- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Panitikan Hinggil SA Kahirapan
Course: Mga Babasahin Sa Wikang Filipino
92 Documents
Students shared 92 documents in this course
University: University of the Philippines System
Was this document helpful?
Kabanata IV
Aralin 1
PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN
Ang kahirapan ay isa sa mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino.
Ito ay isa rin sa problema na hindi matapos tapos at hindi rin mabigyan ng
solusyon. Mahigit kumulang 48% o 11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyag
Pilipino na nagsasabi at itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap. Ito ay
batay sa ikalawang ‘survey’ na ginawa ng SWS o Social Weather Stations.
Isa sa sanhi ng kahirapan ay ang pagkakaroon ng mababang antas
ng edukasyon. Marami ang nagsasabi na ang edukasyon ang ating puhunan
para sa ating kinabukasan ngunit marami rin ang hindi nakakapag aral dahil
nagkakaroon ng kakulangan sa pera na ipangbabayad sa paaralan na
papasukan pati na rin pangbili ng kagamitan na kakailanganin ng isang mag-
aaral. Ang ibang mag-aaral naman ay nagtratrabaho habang nag aaral. Ito na
rin ang magsisilbing tulong nila sa kanilang mga magulang at matustusan ang
kanilang sariling pag-aaral ngunit ang iba ay mas pinipili ang magtrabaho na
lamang dahil ang kanilang kinikita ay sapat lamang sa kanilang
pangangailangan araw-araw at kulang pa para sila ay makapasok sa
paaralan.
Ang kawalan ng malinaw na pagplaplano at malabis na paggatos
ay isa rin sa dahilan ng kahirapan dahil ang ibang tao ay padalos-dalos
kung mag desisyon. Mayroong mga tao na mas inuuna ang kanilang
kagustuhan kasya sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang nararapat na
pera na nakalaan para sa kanilang kakainin araw-araw ay kadalasang
nauubos dahil ang iba ay hindi marunong humawak ng pera. Ang iba naman
ay nagkaroon muna ng pamilya kaysa trabaho kung kaya’t hindi sila
malinawan kung saan kukuha ng pera na kanilang gagamitin sa pang araw-
araw. Mayroong mga nakakahanap ng trabaho ngunit hindi naman
pangmatagalan marahil ay kulang lamang sila sa tiyaga at pag pupursigi
ngunit isa rin sa dahilan ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng
edukasyon.
Maraming pilipino ang nalululong sa masamang bisyo. Ito ay
maituturing na dahilan rin sa kahirapan. Ang paggamit ng alak at sigarilyo ay
nakakasira ng ating kalusugan , pamilya, kabuhayan at kinabukasan dahil
kung ito ay iyong makasanayan ay mahirap na itigil. Ang iba ay ginagastos ang
pera sa pagbili ng mga alak hanggang sa wala na silang maiuwing pera sa
kanilang pamilya dahil naubos na sa pag inom at pagsusugal. Ito rin ang
dahilan ng hindi pagtratrabaho dahil nauubos na ang oras sa bisyo at hindi na
magawang pumasok at mag hanapbuhay. Ang resulta ay ang kawalan ng
sweldo o kita na maaaring magamit sana sa pangtustos ng pangangailangan
ng kanilang pamilya.