- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
273658154 Kultura Ng France
Course: Kontekstwalikadong Komunikasyon sa Filipino (KONFIL18)
105 Documents
Students shared 105 documents in this course
University: University of Northern Philippines
Was this document helpful?
Kultura ng France: Kaugalian at Tradisyon
Isinalin sa Filipino ni Joselyn C. Sayson
Mga Wika sa France
French ang pangunahing wika ng 65.4 milyong mamamayan, subalit may iba pang wika ang mga
rehiyon. Ang French, ang wikang opisyal ng France ay ang unang wika ng 88% ng populasyon
samantalang ito naman ang ikalawang wika ng mga tao rito na hindi French ang mother tongue o
unang wika.
Tinatayang 3% ng populasyon ay nagsasalita ng wikang German, nangingibabaw ito sa mga
probinsiya sa silangan, at may maliit na pangkat na nagsasalita ng Flemish sa Hilagang-Silangan.
Arabic ang ikatlong pinakamalaking wikang ginagamit.
Italian naman ang ikalawang wika ng mga nakatira sa hangganan ng Italy, at Basque na
ginagamit ng mga nakatira sa French-Spanish Border.
Ang iba pang wika ay Catalan, Breton (the Celtic language), Occitan dialects, at mga wika mula
sa dating kolonya ng France tulad ng Kabyle at Antillean Creole.
Relihiyon ng France
Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France – tinatayang 80% ay nagsasabing sila ay Katoliko.
Ang iba pang pangunahing relihiyon ay Islam, (karaniwang relihiyon ng mga dayuhan mula sa hilagang
Africa), Protestante, at Judaism.
Pagpapahalaga ng mga taga-France
Malaki ang pagpapahalaga ng mga taga-France sa kanilang bansa at pamahalaan at karaniwang
nagagalit kapag nakaririnig ng negatibong komento tungkol sa kanilang bansa. Ang pag-uugali nilang ito
ay karaniwang itinuturing ng mga turista lalo na ng mga Amerikano na kawalang-galang.
Ang ekspresiyong “chauvinism” ay nagmula sa France. Bagaman ang kababaihan ay
gumaganap ng mahahalagang papel sa pamilya at negosyo, marami pa rin ang naniniwalang ang
France ay male-dominated culture.
Niyayakap ng mga taga-France ang estilo at sopistikasyon at ipinagmamalaki nila ang
katotohanang kahit sa mga pampublikong lugar ay mala-maharlika sila.
Ang mga taga-France ay naniniwala sa “egalite” na nangangahulugang pagkakapantay-pantay,
at ito’y bahagi ng motto ng kanilang bansa: “Liberte, Egalite, Fraternite.” Marami ang nagsasabi na mas
pinahahalagahan nila ang pagkakapantay-pantay kaysa kalayaan at pagkakapatiran, ang dalawang
huling salita sa kanilang motto.
Lutuin
Ang pagkain at alak ay sentro ng buhay sa lahat ng antas ng lipunan, at maraming mga
pagtitipon ang nagaganap sa isang marangyang hapunan. Palaging may tinapay sa bawat oras ng
pagkain, at karaniwan nang makakita ng mahaba, crusty baguettes na iniuuwi sa bahay. Ang keso ay
mahalaga ring sangkap ng bawat pagkaing French.
Bagaman marami na ang pagbabago sa estilo ng pagluluto, marami pa rin ang nag-uugnay sa
kanilang lutuin sa malapot na sarsa at komplikadong paghahanda.
Ang ilan sa matataas na uri ng pagkain nila ay boeuf bourguignon – nilagang baka na kinulob sa
red wine, beef broth at nilagyan ng bawang, sibuyas at kabute – at coq au vin, ulam na may manok, alak
na Burgundy, Jardons (maliliit na hiwa ng taba ng baboy), button mushrooms, sibuyas at maaari ring
lagyan ng bawang.
Pananamit
Ang Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses; ang mga taga-France ay kilala sa hindi
matatawarang mariringal na pananamit. Karamihan sa kanila ay sopistikado kung manamit, disente at
sunod sa uso (professional and fashionable style), ngunit hindi sobra sa dekorasyon (overly fussy). Ang
karaniwang damit nila ay mahahabang amerikana, terno, mga bandana (scarves) at berets o bilog at
malalambot na sombrero.