- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Filipino Spoken Poetry Makabayan
Course: Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan (FIL 1)
31 Documents
Students shared 31 documents in this course
University: University of Southern Mindanao
Was this document helpful?
Nakakatakot, ng ikaw ay aking masilayan
Gulagulanit na mga damit
Nakabalandra ang mga lapnos na
nagkalat sa iyong katawan
Na tila ba’y permanenting inukit
Nakakapangilabot, ng ikaw ay marahang
humakbang patungo sa aking
kinatatayuan
At sa paglapit ng iyong mga lab isa aking
tainga
Ika’y, ika’y bumulong
Katagang sumasaid sa kaibuturan ng
aking kaluluwa
Katagang nagpasikip sa aking dibdib at
nagpabaliktad ng aking sikmura
Anong klaseng ganid mayroon sila
Para yurakan ang dignidad mo
Hermosa, aking sinisinta
Isa kang purong binibining umusbong sa
ilalim ng hespero
Kung saan matatagpuan sayong
mapupungay na mga mata
Ang banayad na karagatan
Sayong mga labi makikita ang
masaganag rosas na pulang-pula
Sayong mala porselanang balat,
Na mga bituin ang nagbigay tingkad
Ang iyong pagkayao ang nagbibigay
hubog sa kabundukang salat
Kay ganda
Binibining marikit
Ngunit, isa kang bilanggo
Bilanggo ng mga estrangherong uhaw,
Sa bawat patak ng iyong dugo
Tinanggalan ka ng saplot
Walang sawang pinaglalawayan ng
kanilang tigang na mga mata ang iyong
katawan
Tila ika’y sinalot ng mga alitaptap na may
dalang gasera
Unti-unting sinusunog ang iyong buhok na
naglalabas ng maitim na usok, na
nangangamoy bulok
HERMOSA