- Information
- AI Chat
Kas 1 modyul 1 introduksyon sa kasaysayan
Kasaysayan ng Pilipinas
University of the Philippines System
Related Studylists
Social Studies 3DPreview text
KAS 1 - Kasaysayan ng Pilipinas
Modyul 1 INTRODUKSYON SA KASAYSAYAN
Panimula
Sa kabila ng mga pagbabagong nagaganap sa modernong mundo, nananatiling mahalaga pa rin ang pag-aaral ng kasaysayan upang mapalawak at mapalalim ang kritikal na pag-iisip ng bawat indibidwal. Kaya naman bilang pambungad na modyul sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, nagsisilbing panimulang paksa ang pagpapakilala sa disiplina ng kasaysayan. Nakatuon ang modyul na ito sa pagpapaliwanag ng mga konseptong pangkasaysayan, uri ng sanggunian, mga pananaw pangkasaysayan, at halaga at suliranin sa pag-aaral ng kasasyayan.
Inaasahang Matutunan (Learning Outcomes)
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang ikaw ay: a. Makapagtatalakay sa kahulugan ng kasaysayan; b. Makapagpapaliwanag ng mga konseptong pangkasaysayan; c. Makapagsusuri ng mga suliranin sa pagbubuo ng naratibo sa kasaysayan; at d. Makapagpapahalaga sa pag-aaral ng kasaysayan.
1 Ano ang Kasaysayan?
————————————————————————————————————— Gawain 1
A. Basahin ang mga susing sanggunian at sagutin ang mga gabay na tanong.
Susing sanggunian:
- Navarro, Arthur M. (Enero-Disyembre 1998). Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino: Kalisakasan, kaparaanan at pagsasakaysayan. Philippine Social Sciences Review Vol. 55, nos-4. 103-120.
- Veneracion, Jaime B. (1983 at 1984). Ang Kasaysayan sa Kasalukuyang Henerasyon. Historical Bulletin. Tomo 27 at 28, 1983 at 1984. 13-27.
Gabay na tanong:
- Ano ang kasaysayan?
- Paano naiiba ang “kasaysayan” at “history”?
B. Gumawa ng isang mapang konseptuwal kung saan matatagpuan sa gitna ang salitang “kasaysayan.” Isipin kung anu-ano ang mga konsepto o salita na nakaugnay sa salitang “kasaysayan” at bumuo ng mga sanga mula sa gitna.
Page!! 11 of! 23
Maaaring gawin ito bilang pangkatang gawain ng 4-5 na mag-aaral. Tatalakayin sa klase ang nabuong mapang konseptwal. —————————————————————————————————————
Diskusyon
Ang kasaysayan ay isang makabuluhang salaysay tungkol sa nakaraan. Sapagkat ang sali- tang-ugat ng kasaysayan ay “saysay,” binibigyan-diin nito ang elemento ng pagiging makab- uluhan. Kung tatanungin naman natin kung kanino dapat makabuluhan ang kasaysayan, ki- nakailangan nating tandaan na ang pagsasalaysay ay laging para sa isang tiyak na grupo. Sa kontekstong Pilipino, ang grupong ito ay ang sangkaPilipinuhan. Dagdag pa, ang kasaysayan ay pagsasalaysay tungkol sa sarili natin o tungkol sa ating ugnayan sa ibang kabihasnan. Sa ganitong pagpapakahulugan, maaaring paksa ng kasaysayan ang sariling barangay, lalawigan, o bansa. Maaaring paksa rin ang pagiging Austronesyano o Asyano natin (Navarro, 1998).
Isa pang mahalagang katangian ng kasaysayan ay ang pagiging likas nito sa kultura at ka- malayang Pilipino sapagkat mayroon nang salitang “kasaysayan” sa bokabularyo ng mga sin- aunang Pilipino. Naiiba ang kasaysayan sa salitang “history” na nagmula sa Kanluraning karanasan at diskurso. Sa etimolohiya lamang, malalaman natin na ang “history” ay nanggal- ing sa tradisyon ng mga Griyego at dinala sa Pilipinas ng mga Espanyol noong ika-16 siglo. Kung binibigyan-diin ng “kasaysayan” ang pagkakaroon ng “saysay” o pagiging makabu- luhan ng nakaraan, nakatuon naman ang “history” sa “story” o sa pagsalaysay na walang par- tikular na diin sa kabuluhan (Veneracion, 1983 at 1984).
2 Mga Konseptong Pangkasaysayan
————————————————————————————————————— Gawain 2
A. Basahin ang mga susing sanggunian at sagutin ang mga gabay na tanong.
Susing sanggunian:
- Navarro, Arthur M. (Enero-Disyembre 1998). Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino: Kalisakasan, kaparaanan at pagsasakaysayan. Philippine Social Sciences Review Vol. 55, nos-4. 103-120.
- Seixas, Peter. (16 Pebrero 2010). Historical Thinking Concepts. Historical Thinking Project mula sa historicalthinking/historical-thinking-concepts
- Wineburg, Sam. (2010). Thinking Like a Historian. Teaching with Primary Sources Quar- terly Vol. 3., No. 1 mula sa loc/teachers/tps/quarterly/historical_thinking/ pdf/historical_thinking
Gabay na tanong:
- Anu-ano ang mga batayang konseptong pangkasaysayan?
sangguniang nakasulat lamang. Sa kasalukuyan, mas bukas na ang disiplina sa pagtanggap ng iba’t ibang anyo ng sanggunian. Saklaw na rin ang mga sangguniang pangkasaysayan na hin- di lamang nakasulat kundi pati na rin ang mga hindi nakasulat tulad ng mga artifact , larawan, o panayam.
Bukod dito, para sa mga historyador, hinahati ang lahat ng mga sanggunian sa dalawang kat- egorya: (a) primarya , at (b) sekondarya. Maaaring ituring na primarya ang mga sanggunian na nagbibigay ng direktang ebidensya tungkol sa isang kaganapan, lugar, tao, o bagay. Na- pakahalagang katangian ang pagiging saksi ng may-akda o ang pagiging kapanahon ng akda sa paksang inaaral. Ilang halimbawa ng primaryang sanggunian ang mga sulat, talambuhay, ulat, at panayam. Sekondaryong sanggunian naman ang tawag sa mga ebidensyang walang direktang ugnayan sa kaganapan, lugar, tao, o bagay na inaaral. Maaaring paglalarawan, pag- susuri, o pagbubuod na lamang ito ng mga primayang sanggunian. Higit pa, hindi direktang saksi ang may-akda sa pinapaksa at hindi na kapanahon ng akda ang paksang pinagtutuunan ng pansin. Kabilang sa mga halimbawa ng sekondaryong sanggunian ay mga teksbuk at mga artikulo sa dyornal (Cullen, 2013).
Mahalaga ang primaryang sanggunian dahil saksi ang may-akda sa mga kaganapang pinagtu- tuunan ng pansin ng historyador. Dahil dito, nagiging mas makatotohanan ang kanyang ulat. Gayundin, mas malalim at mas makulay ang deskripsyon ng primaryang sanggunian dahil napapansin ng saksi ang ilang detalyeng hindi batid ng isang taong hindi nakasaksi sa ka- ganapan. Sa kadahilanang ito, mas mahalagang aralin ang nakaraan gamit ang primaryang sanggunian (Navarro, 1998).
Dagdag pa, ang lahat ng sanggunian ay nakasalaylay sa kontekstong pinagmumulan nito. Ngunit, ano ang konteksto? Konteksto ang tinatawag sa mga detalyeng bumubuo sa isang kaganapan. Maaaring tumutukoy ang konteksto sa mga kondisyong sosyal, pulitikal, pang- ekonomiko, at relihiyoso. Sa kabuuan, ito ay nakatutulong upang maunawaan ang panahon at lugar na pinagmulan ng mga kaganapan. Dahil ang mga primaryang sanggunian ay produkto ng tao at ng panahong pinanggalingan nito, napakahalagang maisakonteksto ang mga sang- gunian upang tama at tapat ang pagbasa natin sa mga ito (Fleming, 2018; Andrews at Burke, 2007)
Ngunit, hindi lahat ng primaryang sanggunian ay kapani-paniwala. Ang isang primaryang sanggunian ay maaaring pineke o binago. Upang maiwasan ang paggamit ng mga peke o mga pinakialamang sanggunian, sinusuri ang mga ito ng historyador gamit ang dalawang proseso: (a) kritikang panlabas , at (b) kritikang panloob.
Sa proseso ng kritikang panlabas, tinitingnan ang katunayan ng isang sanggunian. Maaaring tingnan ang mga pisikal na aspekto ng dokumento tulad ng uri ng papel o tinta. Layunin ng kritikang panlabas na mapatunayan kung totoo o hindi ang sangguniang pinagbabatayan ng isang historyador. Sa proseso ng kritikang panloob naman, inaalam ng historyador kung makatotohanan ang impormasyong ipinapahiwatig ng isang sanggunian at kung maaari itong gamitin bilang ebidensya. Maaaring tingnan din sa kritikang panloob ang mga motibong nag- tulak sa may-akda upang lumikha ng ganoong uri ng sanggunian. Sa madaling salita, sa kri-
tikang panloob, tinitingnan ng historyador ang pagiging makatotohan ng nilalaman ng isang sanggunian (Navarro, 1998).
2 Pagbabago at Pagpapatuloy ( Change and Continuity )
Isa pang mahalagang konseptong pangkasaysayan ang pagbabago at pagpapatuloy. Isang likas na proseso sa buhay ng tao ang pagbabago, ngunit ang binibigyan-pansin ng mga histo- ryador ay ang mga kaganapang nagdulot ng malaki o malawak na pagbabago sa buhay ng tao o sa mas malawak na lipunan (Salevouris at Furay, 2000). Halimbawa, nagkaroon ng malak- ing pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinas at itinatag ang sistemang kolonyal ng mga Espanyol noong 1565. Sa pisikal na espasyo, nakita ang paglipat sa mga tao mula sa mga sinaunang pamayanan patungo sa isang pueblo sa prosesong tinatawag na reduccion. Gayundin, ang pagtuturo ng pananampalatayang Katoliko ay naging sentral sa pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol. Ilan lamang ito sa mga pagbabagong naganap sa pagtatag ng sistemang kolonyal ng mga Espany- ol, ngunit malinaw na naging malawak at malalim ang pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Kung tutuusin, maraming halimbawa sa ating kasaysayan ang nagpapakita ng pagbabago. Ang mas malaking hamon para sa atin ay ang pagtukoy sa aspekto ng ating pamumuhay, gawi o kultura na nagpatuloy sa kabila ng mga pagbabago. Isang magandang halimbawa rito ang pagpapatuloy ng kulturang Pilipino sa kabila ng pananakop ng mga banyaga. Nanatili ang paggamit ng wikang katutubo tulad ng Tagalog, Cebuano, o Ilokano. Ang kagalingan din ng mga Pilipino na gumawa ng mga sakayang-pandagat na nagmula pa sa tradisyong Aus- tronesyano ay nagpatuloy din kahit noong sila na ang inutusang gumawa ng mga galyon sa panahon ng mga Espanyol.
Sa pagbibigay-pansin sa mga bagay na nagbago at nagpatuloy sa ating nakaraan, makikita natin na ang kasaysayan ay hindi lamang binubuo ng mga datos tulad ng pangalan ng tao o petsa ng isang kaganapan kundi binubuo rin ito ng iba’t ibang uri ng ugnayan ng mga datos. Kung gayon, mas lumalawak ang ating pag-unawa sa kasaysayan at mas lumalalim ang ating pagpapahalaga para dito.
2 Sanhi at Epekto
Isa pang mahalagang konseptong pangkasaysayan ang sanhi at epekto. Sa pag-aaral sa nakaraan, mapapansin natin na ang mga kaganapan ay hindi hiwalay sa isa’t isa; bagkus, mahigpit ang ugnayan ng mga ito sa bawat isa. Mahalagang itanong kung bakit nangyari ang isang kaganapan, at kung anu-ano ang mga salik na nagtulak sa pangyayaring ito? Sa pama- magitan ng ganitong uri ng pagtatanong, natututunan natin ang halaga ng pag-unawa sa mga masalimuot na sanhi ng mga kaganapan sa nakaraan.
paglabag sa karapatang pantao. Kinakailangang managot ang mga taong nag-utos o naging kabahagi sa pang-aabuso. Sa proseso ng pagtukoy ng pananagutan, natututo tayo mula sa at- ing nakaraan. Kung gayon, may tungkulin din ang historyador na ipakita ang mga pagkaka- mali ng nakaraan at ipagtanggol kung ano ang nararapat.
Hindi madali ang proseso ng pagsusuri sa etikal na aspekto ng kasaysayan at madalas napa- pagitna ang historyador sa dalawang prosesong nabanggit sa itaas. Sa bandang huli, layunin ng historyador na makamit ang patas na pagsasalaysay sa kasaysayang pinapag-aralan at ma- natili itong kritikal, makabuluhan, at walang kinikilingan.
3 Ang Pagbubuo ng Naratibo ng Kasaysayan
————————————————————————————————————— Gawain 3
A. Basahin ang mga susing sanggunian at sagutin ang mga gabay na tanong.
Susing sanggunian:
- Navarro, Arthur M. (Enero-Disyembre 1998). Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino: Kalisakasan, kaparaanan at pagsasakaysayan. Philippine Social Sciences Review Vol. 55, nos-4, 103-120.
- Salevouris, Michael at Conal Furay. (2000). The Methods and Skills of History: A Practi- cal Guide. Harlan Davidson, Inc-26.
Gabay na tanong:
- Anu-ano ang mga hamon sa pagbubuo ng naratibo sa kasaysayan?
- Paano ito hinaharap ng isang historyador?
- Batay sa diskusyon, ano ang mahihinuha mo tungkol sa kalikasan ( nature ) ng kasaysayan?
B. Tingnan ang larawan ng proseso ng pagbubuo ng naratibo (Larawan 1, sa susunod na pahina). Ano ang ibig sabihin ng bawat bilog sa larawan? Ano ang sinasabi ng larawan na ito tungkol sa proseso ng pagbubuo ng naratibo sa kasaysayan?
Larawan 1. Proseso ng pagbubuo ng naratibo (Salevouris at Furay, 2000)
—————————————————————————————————————
Diskusyon
Sa pagsusulat ng naratibo sa kasaysayan, dumadaan sa isang proseso ang isang historyador. Una, mahalaga ang pagbubuo ng mga pangunahing tanong na magsisilbing batayan sa magig- ing paksa. Kinakailangang interesado ang historyador sa paksa at natitiyak niya ang lawak at saklaw ng pinag-aaralan niya. Kapag nakapili na ng paksa ang historyador, sisimulan na niya ang pangagalap ng mga sanggunian. Tulad ng nabanggit na sa itaas, mas mahalaga sa pag- aaral ng kasaysayan ang paggamit ng primaryang sanggunian at kinakailangang suriin ang mga ito gamit ang kritikang panlabas at kritikang panloob. Maaari ding gamitin ng isang his- toryador ang mga metodo galing sa ibang disiplina kung ito ay nababagay sa paksang pinag- aaralan niya (Navarro, 1998).
Sa kabila ng malinaw na proseso ng pagbubuo ng naratibo sa kasaysayan, hinaharap pa rin ng isang historyador ang ilang hamon. Halimbawa, hindi lahat ng sanggunian tungkol sa nakaraan ay nananatili sa kasalukuyan. Tulad ng ipinakita sa Larawan 1 na ginamit ninyo sa gawain, napakalawak ang nakaraan at mahalagang tandaan na hindi lahat ng mga naganap sa nakaraan ay nasaksihan ng tao. Sa mga kaganapang nasaksihan, iilan lamang din ang naaalala ng tao. Sa mga kaganapang naaalala ng mga tao, iilan lamang ang naitala. Mula naman sa mga naitalang kaganapan, iilan lamang ang mga naitala at tumagal hanggang sa kasalukuyan. Itong huling grupo ng mga naitalang sanggunian (na sa katunayan ay kumakatawan lamang ng napakaliit na bahagi) ang nagsisilbing sanggunian ng mga historyador. Sa ganitong pagtingin, napakarami ng mga saksi at mga sanggunian na nawala o nasira na. Kung gayon ang naratibong binubuo ng isang historyador ay rekonstruksyon lamang ng napakaliit na ba- hagi ng nakaraan (Salevouris at Furay, 2000).
Dagdag pa, hinaharap din ng isang historyador ang mga hamon na nagmumula sa loob. Tao lamang ang isang historyador at hindi maiwasan na magkamali rin. Ngunit, higit pa rito, min-
- Matapos panoorin ang palabas, isulat sa hanay C ng tsart kung ano ang NATUTUNAN mo tungkol sa Batas Militar. 4. Ibahagi sa klase ang iyong sagot. Talakayin kung bakit mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan. —————————————————————————————————————
Diskusyon
Sa mga naunang diskusyon, nakita natin na ang kasaysayan ay rekonstruksyon ng nakaraan. Sapagkat maraming limitasyon ang pag-aaral sa nakaraan, maaaring sabihin na ang kasaysayan ay hindi perpektong paglalarawan ng nakaraan. Gayunpaman, mahalagang bi- gyang-diin na hindi rin kuwentong-katha ang kasaysayan dahil nagsisilbing batayan ng lahat ng mga pag-aaral sa kasaysayan ang mga mapagkakatitiwalaang sanggunian. Sa mas malawak na pagtingin, ang kahalagahan ng kasaysayan ay nakabatay sa papel na ginagam- panan nito sa pag-uugnay ng ating nakaraan at ng ating kasalukuyan (Salevouris at Furay, 2000).
Maaaring tukuyin ang ilang gamit at layon ng kasaysayan: Una, nagsisilbi siyang paraan up- ang maintindihan natin ang ating sarili at maging ang pagkakakilanlan ng ating bansa. Ikalawa, nagagamit natin ang kasaysayan upang maunawaan ang ating kasalukuyan. Ikatlo, maaaring matulungan tayo ng kasaysayan na maitama ang mga kamalian ng nakaraan at binibigyan tayo ng mga aral na mahalaga pa rin sa kasalukuyan. Ika-apat, sa pag-aaral ng kasaysayan, unti-unti nating naiintindihan ang damdamin at kaisipan ng mga tao gayundin ang paggalaw ng mga institusyon. Ikalima, nagkakaroon tayo ng mas bukas na pag-iisip tungkol sa mga tao at lipunan sa ating pag-aaral ng kasaysayan. Ika-anim, mahalagang pan- imulang basehan ang kasaysayan ng iba’t ibang disiplina. Ika-pito, uri rin ng aliwan o liban- gan ang kasaysayan lalo na sa mga taong mahilig dito. Panghuli, ang pag-aaral ng kasaysayan ay nagdudulot ng pagbuo ng kritikal na kasanayan sa tao (Salevouris at Furay, 2000).
Sa kasalukyang mundo, mabilis ang pagdaloy at palitan ng impormasyon dahil sa modernong teknolohiya. Sa dami ng nababasa at nakikita natin sa internet, kinakailangang may kasanayan tayong pumili kung alin ang dapat paniwalaan o hindi. Higit na nagiging mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan dahil tinuturuan tayong maging mapanuri sa mga ebidensya at maging maingat sa pagsusuri ng pinanggalingan ng mga impormasyon. Sa bandang huli, kahit na hindi perpekto ang disiplina ng kasaysayan, nananatili pa rin siyang makabuluhan at napakahalaga maging sa kasalukuyang panahon.
Konklusyon
Sa modyul na ito, binigyang kahulugan natin ang konsepto ng kasaysayan bilang isang salaysay tungkol sa nakaraan na makabuluhan para sa mga Pilipino. Tinukoy din natin ang anim na konseptong pangkasaysayan: (a) kabuluhang pangkasaysayan, (b) paggamit ng pri- maryang sanggunian, (c) pagbabago at pagpapatuloy, (d) sanhi at epekto, (e) pananaw pangkasaysayan, at (f) etikal na aspekto ng kasaysayan. Inilarawan natin ang proseso ng pag-
bubuo ng naratibo sa kasaysayan at ang mga hamon na hinaharap ng isang historyador. Sa pagtatapos, tinalakay natin kung bakit mahalagang aralin ang kasaysayan lalo na sa kasalukuyang panahon.
Mga Sanggunian
Abrera, Maria Bernadette L. at Dedina A. Lapar. (1992). Paksa, Paraan, at Pananaw. Que- zon City: UP Department of History. Andrews, Thomas at Flannery Burke. (1 Enero 2007). What Does It Mean to Think Histori- cally? American Historical Association mula sa historians/publica- tions-and-directories/perspectives-on-history/january-2007/what-does-it-mean-to- think-historically Bloch, Marc. (1949). Historian’s Craft. New York: Knopf. Carr, E. (1962). What is History? New York: Knopf. Constantino, Renato. (1975). Towards a People’s History. A Past Revisited. Quezon City: Tala Publishing Services. Cullen, Jim. (2013). Essaying the Past: How to Read, Write, and Think about History , 2nd ed. UK: Wiley-Blackwell. Fleming, Grace. (28 Enero 2018). Using Historical Context in Analysis and Interpretation. ThoughtCo mula sa thoughtco/what-is-historical-context- Gilderhus, Mark T. (2010). History and Historians: A Historiographical Introduction. New Jersey: Prentice Hall. Howell, Martha at Walter Prevenier. (2001). Reliable Sources: An Introduction to Historical Methods. Ithaca: Cornell University Press, 17-68. Mandell, Nikki. (Abril 2008). Thinking Like a Historian: A Framework for Teaching and Learning. OAH Magazine of History mula sa nau/uploadedFiles/Academ- ic/CAL/ History/HistorySocial_Studies_Eduocation/Mandell,%20Thinking%20Like%20a%20Histo- rian,%20Mag%20of%20History%20April%202008 Navarro, Arthur M. (Enero-Disyembre 1998). Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino: Kalisakasan, kaparaanan at pagsasakaysayan. Philippine Social Sciences Review Vol. 55, nos-4, 103-120. Navarro, Atoy, atbp. (1997). Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan: Pambungad sa Pag- aaral ng Bagong Kasaysayan. Salazar, Zeus. (2000). Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan. Pantay- ong Pananaw: Ugat at Kabuluhan, Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi. Salevouris, Michael at Conal Furay. (2000). The Methods and Skills of History: A Practical Guide. Harlan Davidson, Inc. Seixas, Peter. (16 Pebrero 2010). Historical Thinking Concepts. Historical Thinking Project mula sa historicalthinking/historical-thinking-concepts Veneracion, Jaime B. (1983 at 1984). Ang Kasaysayan sa Kasalukuyang Henerasyon. Histor- ical Bulletin. Tomo 27 at 28. 13-27. Wineburg, Sam. (2001). Historical Thinking and Other Unnatural Acts. Philadelphia: Temple University Press.
APENDISE A: Mga Larawan ng Ilog Pasig
!
Larawan 1. Ilog Pasig, 1900. (Mula sa Philippine Photographs Digital Archive, quod.lib.umich/s/sclphilimg? page=index)
!
Larawan 2. Ilog Pasig, 2010. (Mula sa Pasig River Watch, pasigriverwatch.wordpress/2010/08/31/quezon-bridge/)
APENDISE B: Sipi mula sa Sonny Melencio, “How I Escaped the Clutches of the 5th CSU”
“The first night of my capture was a full night of torture without rest. My body felt numb from the beating. After a while, the beating did not hurt much anymore. To rest my body, I would pretend that the blows hit me so hard and tossed me up a few feet away. Also during successive punching, I would drop to the floor and roll my body over three times. This gave me time to breathe and prepare my body for more blows.
My torturers probably sensed that the beating was not hurting me anymore. So they stripped me naked, made me lie down on a spring-wired bed (without a mattress), and tied both my hands to the bed posts. The “water cure” began.
They put a towel on my face and poured water onto it. I heard the water drip into the banyera under the bed. Much of it seeped through my nose and pain shot up my head. It was suffocat- ing and painful. I pretended to lose consciousness every now and then and every time I did this, they stopped pouring water. They they would slap me hard to “revive” me so they could pour water again. While this was happening, another was puncturing my body and genitals with a lighted cigarette. But I could not feel it and only knew it was happening when some- one said he was making an ashtray out of my body.
However harsh this torture was, I know other comrades before me had undergone much worse torture. Before my abduction, I already knew about cases wherein comrades were sub- jected to electric shock, burning of genitals, and other atrocities. The thought that many com- rades suffered more sever torture and yet never cooperated with the military steeled my re- solve to remain steadfast. Repeatedly I would psyche up myself, “If they could bear it, I should be able to bear it, too.”
It was a period in my life when I yearned for human kindness, yet I found not even a hint of it during my captivity. To console myself, I had to imagine in my dreams and in my waking hours the smallest acts of kindness that I had experienced in life before this event. I remem- bered my mother, washing clothes for the family. I remembered my neighbor giving a dish as “baon” after a small party in her place. I remembered the batilyos and the urban poor family who served me meriendas and drinks during my organizing work in the community. I re- membered strangers giving money during rallies or those giving alms to the poor.
These images played over and over again in my mind. These remembrances would strengthen my resolve to keep myself together. It was strange that in my captivity, I had no nightmares. It was only after I escaped that I experienced them.”
Kabuuang salaysay sa: Ferdinand C. Llanes, pat. (2012). Tibak Rising: Activism in the Days of Martial Law. Man- daluyong City: Anvil Publishing, Inc. 59-61.
APENDISE D: Sipi mula sa mga SONA nina Benigno Aquino, III (2010) at Rodrigo Duterte (2016)
BENIGO AQUINO, III. (SONA 2010): (gmanetwork/news/news/nation/197021/sona-transcript-of-pres-benigno-s- aquino-iii-s-state-of-the-nation-address/story/)
Mga minamahal kong kababayan:
Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.
Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.
Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.
Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsi- bilidad...
Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45 billion pesos...
Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalami- dad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos...
Pag-usapan naman po natin ang pondo para sa imprastruktura...
Ang pinondohan po, dalawampu’t walong proyekto lang. Kinalimutan po ang dalawandaan at labing walong proyekto at pinalitan ng pitumpung proyekto na wala naman sa plano. Ang hininging 425 million pesos, naging 480 million pesos pa, lumaki lalo dahil sa mga proyek- tong sa piling-piling mga benepisyaryo lang napunta.
Mga proyekto po itong walang saysay, hindi pinag-aralan at hindi pinaghandaan, kaya parang kabuteng sumusulpot.
Tapos na po ang panahon para dito. Sa administrasyon po natin, walang kota-kota, walang tongpats, ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang...
Sa susunod na buwan ay maghahain tayo ng budget na kumikilala nang tama sa mga proble-
ma, at magtutuon din ng pansin sa tamang solusyon.
Ilan lang ito sa mga natuklasan nating problema. Heto naman po ang ilang halimbawa ng mga hakbang na ginagawa natin...
Singkuwenta porsyento po ng mga insidente ng extralegal killings ang patungo na sa kanilang resolusyon. Ang natitira pong kalahati ay hindi natin tatantanan ang pag-usig hanggang makamit ang katarungan. Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin ang mga corrupt sa gobyerno...
Paalala lang po: una sa ating plataporma ang paglikha ng mga trabaho, at nanggagaling ang trabaho sa paglago ng industriya. Lalago lamang ang industriya kung gagawin nating mas malinis, mas mabilis, at mas maginhawa ang proseso para sa mga gustong magnegosyo...
Dalawa ang hinaharap nating suliranin sa usapin ng kapayapaan: ang situwasyon sa Min- danao, at ang patuloy na pag-aaklas ng CPP-NPA-NDF.
Tungkol sa situwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro, Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa nating pakikipag-usap sa MILF...
Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ra- madan.
Tungkol naman po sa CPP-NPA-NDF: handa na ba kayong maglaan ng kongkretong mungkahi, sa halip na pawang batikos lamang? Kung kapayapaan din ang hangad ninyo, handa po kami sa malawakang tigil-putukan. Mag-usap tayo...
Kapayapaan at katahimikan po ang pundasyon ng kaunlaran. Habang nagpapatuloy ang bari- lan, patuloy din ang pagkakagapos natin sa kahirapan...
Tungkulin po ng bawat Pilipino na tutukan ang mga pinunong tayo rin naman ang nagluklok sa puwesto. Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam, walang-hanggan ang reklamo. Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon...
Ang mandato nating nakuha sa huling eleksyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago. Iba na talaga ang situwasyon. Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pinangarap.
Maraming salamat po.
On the macroeconomic management, my administration will continue and maintain current macroeconomic policies, and even do better. We will achieve this through prudent fiscal and monetary policies that can help translate high growth into more and better job creation and poverty reduction. By the end of my term, I hope — I hope and pray — to hand over an economy that is much stronger, characterized by solid growth, low and stable inflation, dollar reserves, and robust fiscal position.
On taxation, my administration will pursue tax reforms towards a simpler, and more equi- table, and more efficient tax system that can foster investment and job creation. We will low- er personal and corporate income tax rates and relax the bank secrecy laws. Eh na-Presidente ako eh. Ayaw ko sana makialam dito sa mga ‘to. Alam mo na. Well, anyway. May I contin- ue...
At this stage, I also have directed the DILG to undertake nationwide information and cam- paign on federalism in partnerships with various alliances and with LGU, civil society, grass- roots and faith-based organizations...
On the clamor of our citizens for timely issuance of Philippine passports, the government shall work towards amendment of the 1996 Passport Law to lengthen the validity of the pass- ports from the current 5 years to 10 years. [applause] Tutal kayo naman ang maggagawa ng batas. You are the ones who will pass the law, even if you make it good for 30 years, okay ako. Bahala kayo. [laughter] Basta, stretch a little bit because five years is just really simply on a regular basis...
I have also ordered the DFA to streamline documentary requirements and passport applica- tions and open additional Consular Offices in strategic places to decongest Metro Manila sites [applause] and avoid queues that have caused hardships and suffering to passport appli- cants...
Wi-Fi access shall be provided at no charge in selected public places [applause] including parks, plazas, public libraries, schools, government hospitals, train stations, airports and sea- ports. O ‘di ba? Happy lahat.
To help ensure that the hard-earned money of the Filipinos overseas are put into productive use, a mandatory financial education for all migrants and their communities will be pursued with incentives to encourage entrepreneurship among them...
To strengthen the delivery of social services, the government will intensify its protection pro- grams, so it can use its resources, expertise to make a dent in the country’s poverty levels. What we want is genuinely to reduce the vulnerabilities of our people, build resiliency and empower individuals, and families and communities.
But we should not despair. Like someone wrote: It is when the night is darkest, that dawn breaks.
We are imbued with resiliency that has been tested and proven. More difficult times As in the past. We have a bond to act together. We have to help each other. For then and only then can we truly prevail. And the Filipino, disciplined, informed, involved, shall rise from the rubbles of sorrow and pain. So that all the mirrors in the world will reflect the face of a passion that has changed this land.
Daghang Salamat.
Kas 1 modyul 1 introduksyon sa kasaysayan
Course: Kasaysayan ng Pilipinas
University: University of the Philippines System
This is a preview
Access to all documents
Get Unlimited Downloads
Improve your grades
This is a preview
Access to all documents
Get Unlimited Downloads
Improve your grades
Why is this page out of focus?
This is a preview
Access to all documents
Get Unlimited Downloads
Improve your grades
Why is this page out of focus?
This is a preview
Access to all documents
Get Unlimited Downloads
Improve your grades
Why is this page out of focus?
This is a preview
Access to all documents
Get Unlimited Downloads
Improve your grades
Why is this page out of focus?
This is a preview
Access to all documents
Get Unlimited Downloads
Improve your grades
Why is this page out of focus?
This is a preview
Access to all documents
Get Unlimited Downloads
Improve your grades
Why is this page out of focus?
This is a preview
Access to all documents
Get Unlimited Downloads
Improve your grades
Why is this page out of focus?
This is a preview
Access to all documents
Get Unlimited Downloads
Improve your grades
Why is this page out of focus?
This is a preview
Access to all documents
Get Unlimited Downloads
Improve your grades