- Information
- AI Chat
Kasaysayan ng wikang filipino
BSE Science
University of Caloocan City
Preview text
Kasaysayan ng wikang filipino
- Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Filipino
- Panahon ng mga Katutubo Baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig
- Baybayin
4.
Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung nais basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok sa ibaba nito ang inilalagay.
Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang kruz (+) bilang hudyat sa pagkakaltas ng huling tunog.
Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit // sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng pagtatapos nito.
Panahon ng mga Kastila Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating pagsulat. Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig. a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga Kastila. Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon. Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.
Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
- Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang Espanyol.
- Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng katutubong wika.
- Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat- panggramatika, katekismo at mga kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng katutubong wika
Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino. Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng pananampalataya subalit hindi naman ito nasunod. Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol Carlos I at Felipe II – kailangang maging bilinggwal ang mga Pilipino Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila
Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II ay naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod dito. Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga pamayanan ng Indio.
Panahon ng Propaganda Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan. • Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez- Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
Panahon ng mga Amerikano Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at pamumuhay na demokratiko Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon.
William Cameron Forbes – naniniwala ang mga kawal Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na pinamumunuan ni Schurman na ang layunin ay alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino
Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga Pilipino
Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin bilang wikang panturo ang Ingles 15
Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng sabjek sa primaryang baitang, kahit na ang Ingles ay dapat ituro sa pamamagitan ng diyalektong local
N Saleeby, isang Amerikanong Superintende – kahit na napakahusay ang maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may kani- kaniyang wikang bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba pang pang-araw-araw na gawain
Bise Gobernador Heneral George Butte – naniniwalang epektibong gamitin ang mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino. Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting wikang panturo ang mga wikang bernakular sa mga paaralan ay nanatili pa rin ang Ingles na wikang panturo at pantulong naman ang wikang rehiyonal
Panahon ng Hapones Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit nila ang katutubong wika partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog. Ipinatupad nila ang Order
• Marso 27, 1968 , nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon sa mga transaksyonng pamahalaan
- Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika
- Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2 at 3 – “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas” 26
Hunyo 21, 1978 , nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas. Nabagong muli ag Konstitusyon nang sumiklab ang Edsa I noong Pebrero 25, 1986 at nahirang na pangulo ng bansa si Gng. Corazon c. Aquino. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, nasasaad tungkol sa wika:
• Sek. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
- Sek. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles
- Sek. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol • Sek. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili
Noong Enero taong 1987 , sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino, nilikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) Noong Mayo 21, 1987 nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 si Kalihim Lourdes R. Quisimbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports na mas kilala sa Patakarang Edukasyong Billingwal ng 1987. Mayo 27, inihayag na agad sa bias ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 54 ang Panuntunan sa Implementasyon ng Patakaran.
Agosto 25, 1988, ipinagtibay ang Atas Tagapagpaganap 335, na nag-aatas sa lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina? Ahensiya/Instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon at korspondensiya. Kapapasok pa lamang ng dekad 90 nag nilagdaan ni kalihim Isidro Carino ng Kagawaran ng Edukasyon, kultura at Isports noong Marso 19, 1990 ang isang Kautusang Pamgkagawaran Blg. 21 na nagsasaad na gamitin ang Filipino sa panunumpa ng katapatan sa Konstitusyon at sa bayan. 30
• Agosto, 14, 1991, pinagtibay ni Pangulong Corazon Aquino ang Batas Republika Blg. 7104 na lumikha ng Komisyon sa Wikang Filipino.
- Amg Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nag-iisang ahensiyang pang-wika ng pamahalaan na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang grupong etnolingwistiko at iba-ibang disiplina.
- Nilikha ito upang magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang wika ng Pilipinas.
- Bubuuin/Binubuo ito ng labing isang komisyoner na ang isa ay magsisilbing tagapangulo.
Noong Hunyo 12, 1996 naman ayipignagtibay ni Pangulong Fidel Ramos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 343 na nagpapatibay sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat. Sa panunungkulan ni Pangulong Fidel Ramos ay naitala ang isa sa mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan ng wikang pambansa. Ang Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan noong Hulyo 15, 1997. Ang proklamasyon ay nagtatakda na sa halip na isang linggong pagdiriwang lamang, ginawa niyang buong buwan ng Agosto ay tanghaling Buwan ng Wikang Pambansa. 32
Kahulugan ng FILIPINO Ayon kay Garcia, et. Al (2010), malaganap na ang promosyon ng wikang pambansa at maging ang mga asignatran ay maliwanag na nakasulat at tinatawag na Filipino.
Pambansang lingua franca Sinasabing pambansang lingua franca ang Filipino dahil ito ang ginagamit ng mga tao mila sa iba’t ibang katutubong wika o magkakaibang pinanggalingang probinsiya upang magkaunawaan at makipag- uganayan.
Wikang Pambansa Nakapaloob sa konstitusyon 1987 ng Republika ng Pilipinas, ang Filipino ang Wikang Pambansa. Dahil sa wikang ito tinatalakay ang mga bagay-bagay ukol sa bansa na siya namang naiintindihan ng bawat mamamayang Pilipino. Ito ay ginagamit sa pakikipag- ugnayan
Opisyal na Wika sa Komunikasyon Ginagamit ang Filipino a opisyal na komunikasyon
Ang wikang Filipino ay ginagamit sa: Delibersyon sa lehislatura at pagsulat ng batas; Pag-isyu ng mga deskrito at mga kautusang ehukutibo; Pormulasyon ng mga pambansang patakaran; Paghahanda ng mga impormasyong pampubliko kauganay na programa ng gobyerno; Pagdaraos ng mga paglilitis at pagpapasiya sa hukuman; Pagsulat ng memorandum at iba pang sulat komunikasyon; Mga opisyal na dukomento; at Mga tungkulit at gawain sa estado.
Opisyal na Wikang Panturo Kinikilala ang Filipino bilang mabisang wika ng pagtuturo at pagkatuto Ginagamit ang wikang Filipino sa pagtuturo at pag-aaral sa iba’t ibang disiplina ng kaalaman at lahat ng antas ng edukasyon.
Pormal na deskripsiyon ng Filipino ayon sa KWF Resolusyon Blg. 92-1 (Mayo 13, 1992) Ito nag katutubong wika, pasalita at pasulat sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon at sa iba pang sentrong urban sa archipelago na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Ngunit noong ika-28 ng Agosto. 1986 sa bias ng Resulosyon 96- 1, sinusugan ang batayang deskripsiyon ng ng Filipino na ganito ang isinasaad: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Noong Agosto 5, 2013 ay pinagtibay ng bagong Kalupunan ng KWF ang Kappasiyahan Blg. 13-39. isang rebisadong depinisyon ito ng wikang “Filipino” at ipinahayag ang sumusunod na pakahulugan.
“Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit ng Buong Filipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pagbigkas, at sa pasulat na paraan ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nilinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa katutubong wika sa bansa.”
Espanyol, gaya ng sumusunod: A /ey/, B /bi/, C /si/, D /di/, E /i/, F /ef/, G /dyi/, H /eyts/, I /ay/, J /dyey/, K /key/, L /el/, M /em/, N /en/, NG /endyi/, Ñ /enye/, O /o/, P /pi/, Q /kyu/, R /ar/, S /es/, T /ti/, U /yu/, V /vi/, W /dobolyu/, X /eks/, Y /way/, Z /zi/. Ngunit hindi nasagot ng 1987 gabay ang ilang sigalot, lalo na ang hinggil sa kaso ng kambal-patinig o diptonggo, na lumitaw mula pa sa 1977 gabay. 50. Grafema - Pangunahing tungkulin ng ortograpiya ang paglalapat ng grapema sa pahayag na pasalita at bigkas. Tinatawag na graféma ang isang set o pangkat ng mga bahagi sa isang sistema ng pagsulat. Ang mga grapema sa praktika ng ortograpiyang Filipino ay binubuo ng tinatawag na mga titik at mga di- titik. 51. 1. Titik. Ang títik o létra ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita. Binubuo ito ng mga patínig o bokablo (vocablo) at ng mga katínig o konsonante (consonante). Ang serye ng mga titik o letra ay tinatawag na alpabéto. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) titik at kumakatawan ang bawat isa sa isang tunog. Binibigkas o binabása ang mga titik sa tunog-Ingles maliban sa Ñ.
- Di-titik. Binubuo ang di-titik ng mga tuldik at mga bantas. Ang tuldik o asento ay gabay sa paraan ng pagbigkas ng mga salita. Sa lingguwistika, itinuturing ang tuldik na simbolo para sa impit na tunog o kayâ sa diin o habà ng pagbigkas. Sa abakadang Tagalog, tatlo ang pinalaganap nang tuldik: (a) ang tuldik na pahilis ( ́) na sumisimbolo sa diin at/o habà, (b) ang tuldik na paiwa (`), at (c) ang tuldik na pakupya (^) na sumisimbolo sa impit na tunog. Kamakailan, idinagdag ang ikaapat, ang tuldik na patuldok, kahawig ng umlaut at diaeresis ( ̈ ) upang kumatawan sa tunog na tinatawag na “schwa” sa lingguwistika.
- Ang bantas ay kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng mga titik at pantig, sa pagitan ng mga salita at mga parirala, at sa pagitan ng mga pangungusap. Binubuo ito ng kuwit (,), tuldok (.), pananong (?), padamdam (!), tuldok-kuwit (;), kudlit (‘), at gitling (-).
- Ang Pantig At Palapantigan Ang pantíg o sílabá ay isang saltik ng dila o walang patlang na bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. Binubuo ang mga pantig ng mga titik na patinig at katinig. Bawat patinig (a/e/i/o/u) ay isang pantig; samantala, kailangan ng bawat katinig ang isang patinig upang maging pantig. Dagdag pa, may isa (1) lámang patinig sa bawat pantig samantalang maaaring mahigit sa dalawa ang katinig sa isang pantig.
- Kayarian ng Pantig Alinsunod sa sinundang paliwanag, ang pantig ay maaaring binubuo ng isang patinig, o isang katinig at isang patinig, o dalawa o mahigit pang katinig at isang patinig. Sumusunod ang mga kayarian ng pantig at kinakatawan ng P ang patinig at ng K ang katinig: Kayarian Halimbawang salita P a·a KP bi·be PK ok·ok KPK pat·pat KKP pla·pla PKK arm, urn KPKK dorm, form KKPK plan, tram KKPKK tsart KKPKKK shorts.
- Pagpapantig ng mga Salita. Ang pagpapantig ay paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ipinambuo dito. Nakabatay ito sa grapema o nakasulat na mga simbolo. Halimbawa, /u·be/ (ube), /ba·hay/ (bahay). Narito ang ilang tuntunin: Una, kapag may magkasunod na dalawa o mahigit pang patinig sa posisyong pang- una, panggitna, at pandulo, ito ay inihihiwalay na pantig. Halimbawa: /a·ak·yat/ (aakyat), /a·la·a·la/ (alaala), /to·to·o/ (totoo). Ikalawa, kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang una ay isinasáma sa sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasáma sa kasunod na pantig. Halimbawa: /ak·lat/ (aklat),
/es·pes·yal/ (espesyal), /pan·sit/ (pansit), /os·pi·tal/ (ospital). Nasasaklaw nitó pati ang mga digrapo, gaya sa kut·son (kutson), sit·sa·ron (sitsaron), tit·ser (titser). Ikatlo, kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay sumasáma sa patinig ng sinundang pantig at ang ikatlo ay napupunta sa kasunod na pantig. Halimbawa: /eks·per·to/ (eksperto), /trans·fer/ (transfer), /ins·pi·ras·yon/ (inspirasyon). Ikaapat, kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay M o N at ang kasunod ay alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR, ang unang katinig (M/N) ay isinasáma sa unang patinig at ang sumunod na dalawang katinig ay napupunta sa kasunod na pantig. Halimbawa: /a·sam·ble/ (asamblea), /tim·bre/ (timbre), /si·lin·dro/ (silindro), /tem·plo/ (templo), /sen·tro/ (sentro). Ikalima, kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, isinasáma ang unang dalawang katinig sa sinusundang patinig at isinasáma ang hulíng dalawang katinig sa kasunod na pantig. Halimbawa, /eks·plo·si·bo/ (eksplosibo), /trans·plant/ (transplant), /hand·breyk/ (handbreyk). 56. 2. Pantig ng Inuulit. Kapag ang salita ay nagsisimula sa patinig, ang patinig lámang ang inuulit. Halimbawa: /a·ak·yat/ (aakyat), /i·i·big/ (iibig),/ u·u·bu·hin/ (uubuhin). Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salita. Halimbawa: /ma·a·ak·yat/ (maaakyat), /u·mi·i·big/ (umiibig), /nag·u·ubo/ (nag-uubo). Kapag nagsisimula sa kayariang KP ang salita, ang unang pantig lámang ang inuulit. Halimbawa: /la·la·kad/ (lalakad), /ba·ba·lik/ (babalik). Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salitang-ugat. Halimbawa: /mag·la·la·kad/ (maglalakad), /pag·ba·ba·lik/ (pagbabalik). 57. Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpol-katinig (consonant cluster), ang unang katinig at patinig lámang ang inuulit. Halimbawa: /i·pa·pla·no/ (ipaplano), /mag·ta·trans·port/ (magtatransport), /pi·pri·tu·hin/ (piprituhin). Nagaganap ito kahit sa kaso ng hindi pa nakareispel na salitang banyaga. Halimbawa: “magbiblessing,” “ipako·close,” 58. 3. Pagbaybay Na Pasalita
- Patitik ang pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang ibig sabihin, isaisang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, inisyals, simbolong pang-agham, atbp. 65
- Pagbaybay Na Pasulat •Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak na tuntuning “Kung ano ang bigkas, siyáng sulat” sa pagbaybay na pasulat. Siyempre, hindi ito nasusunod sa “mga” na isang pagpapaikli sa lumang anyo nitóng “manga” at ginagamit hanggang sa bungad ng ika-20 siglo. Mahalaga ring pag-aralan kung kailan ginagamit ang maikling “ng” at ang mahabàng “nang,” isang tuntuning pinairal mulang Balarila at bumago sa ugali noong panahon ng Espanyol na mahabàng “nang” lagi ang isinusulat. 4 ng Walong Bagong Titik. Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay na pasulat ang paggamit ng walong (8) dagdag na titik sa modernisadong alpabeto: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Pangunahing gamit ng mga ito ang pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika ng Filipinas. Ang mga titik na F,J,V, at Z ay napakaimportante upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa mga katutubong wika. Hindi tulad noong panahon ng abakada na ang “Ifugaw” ay isinusulat na “Ipugaw” o ang “Ivatan” ay isinusulat na “Ibatan.” Narito pa ang ilang halimbawa: safot (Ibaloy) sapot ng gagamba falendag (Tiruray) plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan feyu (Kalinga) pipa na yari sa bukawe o sa tambo jalan (Tausug) daan o kalsada masjid (Tausug, Maranaw mula sa Arabe) tawag sa gusaling sambahan ng mga Muslim vakul (Ivatan) pantakip sa
(quit) o KY “barbikyu” (barbeque). Ang X naman ay tinatapatan noon pa ng KS gaya sa “ekis” (exis). 4. Panghihiram Gamit ang 8 Bagong Titik. Sa pangkalahatan, sa gayon, ang lahat ng walong dagdag na titik sa alpabeto ay ginagamit sa dalawang pagkakataon. Una, sa mga pangngalang pantangi, halimbawa, Charles Cordero, San Fernando, Jupiter, Santo Niño, Quirino, Nueva Vizcaya, Maximo, Zion. Ikalawa, sa mga pormulang siyentipiko at katawagang teknikal, halimbawa, “carbon dioxide,” “Albizia falcataria,” “jus sanguinis,” “quo warranto,” “valence,” “x- axis,” “zeitgeist.” 4. Eksperimento sa Ingles. Sa pangkalahatan, ipinahihintulot at ginaganyak ang higit pang eksperimento sa reispeling o pagsasa- Filipino ng ispeling ng mga bagong hiram sa Ingles at ibang wikang banyaga. Dapat madagdagan nang higit ang “istambay” (stand by), “iskul” (school), “iskedyul” (schedule), “pulis” (police), “boksing” (boxing), “rises” (recess), “bilding” (building), “groseri” (grocery), “anderpas” (underpass), “haywey” (highway), “trapik” (traffic), “gradweyt” (graduate), “korni” (corny), “pisbol” (fishball), “masinggan” (machinegun), “armalayt” (armalite), “bisnis” (business), atbp. Ang ganitong reispeling ay malaking tulong sa mga mag-aaral dahil higit na madali niláng makikilála ang nakasulat na bersiyon ng salita. 4. Espanyol Muna, Bago Ingles. Dahil sa mga naturang problema, iminumungkahi ang pagtitimpi sa lubhang pagsandig sa Ingles. Sa halip, maaaring unang piliin ang singkahulugang salita mulang Espanyol, lalo’t may nahahawig na anyo, dahil higit na umaalinsunod ang wikang Espanyol sa bigkas at baybay na Filipino kaysa Ingles. Higit na magaang basáhin (at pantigin) ang “estandardisásyon” (estandardizacion) mulang Espanyol kaysa “istandardiseysiyon” (standardization) mulang Ingles, ang “bagáhe” (bagaje) kaysa “bageyds” (baggage), ang “birtúd” (virtud) kaysa “virtyu” (virtue), ang “ísla” (isla) kaysa “ayland” (island), ang “imáhen” (imagen) kaysa “imeyds” (image), ang “sopistikádo” (sofisticado) kaysa “sofistikeyted” (sophisticated), ang “gradwasyón” (graduacion) kaysa “gradweysiyon” (graduation). 4. Ingat sa “Siyokoy.” Mag-ingat lang sa mga tinatawag na salitang “siyokoy” ni Virgilio S. Almario, mga salitang hindi Espanyol ay hindi rin Ingles at malimit na bunga ng kamangmangan sa wastong anyong Espanyol ng mga edukadong nagnanais magtunog Espanyol ang pananalita. Napansin ito nang iuso ni Rod Navarro sa programa niya sa radyo ang “konsernado,” na pagsasa-Espanyol niya ng Ingles na concerned. Pinuna ang artistang anawnser dahil “siyokoy” ang Espanyol. Ang tumpak na anyo nitó sa Espanyol ay “konsernído” (concernido). Ngunit marami siyáng katulad sa akademya at midya. 4. Eksperimento sa Espanyol. Iba sa salitang siyokoy ang sinasadyang eksperimento o neolohismo sa pagbuo ng salitang paEspanyol. Nagaganap ito malimit ngayon sa paglalagay ng hulaping pangkatawagan, na gaya ng –ismo, -astra (astro), -era (ero), -ista (isto), ica (ico), -ia (io), -ga (go). Pinapalitan o pinagpapalit ang mga ito sa ilang eksperimento kung kailangan at nagbubunga ng salita na iba sa orihinal na anyo ng mga ito sa Espanyol. 4. Gamit ng J. Sa pangkalahatan, ang bagong titik na J ay ginagamit sa tunog na /dyey/. Ibig sabihin, hindi na ito gagamitin sa panghihiram mulang Espanyol ng mga salitang ang J ay may tunog na /ha/ at tinatapatan ng H, gaya ng ginawa noon sa justo at juez na may anyo na ngayong “hústo” at “huwés.” Ilalapat, sa gayon, ang bagong titik na J sa mga katutubong salita na may tunog /dyey/, gaya ng “jálan” at “jántung” ng Tausug, sínjal ng Ibaloy, at “jínjin” at “íjang” ng Ivatan. Gagamitin din ito sa mga bagong hiram na salita, gaya ng “jet,” “jam,” “jazz,” “jéster,” “jínggel,” “joy,” “enjóy” ng Ingles, “jujítsu” ng Hapones, at “jatáka” ng Sanskrit.
- Ngunit hindi sakop nitó ang ibang salitang Ingles na nagtataglay ng tunog /dyey/ ngunit hindi gumagamit ng J, gaya sa general, generator, digest, region na kung sakaling hiramin man ay magkakaroon ng anyong “dyeneral,” “dyenereytor,” “daydyest,” “ridyon.” Hindi naman kailangang ibalik ang J sa mga salitang Ingles na matagal nang isinusulat nang may DY, gaya sa “dyípni” (jeepney), “dyánitór” (janitor), at “dyáket” (jacket).
Reference:
Kasaysayan ng wikang filipino (slideshare)
Kasaysayan ng wikang filipino
Course: BSE Science
University: University of Caloocan City
- More from:BSE ScienceUniversity of Caloocan City350 Documents