- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Ddss
Course: Education
999+ Documents
Students shared 9665 documents in this course
University: Bohol Island State University
Was this document helpful?
Ang DOKYUMENTARYO ay isang programa sa telebisyon o pelikula na
naglalahad ng mga katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o
problemang panlipunan, politikal o historikal. Nilalayon ng
dokyumentaryo na irekord ang ilang aspeto ng katotohanan para
makapagbigay ng aral o makagawa ng isang pangrekord ng
kasaysayan.
Katangianng Dokumentaryong Pantelebisyon
Paksa– tumatalakay sa nilalaman ng dokyumentaryo kung saan
nagpopokus ito sa pagkilos ng tao sa lipunang kanyang
ginagalawan at kung papaano siya kumilos sa buhay. Ang mga
tao, lugar at pangyayari ay totoong nagaganap at kadalasang
napapanahon.Ito rin ay naglalahad ng katotohanan sa mga
nagaganap sa loob ng isang lipunan halimbawa ng paksang ukol
sa kahirapan.
Layunin– ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod paksa ng
dokyumentaryo. Layunin nitong irekord ang panlipunang
kaganapan na itinuturing nila na mahalagang maipaalam sa
lipunan. Sa pamamagitan nito, layunin din nilang mapataas ang
pagkaunawa sa mga isyu, mga tinatangkilik at marahil ang ating
simpatya sa isyung ito. At dahil din dito ay may kakayahan silang
maipaalam sa atin ang nagaganap sa ating lipunan upang
magkaroon tayo ng aksyon ukol dito. Halimbawang layunin nito
ay mamulat tayo sa iba pang buwis buhay na hanapbuhay ng
mga Pilipino dahil sa kahirapan.
Anyo- ang anyo ng dokyumentaryo ay nahuhugis habang nasa
proseso na kung saan ang mga diskusiyon ay orihinal at ang mga
tunog at tanawin ay pinipili kung akma o karapat-dapat dito. May
mga pagkakataon na ang iskrip dito at ang mga aksyon ay mula
sa mga umiiral na mga pangyayari.
Estilo at/o Teknik- tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha
ng kamera at sa panahon ng pageedit nito. Ang isa sa mga
mahalagang sangkap ay ang mga nonactors o ang mga ‘totoong
tao’ sa paligid na walang ginagampanang anomang karakter. Ang
lugar din ay aktwal na hindi gaya ng mga nasa pelikula na nasa
loob ng studio.
Uri ng karanasan- Ang dalawang bahagi nito ay ang pang
aestetiko at ang epekto nito sa tao na maaaring magtulak sa
kanya upang gumawa ng aksyon. Ninanais ng mga nasalikod ng
dokyumentaryo sa mga makakapanuod nito ay hindi magpokus
sa mga artista kundi sa pinapaksa nito. Maaaring maiugnay ito sa
paksa kung saan ninanais ng mga nasa likod ng kamera na alamin
ng manunuod ang kanilang layunin. Maaari itong maging uri ng
karanasang tumulong sa mga batang nasa lansangan, at iba pa.
Elemento ng Pelikula
1. Tema/ Paksa – tumutukoy sa kabuuang diwa o kaisipan na
nakakintal sa isipan ng manonood kaugnay ng kanyang
karanasan sa buhay. Ang tema sa isang pelikula ay ang mga
nakatagong mensahe, ideya o konsepto na umudyok upang
ang isang tauhan ay kumilos ayon sa nararapat.
2. Tauhan/ Karakter- ito ay may iba’t ibang papel na
ginagampanan ang mga tauhan sa isang pelikua. Sila ang
kumikilos at nagbibigay buhay sa iskrip ng isang pelikula.
Itinuturing silang pinakamahalagang pang-akit sa mga
manonood na pinanggalingan ng aktibong pakikilahok ng
manonood sa isang pelikula.
3. Diyalogo – ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa
pelikula.
4. Layon – Ito ang nais ipabatid at inaasahang epekto ng pelikula
sa manunuood.
5. Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na
layunin ng kuwento.
6. Sinematograpiya – pagkuha sa wastong anggulo upang
maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa
pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.
7. Tunog at Musika – Pagpapatulang ng bawat tagpo at
pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo.
Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood.
8. Pananaliksik o Research – isang mahalagang sangkap sa
pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan
nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga
detalye ng palabas.
9. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar,
eksena, pananamit, at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng
Biswal na pagkukuwento.
10. Pagdidirihe – Mga pamaraan at diskarte ng director kung paano
patatakbuhan ang kuwento sa telebisyon o pelikula.
11. Pag-eedit – ito ay pagpuputol, pagdugdugtong- dugtong muli ng mga
negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri
ang mga tagpo upang tayain kung alim ang hindi na nararapat isama
ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may
laang oras/ panahon ang isang pelikula.
MGA EKSPRESYONG HUDYAT NA MAY KAUGNAYANG LOHIKAL
•SANHI AT BUNGA - Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay
dapat na maliwanag na makita ng mga mambabasa o tagapakinig.
Ang mga pangatnig na sapagkat, pagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya,
dahil, bunga , at iba pa ay madalas na gamitin sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya gumanda ang
kanyang buhay.
Bunga ng kahirapan ang maaga niyang pag-aasawa.
•PARAAN AT RESULTA - Nagsasaad kung paano nakuha ang
resulta. Ang pang-ugnay na sa ay karaniwang ginagamit sa ganitong
pahayag.
Halimbawa:
Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang mga kaibigan.
Sa sipag niyang magtrabaho, nagustuhan siya ng kanyang amo.
•KONDISYON AT RESULTA- Sa ugnayang ito ipinakikitang maaaring
maganap o sumalungat ang pangyayari kung isasagawa ang
kondisyon. Ang mga pang-ugnay na kung, kapag, sana, sakali ay
maaaring gamitin sa pahayag na ito.
Halimbawa:
Kung magsisikap ka sa buhay hindi ka mananatiling mahirap.
Natuto ka sana nang husto kung nag-aral kang mabuti.
•PARAAN AT LAYUNIN-Isinasaad ng ugnayang ito kung paano
makakamit ang layunin gamit ang paraan. Ang mga pang-ugnay na
upang, para, nang, at iba pa ay gamitin sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
•Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang mabago ang kanyang
buhay.
•Para makatulong sa magulang, nagsikap siya nang husto sa pag-
aaral.