Skip to document

Midterm Activity 1

Activity
Course

Hospitality Management (BSHM 241)

167 Documents
Students shared 167 documents in this course
Academic year: 2024/2025
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Panpacific University

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Pangalan: _________________________________ Iskor: ______________

Iskedyul: _________________________ Instruktor: _______________

MIDTERM ACTIVITY

Pagsasanay

Panuto: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang salitang PAGBASA gamit

ang isang salita lamang gamit ang concept mapping na pagpapakahulugan

upang mapalalim ang salita.

PAGBASA

Panuto: Gamit ang mga salitang nagpapakahulugan sa PAGBASA, bigyan

naman ng pagpapaliwanag bakit iyan ang mga napili mong salita upang

ilarawan ang pagbasa.

1. Pagsusuri =

2. Pagkatuto =

3. Impormasyon =

4. Proseso =

1.) Pagsusuri

2.) Pagkatuto

3.) Impormasyon

4.) Proseso

LUCERO, KIMBERLY S.

A079 FILDIS TTH 12:00 – 1:

PM

BB. CINDY TAGAMA

Sa pamamagitan ng pagbasa, nakakakuha tayo ng mga

kaalaman, datos, at ideya na nagagamit natin sa

paghasa ng ating kaisipan at sa pagpapaunlad ng ating

komunidad.

Sa pamamagitan ng pagbasa nahahasa at

natututo ang iba't ibang kasanayan ng isang

indibidwal.

Sa pagbasa hindi lamang simpleng pagbasa ang nagagawa

ng isang mambabasa dahil ito din ay proseso ng

paghihimay o pag-aaral sa isang paksa para mabigyan ng

mas matibay o mainam na kahulugan.

Ang pagbasa ay may sinusundang proseso. Kasama dito

ang pag-unawa sa mga salita, pagsasaayos ng mga ideya,

pagtukoy sa mga mahahalagang kaisipan, at pagbubuo ng

sariling interpretasyon. Sa pasaklaw na ideya, nauugnay

dito ang persepsyon, komprehensyon, asimilasyon, at

reaksyon.

Pagsasanay

Panuto: Nasa ibaba ang ilang bahagi ng talumpating pampasinaya ng mga

dating Pangulo ng Pilipinas. Unawaing mabuti at sagutin ang ilang mga

katanungan.

Mga Tanong:

1. Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga talumpating pampasinaya

ng mga Pangulo ng Pilipinas.

a) Benigno Simeon Aquino III

Ang pagiging pangulo ng isang bansa ay isang napakahirap na

posisyon or gampanin na pwedeng maranasan ng isang indibidwal

sapagkat marami ang kailangang isakripisyo at harapin para sa

ikakaganda at ikauunlad ng bayan. Gayunpaman, ang dating pangulo

na si Benigno Simeon Aquino III ay taas-noong tumayo para sa mga

mamamayan ng Pilipinas bilang tanda ng kaniyang pagtanggap sa

hamon ng pagkapangulo sa kabila ng mga 'di inaasahang mga bagay

at pangyayare kahit na hindi niya ito hinangad sa kaniyang buhay. Isa

pa, ipinahiwatig niya na ang mga mamamayan ng Pilipinas ang

magbibigay ng lakas na kailangan niya upang gawin lahat ang

gampanin niya bilang pangulo ng Pilipinas.

“Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas.

Hindi ko inaakala na darating tayo sa puntong ito, na ako ay manunumpa sa

harap niyo bilang Pangulo ng Pilipinas. Hindi ko pinangarap maging

tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating

bansa. “

(Benigno Simeon C. Aquino III)

“... tatlo lamang kontribusyon ng babae sa mabuting pamamahala –

Karapatang Pantao ng Kababaihan, Karapatang Pangkabuhayan ng

Kababaihan, at Karapatang Pantao n g Kababaihan. Mabuhay ang mga

Kababaihan.”

(Gloria Macapagal-Arroyo)

“Sa mamamayan kumukuha ng lakas ang mga pamahalaang demokratiko at

isa na rito ang administrasyong ito. Kaya kailangan nating pakinggan ang

mga hinaing ng mamamayan, damhin ang kanilang mga pulso, ipagkaloob

ang kanilang pangangailagan, at patibayin ang kanilang paniniwala at

pagtitiwala sa atin na iniluklok nila sa ating mga katungkulan.”

(Rodrigo Roa Duterte)

impormasyon ng binabasa. Isa pa dyan, sa panahong ito na marami ang mga

tukso gaya ng mga gadgets, online games, at ang mga social media na

madalas ay humahadlang sa mga tao upang pagtuunan ng pansin ang

kanilang pagbabasa at paglinangin pa ng husto ang kanilang kaalaman sa

pagbabasa.

Sa kabila ng lahat, huwag dapat nating ikahiya ang kahinaan natin sa

pagbabasa bagkus ay dapat natin itong tingnan bilang isang oportunidad at

bilang paalala sa atin na kailangan nating mas pagbutihan pa ang

pagbabasa.

2. Sa iyong palagay, kung ang iyong layon sa pagbasa ay upang matamo ang

higit na pang-unawa sa pagbasa, ano ang mahalagang kontribusyon ng

persepsyon, komprehensyon, reaksyon, at asimilasyon sa pagbabasa?

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng persepyon, komprehensyon,

reaksyon, at asimilasyon upang matamo ang higit na pang-unawa sa

pagbasa. Sa pamamagitan ng persepyon, tayo ay nagkakaroon ng panimula

ng karunungan patungkol sa ating babasahin. Ito ang nagiging tulay natin

upang makilala natin ang may akda, magkaroon ng pangunahing ideya sa

kung ano ang babasahin, at upang siyasatin kung makakaya ba natin ang

ating babasahin. Sunod naman ay ang komprehenson. Tinitiyak nito na

nauunawaan natin ang ating binabasa hindi lamang sa literal na kahulugan

ng mga salita kundi ay pati na rin sa pag-uugnay-ugnay ng mga ideya upang

malaman natin ang kabuoang konteksto at ideya ng ating binabasa. Pangatlo

ay ang asimilasyon na kung saan ito ang tumutulong sa ating upang

maikalat at maiugnay natin ang mga ideyang pumapasok sa ating isipan sa

mga ideyang nakuha natin sa mga iba pang kaalaman.

Gamit ang asimilasyon, tayo ay nagkakaroon ng karagdagan at malalim na

pang-unawa sa ating binabasa. Panghuli ay ang reaksyon. Gamit ang

reaksyon, nasusuri natin kung naintindihan ba natin talaga ang ating binasa

sa pamamagitan ng pagkakaroon ng positibo o negatibong tugon ukol sa

mga ideya at impormasyong ating nakuha.

Sa kabuuan, mahalaga na isaalang-alang natin ang mga ito dahil ang mga ito

ang tamang proseso ng pagbasa. Maaring may malaktawan tayo kapag may

nawawala sa apat na prosesong ito.

3. Isa-isahin ang mga pamamaraan sa pagbasa at magbigay ng sariling

okasyon o pagkakataong nagamit na ang alinman sa mga ito, mas mainam

kung makapagbibigay ng isang sitwasyonng nagamit ang buong proseso.

Malakas - Ito ay ang pagbabasa na may malakas na tinig o boses. Ang

ganitong paraan ng pagbasa ay nakatutulong upang mapakinggan ng

malinaw at maintindihan ng mga tagapakinig kahit na may ingay sa paligid.

Halimbawang sitwasyon:

Ako ay nagbabasa ng malakas kapag may babasahin akong report sa harap

ng aking mga kaklase upang maintindihan nilang lahat pati ang mga

nakaupo sa likod ng silid-aralan.

Tahimik – Ito ang pagbabasa na mata lamang ang ginagamit ng

mambabasa sa kaniyang pagbabasa at hindi na niya kailangan pang lakasan

ang kanyang bosses. Ang pagbabasa sa ganitong paraan ay nakatutulong

upang mabasa ng maayos ang mga salita at maiwasan ang pagkakamali sa

pagbigkas ng mga ito. Isa pa ay ginagamit natin ang klase ng pagbabasa ng

ganito pag gusto nating mag focus at maintindihang maigi ang ating

binibasa.

Halimbawang sitwasyon:

Ginagawa ko ang pagbabasa ng tahimik kapag ako ay nagrereview sa bahay

o sa silid-aklatan. Dahil bawal ang mag-ingay doon ay nakatutulong din ito sa

akin upang maunawaan ko ng maayos ang aking binabasa. Ginagawa ko din

ito pag gusto ko ng tahimik at magpahi-pahinga at kapayapaan.

Mabilis - Pagbasa ng may kasamang mabilis na pagpapahayag ng mga

salita. Ito ay ginagamit upang mabilis na mabasa ang mga kailangang

malaman or mabasa sa loob ng maikling panahon. Isa pa, sa pamamagitan

ng mabilis na pagbasa ay nasusuri ng mga eksperto ang"accuracy" ng isang

tao sa pagbabasa.

Halimbawang sitwasyon:

Naranasan ko nang magbasa ng mabilis noong ako ay nasa baitang apat

kung saan merong mga pumupunta sa paralan naming at isa-isa nila kaming

pinagbabasa sa harap. Mabilis ako magbasa noong mga panahong iyon dahil

maikli lamang ang ibingay na oras at upang mabasa lahat ng tekstong

ibinigay sa akin.

Mabagal - Pagsasagawa ng pagbasa ng may kasamang mabagal na

pagpapahayag ng mga salita. Ang ganitong paraan ng pagbasa ay ginagamit

upang mabigyang-diin ang bawat salita at maiwasan ang pagkakamali sa

pagbigkas ng mga ito. Ginagamit ito sa mga malalim at komplikadong teksto

tulad ng mga pananaliksik o mga teknikal na aklat.

Halimbawang sitwasyon:

Ako ay inatasan ng aking guro noon na iwasto ang mga ginawang aktibidad

ng aking mga kaklase. Habang sinusuri ko ang mga ito, ito ay binabasa kong

mabagal upang mas maunawan ko at maintindihan ko ng maigi ang aking

binabasa.

Was this document helpful?

Midterm Activity 1

Course: Hospitality Management (BSHM 241)

167 Documents
Students shared 167 documents in this course
Was this document helpful?
Pangalan: _________________________________ Iskor: ______________
Iskedyul: _________________________ Instruktor: _______________
MIDTERM ACTIVITY #1
Pagsasanay #1
Panuto: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang salitang PAGBASA gamit
ang isang salita lamang gamit ang concept mapping na pagpapakahulugan
upang mapalalim ang salita.
PAGBASA
Panuto: Gamit ang mga salitang nagpapakahulugan sa PAGBASA, bigyan
naman ng pagpapaliwanag bakit iyan ang mga napili mong salita upang
ilarawan ang pagbasa.
1. Pagsusuri =
2. Pagkatuto =
3. Impormasyon =
4. Proseso =
1.) Pagsusuri
2.) Pagkatuto
3.) Impormasyon
4.) Proseso
LUCERO, KIMBERLY S.
A079 FILDIS TTH 12:00 – 1:30
PM
BB. CINDY TAGAMA
Sa pamamagitan ng pagbasa, nakakakuha tayo ng mga
kaalaman, datos, at ideya na nagagamit natin sa
paghasa ng ating kaisipan at sa pagpapaunlad ng ating
komunidad.
Sa pamamagitan ng pagbasa nahahasa at
natututo ang iba't ibang kasanayan ng isang
indibidwal.
Sa pagbasa hindi lamang simpleng pagbasa ang nagagawa
ng isang mambabasa dahil ito din ay proseso ng
paghihimay o pag-aaral sa isang paksa para mabigyan ng
mas matibay o mainam na kahulugan.
Ang pagbasa ay may sinusundang proseso. Kasama dito
ang pag-unawa sa mga salita, pagsasaayos ng mga ideya,
pagtukoy sa mga mahahalagang kaisipan, at pagbubuo ng
sariling interpretasyon. Sa pasaklaw na ideya, nauugnay
dito ang persepsyon, komprehensyon, asimilasyon, at
reaksyon.