanin at suriing mabuti ang tinutukoy ng pahayag. Ilagay ang sagot sa patlang bago ang bilang. (15 puntos)
_____________1 ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao. _____________2 salaysaying nauukol sa pinagmulan ng bagay, pook o pangyayari. _____________3’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran ng patula. Humalili rin ito sa karagatan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan. ___________4 ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera. _______________ 5. Naglalarawan tungkol sa tunay na pamumuhay sa bukid. _____________6 nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan. _____________7 sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao. _____________8 paksa ay hango sa pangyayari tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari at reyna, prinsesa’t prinsipe.
Ano ang
natutunan?
Ano ang iyong
naramdaman?
Ano ang aral na
napulot?
_____________9 ay ang masining na pagsasama-sama ng salita upang makabuo ng taludtod na may sukat at tugma, kung walang sukat at tugma, ito ay tinatawag na malayang taludturan _____________10 ng isang pagtatanghal sa entablado. _____________11 ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. _____________12 impormasyon tungkol sa pang araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat. _____________13 sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa. _____________14 salaysay ng mga kawing-kawing at masalimuot na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa kabanata. _____________15 likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapag-bigay aral sa mga mambabasa. Maaaring ito’y isang kwento ng mga hayop o mga bata.
✓ TAKDANG ARALIN / MGA BABASAHIN:
Pag-aralan ang mga pamamaraan sa pagsulat ng Baybayin.
####### SANGGUNIAN:
❖ Espina, L.et. 2014. Literatura ng Iba’t ibang Rehiyon ng Pilipinas Ikalawang Edisyon. Maynila:Minshapers Co., Inc.
❖ Aguilar, R., 2014. Panitikan ng Pilipinas. Makati City:Grandwater Publication
❖ slideshare/rodebellinawan/ang-panitikan
Panitikan Module (WEEK 2)
Course: Accountancy
University: STI College
- Discover more from:AccountancySTI College999+ Documents
- More from:AccountancySTI College999+ Documents