Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Mga teorya ng pinagmulan ng wika

Course

Retorika (FIL 102)

97 Documents
Students shared 97 documents in this course
Academic year: 2022/2023
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Western Mindanao State University

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Mga teorya ng pinagmulan ng wika

Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t ibang tao hindi pa rin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o misteryo.

Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’t ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.

Tore ng Babel

Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kabanata 11:1-8)

Bow-wow

Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?

Ding-dong

Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.

Pooh-pooh

Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa- Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa- ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot? Yo-he-ho Pinaniniwalaan ng linggwistang si A. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak? Yum-yum Katulad ng teoryang ta-ta , sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika. Ta-ta Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta. Sing-song Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami. Hey you! Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan ( Ako! ) at pagkakabilang ( Tayo! ). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit ( Saklolo! ). Tinatawag din itong teoryang kontak. Coo Coo Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda. Babble Lucky

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.

Hocus Pocus

Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.

Eureka!

Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).

La-la

Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.

Ta-ra-ra-boom-de-ay

Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

Mama

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother.

Rene Descartes

Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.

Plato

Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t naimbento ito ng tao.

Jose Rizal

Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika? Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos ang wika sa tao. Charles Darwin Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika. Wikang Aramean May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. Haring Psammatichos Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si Psammatichos kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng “Bekos” ang dalawang bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika kahit hindi ituro ang pinanghahawakan ng teoryang ito. Alin sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi natin matutukoy. Kaya nga teorya ang tawag sa mga ito, mga haka-haka lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na hahantong lamang sa walang hanggang pagtatalo. Bawat teorya ay may sari-sariling kalakasan at kahinaan na maaaring maging batayan upang ating paniwalaan o di kaya’y tanggihan. Magkagayon man, mahalaga ang bawat isa sa pagtalakay sa pinagmulan ng wika.

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Mga teorya ng pinagmulan ng wika

Course: Retorika (FIL 102)

97 Documents
Students shared 97 documents in this course
Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 2 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika.
Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t ibang tao hindi pa
rin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga
nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na
hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t
ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong
palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan
ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o misteryo.
Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t
ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga
batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’t
ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba’t
ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng
pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May
ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng
koneksiyong sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang teorya ng
wika sa tulong ng talahanayan.
Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong
unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na
higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging
mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at
nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at
mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng
Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa
pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya
ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa,
hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa
wikang sinasalita. (Genesis kabanata 11:1-8)
Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay
mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang
mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa
mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga
bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang
tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng
mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay
tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng
nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa
lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa
panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila
sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung
totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa
iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso
sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika
ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga
tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid.
Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga
kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha
ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may
sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at
ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang
tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t
ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na
simbolismo ng tunog.
Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang
ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng
mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga
naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit.
Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga
Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin
kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa
Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga
diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t
tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert
ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin
kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag
tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga
ina ay nanganganak?
Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay
tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang
bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong
ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa
posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang
paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa
pinagmulan ng wika.
Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng
kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular
na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y
nagsalita. Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag
ang isang tao nga namang nagpapaalam ay
kumakampay ang kamay nang pababa at pataas
katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag
binibigkas ang salitang ta-ta.
Sing-song
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika
ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili,
panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang
mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at
hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
Hey you!
Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng
linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na
kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay
Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na
nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at
pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang
pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag
din itong teoryang kontak.
Coo Coo
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga
tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw
na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang
pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas
sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang
nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
Babble Lucky

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.