- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Reaksiyong-papel-activity
Course: Practical Research 1 (PR1)
145 Documents
Students shared 145 documents in this course
University: West Visayas State University
Was this document helpful?
Sa Kabataan
Onofre Pagsanghan
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot." Kapag ang isang
bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot.
Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng
puso, at ng diwa.Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay
kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung
ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati’y ga-
kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog
man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama’y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong
laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang
sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan-anong
kapinsalaan para sa kinabukasan.
Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa
langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon
ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o
bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang
kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-
aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan.
Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga
magulang at sa mahiwagang araw ng bukas makakaya nating balikatin and mabibigat na suliranin ng
ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa
mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap,
wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.
Students also viewed
- Literature Reviewdefinitief Smart Light Concepts 2Seas
- Narrative-Summary-Guidelines 1
- Chapter 1 Practical Research styrofoam as tire sealant
- GLOHerb Gummies: The Effectiveness of Herbal Gummies in Expediting Cough and Cold Treatment Among Pediatric Patients
- Or Danic Chapter 1
- 3rd lit matrix - Always Revise
Related documents
- Abstract in The Covid-19
- Narrative Research
- Saint-Anselm Gannaban Rivera Palattao Tambauan Corpuz Balyao Lonzanida Cabauatan-1
- Research youthThe effects of the architectural design of public spaces to the Child and youth development
- The effects of the architectural design of public spaces to the Child and youth development
- Pdfcoffeeght give confusion to the public. The second account is Santiago Alvarez; he is one of the leaders in Cavite revolution. In his account he said that they arrived at the Bahay Toro on August 2